Chapter 23

1622 Words
"Good morning." Bati niya saakin. Sinagot ko naman siya ng ngiti. "I became greedy last night, I'm sorry. Here. Let me feed you." Paglapit niya ng kaniyang braso saakin ay agad na lumabas ang aking pangil. Pagkatapos ko ay sabay kaming nag bihis atsaka nagpunta sa kusina. Should I tell him about my dream? Or not? Should I? s**t. Maybe not today. But when? f**k it. "Jack. May sasabihin ako." "Ano 'yon?" Kalmado niyang tanong habang umiinom ng tubig. . "It's just a dream, okay? That won't happen. We are yours, Tala, mon amour." Niyakap namin ang isa't isa ng ilang minuto bago ilagay ang tela saaming ulo. Bago kami tuluyang lumabas ay tinignan muna namin ang paligid. "I love you." Mahina niyang sabi bago kami maghiwalay. Ako ay sumakay saaking kabayo at siya naman ay tumalon sa sanga ng puno. Ang mga katawan ng kalaban ay nakahandusay pa rin sa lupa. Ang mga kawal na nagbabantay saaking kastilyo ay nakahandusay rin. Hindi ko na sila napansin kagabi dahil sa bilis ng pangyayari. Ang tanging alam ko lang ay dapat mag ingat dahil kakaunti na ang mga hukbong naririto saaking Emperyo. ... Habang naglalakbay patungo sa kaharian ng Xenia ay naisip ko ang aking espada. Hindi ko man lang sinubukang itaas ang aking kamay upang ito ay makuha- kung makukuha ko pa ba ito. Hindi ko alam kung nasaan na ito. Kahit nag aalinlangan ako'y tinaas ko pa rin ang aking kamay. Halos mag iisang minuto akong nag antay nang mapasakamay ko ito. Hindi ko inaasahan na ganito pa rin ito kaganda at kalinis. Nang hawakan ko ito ng maigi ay parang may kaunting lakas na pumasok saaking katawan- hindi, parang saaking kaluluwa. Ang aking maliit na ngiti ay nawala nang makita ko si Luna na nakasakay sa malaking lobo. Ang mga kawal ay nakikipag usap sakaniya kaya't hindi siya tuluyang makapasok sa kaharian. Pinahinto ko ang aking kabayo, sapat na upang hindi nila ako mapansin at sila ay pinanood. "Kapatid ko ang Reyna sa isa sa kahariang nandito." Wika niya. "Hindi ho maari. Mahigpit kaming pinagbilin ng aming pinuno at ang paghigpit katulad nito ay galing saaming Emperatris." "Pasensya na. Kami lamang ay sumusunod." "Mabuti man ang pakay niyo dito'y hindi namin kayo maaring papasukin." Sabi pa ng isa. "Sinong Emperatris?" Tanong ni Luna. Sa tono niya'y ramdam ko ang halo-halong emosyon ngunit mas namamayani ang kaba at pananabik. "Hindi na po kami maaring magbigay ng maraming impormasyon. Para na rin po ito sa ikabubuti ng ating panig." "Kakampi niyo nga kami." Tugon niyo. "Uulitin ko ho. Pinaghihigpit ng aming nakatataas ang pagpasok at paglabas ng estranghero sa aming kaharian." "Hindi nga ako estranghero. Kapatid ako ng namumuno sa isang kaharian dito." Pilit ni Luna ngunit umiling lamang ang mga kawal. Nagtungo ako sakanilang kinarorooan. Ang mga kawal ay para akong pinag aaralan hanggang sa sila ay mabilis na yumuko upang ako ay bigyang igalang. Marahil nakikilala nila ako kahit may itim na telang nakabalot saaking mukha. Siguro ay dahil saaking kabayo. "What are you doing here?" I asked coldly. "I-i-i don't.. we aren't here to cause any harm." Nauutal na sagot saakin ni Luna. "Where are you from?" Tanong ko ulit. "We came from Umeria Empire." "Then what are you doing here? Why are you here?" "I wanted to see and talk to my sister. She's a Queen here." "How do I know that you won't cause any harm? I am not certain." "Besides, your excuse is not that valid." Dagdag ko. "I've lost my bestfriend, my sister, my guardian, my partner not just in crime, and that sister who I wanted to see is the only sister I've got. I regretted, totally regretted what I have done with her and to her child." Aniya atsaka sunod-sunod ng tumulo ang kaniyang mga luha. "Why are you telling me those now?" Tanong ko at hindi niya ata ito inaasahan kaya siya hindi agad nakasagot saakin. "I'm sorry. But I beg you, please let me just talk to her. Kahit bantayan niyo ako upang makasiguradong hindi ako gagawa ng kahit na anong makasasama sainyo." Oh Luna. What happened to you? "Who's that?" Tukoy ko sa lobo. "He is Danny." . I am grateful that she's alive and better, but that doesn't conceal the feeling what I'm feeling. She's my sister and I can't fathom why she've done that. Does her love replaced by hate? I don't know and I don't care anymore. I will protect her because it's my responsibility as their eldest sister, but I don't think I can forgive her that easy. Pinagmasdan ko sila kung paano sila magyakapan ni Agnes. Si Danny naman ay nakaanyong tao na. "I'm so sorry, Ate. I'm sorry, I'm sorry, I am so sorry." Rinig kong sabi niya kay Agnes. Hindi ko na sila pinanood at ako ay umalis na. Mabilis kong pinatakbo ang aking kabayo, sinusubukang maiwan saaking dinaraanan ang katotohanang gusto ko siyang mayakap ng