CHAPTER 18 JACK POV: WALANG kasiguraduhan kung nakumbinsi ko ang mga tao dahil sa aking statements. May pangangamba pa rin sa dibdib ko kung maniniwala ba sila sa mga sinabi ko. Pero bilang si Jack Fuentez, isa lang ang masasabi ko, inosente akong tao. At sana ayon ang manaig sa paningin ng mga taong mapanghusga. Sana lamang ay tigilan na nila ang paninira sa pangalan ko. Hindi naman sila ang gusto kong makalaban. At labas na sila sa problema at galit ko sa aking ama at kay Alfred. But I know, hindi ito maiiwasan dahil sikat ako at kilalang tao dito sa bansa dahil sa kaliwa't-kanan na mga ka-sosyo ko. Halos araw-araw din ay ubos ang stock ng mga brands ko dahil masyadong marami ang tumatangkilik sa aking produkto sa Kompanya. "Ms. Santilla, I'm happy that you said it. Sana lang ay pa