Nagdaan ang mga araw na masaya lang si Rania lalo na at kasama niya si ate Daffney at yaya Merling sa bahay. Mananatili ang mga ito sa Bukidnon hanggang sa araw ng graduation niya. Sobrang saya ni Rania ng malaman niya iyon. Todo ang pasasalamat ni Rania kay Zach dahil dinala nito ang mga importanteng tao sa buhay niya. Napakaswerte din ni Rania dahil nandyan si Zach na laging gumagabay at sumusuporta sa kaniya. Dahil kung wala ito sa tabi niya. Hindi alam ni Rania kung saan siya pupulutin sa mga oras na ito. Kaya ang laki ng pasasalamat niya kay Zach at naging kaibigan niya ito pagkatapos ng mga nangyari sa kanila noon. God is good indeed. Dahil sa kabila ng mga nagawa niya binigyan pa rin siya nito ng mga magandang bagay na pahahalagahan niya, mga taong mamahalin niya at pangalawang p