mahigpit. Napatigil ako nang makuha ng atensyon ko ang lalaking nakasandal sa itaas ng puno habang ako ay pinagmamasdan. "Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko. Nginitian niya naman ako atsaka bahagyang tumalon pababa. "Nothing." Sagot niya atsaka unti-unting inaalis ang telang nakasabit sakaniyang ulo. "Bakit mo 'yan inaalis? Sira na ba ang ulo mo?" "I suppose. Because of you." Pagngiti niya hanggang sa siya ay makalapit ng tuluyan saakin. "Here." Yumuko naman ako atsaka niya pinatong ang hawak niyang tela saakin. Sapat na ito upang hindi mabilis maalis ang unang telang nagtatakip saaking mukha. "Maybe by the use of this, they can't see you. They can't take you from me." Pagtapos niya sa paglagay ng tela saakin. Oh, my Jack. Habang inaayos niya ito'y hindi ko mapigilang pagmasdan ang kaniyang mukha. Ang bawat dulo, ang kurba, ang iba't ibang hugis, ang buong kagandahan ng kaniyang mukha at ang kulay abo niyang buhok. "They won't take me away from you because I will never allow them." Tugon ko kaya siya ngumiti. Bahagya niyang binaba ang telang nagtatakip saaking labi atsaka ako hinalikan. "They might caught us, Jack." "They might." Ngiti niyang sagot pagkatapos niyang ayusin ang tela. Nagpaalam na kami sa isa't isa kaya na ako nagpatuloy saaking destinasyon. ... Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nagaagaw na rin ang liwanag at dilim. Mabilis kong pinatakbo ang aking kabayo upang makabalik na saaking kastilyo. Halos malaglag ako nang tumayo ang kabayo ko dahil sa babaeng naglalakad at basang basa sa ulan. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling at bigla bigla na lang lumilitaw saaking harapan. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa gitna ng dilim? Ang lakas na ng ulan." Aniko ngunit nakayuko lamang siya. "Hey." Tawag ko at dito lang siya lumingon saakin na napaka tamlay. "May? Anong nangyari sa'yo?" Nag aalalang tanong ko atsaka ako mabilis bumaba. Hindi niya ako sinagot at niyakap niya lang ako at doon humagulgol. Basang basa na kami sa ulan. "What happened? Halika doon na tayo mag usap." Sambit ko atsaka siya hinila upang makaakyat sa likuran ko. Mabilis kong pinatakbo ang kabayo at ilang minuto pa ay nakarating kami saaking kastilyo. "Dry yourself." Wika ko. Inutusan ko pa ang aking mga tagapag silbi na maghanda ng maari niyang masuot samantalang ang iba ay kinuha ang aking armas. Mabuti na lang at walang umatake saamin- saakin, dahil hindi ko na alam kung magkakaroon pa ba ako ng kasama dito sa kastilyo. Iilan lang silang naririto, ayos lang naman ito saakin kahit umalis sila ngunit ang kayamanan at kagamitan dito ay maaring makuha kung walang nagbabantay lalo na't palagi akong wala. Nag ayos ako at inayos ko na rin ang aking mahabang buhok. Pagkalabas ko ay naabutan ko si May na nakatitig lamang sa mainit na tsaang hinanda ng aking tagapag silbi. "Your imperial majesty." Pagyuko ng isa. Tinanguan ko naman siya, hudyat na maari na nila kaming iwan. "Anong nangyari sa'yo?" Pag uumpisa ko. Pansin ko ang mga galos at sugat niya sakaniyang katawan. Sa palagay ko'y nanggaling siya sa pakikipag laban bago ko siya makita. "I hate my life. I hate it." "Ano ba ang nangyari?" Nagpakawala siya ng malalim na paghinga atsaka sinalubong ang aking paningin. Kitang kita dito ang sakit na nararamdaman niya. "I've never experience being fought for something. I'm always being left alone, broke, sad." Paguumpisa niya. "Unang una na ang aking mga magulang. Hindi nila ako pinaglaban, hindi niya ako pinaglaban. Si Liam na duwag. Si Charlie na mas pinili ang haring iyon. Si Luna na malaki ang galit saakin sa hindi ko maintindihang bagay...." "At si Chase na bigla ko na lang naging asawa." "Asawa?" Tanong ko agad. "It was an accident. Alam ko namang wala lang iyon saamin, ngunit heto ako't nahulog sakaniya. Alam ko naman ang mangyayari pag pinabayaan kong malaglag ang loob ko sakaniya, kaya ito ako ngayon." "And Mitch. He's the only person I've got that's why I helped him. But the thing is, I can't give what he needs even if we tried. I feel sorry for him and I feel worthless. Kahit sabihin niyang ayos lang iyon, nagsisisi pa rin ako at nagagalit sa sarili ko. He's always there when I need something, he gives what I asked even if not always but still he tried." "Ano ba ang kailangan niya?" "Anak." Sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala dito. "I thought he's gay. Why need a child?" "He is. May kailangan lang siyang patunayan sakaniyang magulang. And by giving them a grandchild, maybe, just maybe, they will accept him as their son." "And I really wanted to help him. I really do. But I can't." Pag iyak niya. "I can't be pregnant because I am the child of The Devil."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD