CHAPTER 26 ROSE's POV: "AT ANONG GINAGAWA NG BABAENG IYAN DITO?" Bungad na sambit ni Don Fuentez. Ang matandang ama ni Mr. Jack na siyang bumaba mula sa second floor para lamang harapin kami. Gabing-gabi na, pero nagawa niya pa rin ang bumangon matapos siyang puntahan ng katulong na sumalubong sa amin. Ito raw kasi ang utos sa kanya ni Don Fuentez na kapag dumating na raw si Mr. Jack ay gisingin siya. Kaya heto, ako agad ang napagbuntungnan niya nang galit na animo'y gusto niya akong itakwil sa mansion. Nasa katawan ako ni Jack, kaya ako itong tiningnan niya nang masama at nagtataka siya kung bakit ko isinama si Ms. Santilla na siyang katawan ko. Ito kasi ang nakikita niya kaya ang buong akala ng matanda ay ako 'yon. Pero lingid sa kanyang kaalaman, ang anak niyang si Jack ang nasa