Mayen's POV Bumalik ako sa kwarto nang makaalis si Rica. Umuwi na siya dahil tumawag na si Tita Celly ang Mama niya. Humiga ulit ako at nag scroll sa f*******:, twitter, i********:, google or kahit anong social media platform na maisipan ko makahanap lang ng impormasyon ni Kuya Vincent. Finallow ko siya at nagsend ng friend request. Sana naman i-accept niya agad ako. At tama nga si Rica. Nag-iisang anak lang ito. May mga iilan din lumabas na litrato na may kasama siyang ibang babae pero walang nakalagay kung girlfriend niya ba ito, kaibigan o kamag-anak lang. May larawan din sila kasama ng magulang niya. At di maikakaila ang estado nila sa buhay. Syempre ikaw ba naman magmay-ari ng isang malaking kumpanya ang Dela Vega Enterprises. May nabasa din akong isang article na nag-eexpand din i