bc

Her Evil Husband-SPG

book_age18+
2.9K
FOLLOW
9.5K
READ
revenge
contract marriage
drama
punishment
like
intro-logo
Blurb

Ang buong akala ni Eliza, siya na ang pinakamasayang babae sa mundo dahil ikakasal siya sa lalaking mahal na mahal niya. Si Rozen, tatlong taon silang magkasintahan bago nag-propose sa kaniya si Rozen, ang bilyonaryong napaka- misteryoso ang buhay.

Pero sa araw mismo ng kasal ay nagbago sa kaniya si Rozen naging tila kasing lamig ito ng yelo.

Ano kaya ang dahilan bakit naging malamig si Rozen sa babaeng pinakasalan niya?

( Eliza & Rozen )

chap-preview
Free preview
C-1 THE WEDDING
"Mommy, Daddy, ako na ba ang pinakamagandang bride sa buong mundo?" tanong ko kay mommy Lailani at Daddy Elijah habang nakaharap ako sa malaking salamin suot ang aking wedding gown. Ngumiti si Mommy. Si Daddy naman ay tinitigan muna ako bago ito nagsalita. "Mas maganda ka sa Mommy mo ng ikasal siya sa akin. Ang Mommy mo kasi noon, kulot, nakasalamin at suot pa niya ang kaniyang retainer na sa halip na gumanda ay mas lalo pa siyang pumangit." natawa na lamang ako sa sinabi ni Daddy. Isang malakas na hampas naman ang ginanti ni mom kay dad. I'm so grateful dahil sila ang naging magulang ko. Alam kong ampon lang ako pero ni -minsan hindi nila pinaramdam sa akin na isa lang akong ampon. Kaya ang swerte-swerte ko sa kanila. Niyakap ko silang pareho. Bago bumitaw sa pagkakayakap ay napaiyak na ako. Pinunasan ko kaagad ang luha ko sa aking pisngi. Baka masira ang make -up ko. "Ano ba 'yan, Eliz? Hindi ka pa naglalakad patungo sa magiging asawa mo umiiyak ka na, paano pa kung maglalakad ka na palapit sa kaniya? Halika nga dito." Kinabig ako ni mom palapit sa kaniya at niyakap. "Naiisip ko kasing mawawalay na ako sa inyo, mom." sabi ko habang patuloy ang pagtulo ng luha ko. Nasisira na ang make-up ko. Mas lalong tinapik ni mommy ang aking likod. "Nandito pa rin naman kami kapag kailangan mo. Huwag ka ng umiyak okay? Tandaan mo ikaw ang panganay namin at ikaw ang Ate ng apat mong mga kapatid kaya ipakita mong matapang at kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa." hinaplos ni mommy ang aking mga pisngi. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Tama na ang iyak. Masisira ang make-up mo. Gusto mo bang maging pangit ka sa paningingin ng groom mo?" biro ni mommy. We both laughed. Pinunasan kong muli ang aking mga luha sa aking pisngi. "Maiwan ka muna namin ng daddy mo, hija. Mauuna na kami sa church. Doon ka na lang namin hihintayin. Anak, don't stress yourself too much. I know you are the most beautiful woman today, so smile." Humalik sa pisngi ko si Mom. "Bye, my dear." Nakangiting paalam ni Mommy tsaka tuluyan na sila ni Dad na lumabas sa pinto ng silid na kinaroroonan ko. Tinitigan ko ang kabuuan ko sa malaking salamin. May mga ngiti sa labi. Sa wakas! Bubuo na ako ng sarili kong pamilya sa lalaking mahal na mahal ko at mahal na mahal rin ako. Inayusan na muli ako ng bakla. Pagkatapos, lumabas na rin ako para sumakay sa bridal car. Sobrang excited ako. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Napapikit ako sa lakas ng kalabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Sobrang lakas ng kabog dito sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng ikakasal. Huminto ang bridal car kaya mas lalong lumakas ang pintig ng puso ko dahil nandito na kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Pinagbuksan ako ng driver, dahan-dahan akong lumabas sa bridal car. "S-salamat po, " sabi ko sa driver ng bridal car. Tumango lang ito at binigyan ako ng daan. Nakangiti ako habang naglalakad papasok sa loob ng simbahan. Alam kong naroon na sa loob si Rozen, naghihintay na sa 'kin. Pagpasok sa loob ng simbahan ay ganoon na lang ang pagkapawi ng mga ngiti ko dahil hindi ko nasilayan si Rozen sa altar. N-nasaan si Rozen? Napatingin ako kay Mommy. Umiling-iling ito sa akin. Parang wala ring alam. Lumapit sa akin si mom. "Mommy s-si Rozen? N-nasaan?" kinakabahan na tanong ko sa kaniya. Para na akong maiiyak. "Yan din sana ang itatanong ko sa 'yo, Eliz. Kanina pa ako tawag ng tawag sa 'yo pero hindi mo sinasagot." Biglang bumagsak ang aking mga balikat. Bakit wala pa siya? Hindi ba dapat nandito na siya at naghihintay na sa akin sa altar? "Mommy, pahiram po ng phone niyo." ibinigay ni mommy sa akin ang phone niya. Tinawagan ko kaagad si Rozen. Nag-aalala kasi ako baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kung bakit hanggang ngayon wala pa siya at nauna pa 'ko sa kaniya. Ring lang ito ng ring ngunit walang sumasagot. "Nasaan na kaya ang groom?" narinig kong mga tanong ng mga nag-attend sa aking kasal. Kahit ako ay walang kaalam-alam kung nasaan si Rozen at bakit wala pa siya? Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Ilang call na yata ang nagawa ko pero hindi man lang nito sinasagot. May balak ba siyang hindi na tumuloy? Nagbago ba bigla ang isip niya? Na-realize niya kaya na hindi katulad ko ang dapat na pakakasalan niya or na -realize niyang hindi pala talaga niya 'ko mahal. Pero impossible dahil tatlong taon na kaming magkasintahan at alam kong pareho naming mahal ni Rozen ang isa't-isa. Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao sa simbahan. "Nandito na ang groom!" sigaw ng isang babae na hindi ko kilala. Ang alam ko lang kaibigan siya ni Mommy. Lumakas ang t***k ng puso ko at ang kaba ko kanina ay unti-unting nawala nang makita ko siyang papasok na. Ang buong akala ko hindi na siya darating. Napangiti ako at sinalubong siya. Nasa pintuan na siya ng simbahan nang takbuhin ko ang kinaroroonan niya. Niyakap ko kaagad siya. "Akala ko kung may masamang nangyari na sa 'yo, Love." sambit ko habang yakap -yakap ko siya. May naaamoy akong alak pero hindi ko ito pinansin. Wala siyang imik. Tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya. "Ang mahalaga naman nandito ako 'di ba?" tila sarkastikong sabi niya sa akin at naglakad palapit sa altar. Tulala akong napatitig sa likod niya. Tila nag-iba ang katauhan ni Rozen sa araw na ito. Tila hindi na siya si Rozen na sobrang sweet at clingy sa akin. Hindi man lang siya gumanti na hapitin ang bewang ko. Pero sa kabila ng pag-iisip ko, tuloy ang kasal namin. Naikasal kami sa araw na ito pero wala akong makitang saya sa kaniyang mga mata. Tila isang malamig na yelo ang lalaking ikinakasal sa akin. Pero sa kabila ng lahat na ipinakita niya ay nakangiti pa rin ako para tanggapin ang lahat ng pinapakitang cold niyang awra sa akin. Pagkatapos ng kasal at receptions dumiretso kami sa kanilang mansion. Sa halip na sa isang hotel ang tuloy namin para sa honeymoon ay nagbago na ang plano niya. Sa kanilang mansion niya ako dinala. Ngayon pa lang ako nakapasok sa kanilang mansion. Hindi niya raw ito maiwan-iwan dahil may mahalaga at memories siyang binabalik-balikan sa bahay na ito. Iyon ang kwento niya sa akin noon. Noon, hanggang condo lang ako. Hindi niya ako dinadala dito. Kanina ko pa gustong itanong sa kaniya kung anong problema pero hindi ko nagawa. Dahil baka pagod lang siya kaya ganito siya sa akin. Tila ayaw niya akong kausapin. Gabi na nang makarating kami kaya dinala niya na rin ako sa magiging kwarto namin. Dito na yata kami titira. "R-Rozen..." tawag ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob ng kwarto. Kaming dalawa na lang. Hindi siya sumagot. "R-Rozen...love..." tawag ko ulit sa kaniya. Lumingon siya sa akin kaya tumalikod ako sa kaniya para sana ipahubad sa kaniya ang pagkakabuhol ng tali ng wedding gown ko sa aking likuran. "P-pakihubad naman." Turo ko sa likuran ko. Hindi siya umimik pero sinimulan niyang hubarin ang pagkakabuhol ng tali ng wedding gown ko sa aking likuran. Nang mahubad niya iyon ay humarap ako sa kaniya. Unti-unti kong hinubad sa kaniyang harapan ang wedding gown ko. Yumuko siya at hindi ako tiningnan na parang may mali sa akin dahil ayaw niyang tingnan ang hubad kong katawan. "I'm tired, Eliz. Let's go to sleep." sabi niya tsaka tinalikuran ako para maglakad palapit sa kama. Hinila ang kumot at nagtalukbong. Napanganga ako habang pinagmasdan siyang nakatalukbong na ng kumot. Nag-umpisang bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko kasi alam kung bakit siya nagkakaganito? Kanina pa siya cold sa akin. Napilitan lang ba siyang pakasalan ako? "Rozen..." muli ay tawag ko. Lumapit ako at pilit na tinatanggal ang kumot na nakatalukbong sa kaniya. "Rozen..." "Ano ba, Eliz? I'm fvcking tired! Hindi mo ba maintindihan yun? Ganun ka ba katanga para hindi mo maintindihan na pagod ako? Matulog ka na puwede ba?" sigaw niya sa aking pagmumukha. Sunod-sunod na bumagsak ang aking mga luha. Nagulat ako, nabigla dahil sa paglakas ng boses niya na kailanman ay hindi niya nagawa sa akin noon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook