CHAPTER 17 ROSE POV: "AKALAIN mo nga naman, kaya pala gusto mo akong hadlangan sa paglapit ko kay Ms. Santilla dahil ikaw itong may binabalak na masama sa kanya... Umaalisngaw na agad ang baho mo Jack. Hindi magtatagal ay itatakwil ka na ni papa dahil sa patago mong katarantaduhan sa buhay," wika ng lalaki na siyang kapatid ni Jack Fuentez. Naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Tila may lihim siyang pagka-inggit at galit kay Mr. Fuentez dahil sa tono ng pananalita niya. Pero ano naman ang isasagot ko? Wala naman akong kaalam-alam sa naging alitan nilang dalawa. Hindi ko naman alam kung bakit parang ang taas ng dugo niya kay Mr. Fuentez. But wait? Tama ba itong naririnig ko? Gusto niya akong lapitan pero hinaharangan siya ni Mr. Fuentez? Pero bakit? Bakit niya naman ginagawa 'yon? Gus