Mayen's POV Mabilis kong narating ang department store at nakita ko naman kaagad si Lucho. "San ka ba galing? Bigla ka na lang nawala?" Bungad niya sakin. Naabutan ko siya sa ladies section at pumipili ng mga dress. Hindi man lang siya nahiya. Inalalayan din siya ng babaeng nagbabantay dito. "Tingnan mo to mukhang bagay sayo, isukat mo dali." dagdag niya at tinapat sa dibdib ko yung dress na naka hanger pa. "Ah uhm, Lucho baka next time na lang siguro ako bumili. Tara na manood na lang tayo ng sine," Aya ko sabay lingon sa paligid baka sinundan ako. "Ha? Bakit? Akala ko ba may titingnan kang damit dito?" Taka niyang tanong. "Hindi na lang muna nagyon, nagbago na isip ko. Kami na lang ni Rica ang pipili, alam kasi n'on kung anong bagay sakin." Sagot ko. "Tutulungan kitang pumili,