Dalawang linggo nalang at graduation na nila Rania. Excited na masyado si Rania dahil sa wakas makakatapos na rin siya sa pag-aaral. Kung buhay pa ang mga magulang niya. Alam niyang magiging proud ang mga ito sa kaniya. Wala na rin siyang lungkot na nararamdaman sa tuwing naiisip niya ang mga magulang. Matagal na niyang natanggap na wala na ang mga ito. May pangungulila at pagkamiss pero hindi na siya nasasaktan katulad ng dati. Sa katunayan nga ay masaya pa siya. Dahil alam niyang nasa maayos na lugar na ang mama at papa niya. Kahit hindi na niya nakakasama ang mga ito sa pisikal alam ni Rania na ginagabayan pa rin siya ng mga magulang. "Hi Rania. Kakain kana ba sa cafeteria?" Si Vent na humihingal pa mula sa pagtakbo. Tango lang ang itinugon ni Rania sa binata at nagpatuloy sa paglal