CHAPTER 27 JACK's POV: Hindi mapakali si Ms. Santilla habang nasa loob kami ng aking silid. Para siyang natatakot sa akin at tila ayaw niyang lumapit sa pwesto ko. Nakahiga na ako ngayon sa malambot na kama, habang siya ay nakatayo lamang sa gilid. Minamasdan ko ang kanyang kilos. Nakakatawa lang dahil masyado niyang dinibdib ang sinabi ko kanina. Akala niya yata ay gagawin ko na magtikiman kami. Ni hindi ko nga pinangarap na gawin 'yon sa kanya. And about the kiss? Pinagsisihan kong gawin 'yon. Kung pwede lang na ibalik ang pangyayari kanina ay hindi ko na sana ginawa ito. Nagmukha tuloy akong may sira sa ulo. "Ms. Santilla, kung ayaw mong matulog ay ayos lang sa akin... Pero mapupuyat ka n'yan kapag inabutan ka ng umaga na dilat pa ang mata mo," ngising turan ko sa dalaga. I am