Chapter 1

2288 Words
(3rd POV) Nasa hagdanan palang si Ethan pababa ay dinig na dinig na niya ang makalas na tawanan mula sa kusina. Ang kan’yang bunsong kapatid ang pinakanangunguna. Nang makarating siya sa dinning area ay tama nga ang nasa isip ng binata. Pinagkakatuwaan na naman ng bunso nila ang Lola Elena nila sa pamamagitan ng pag-iimbento ng kong ano-anong nakakatawang kuwento at tanong. Binati sila ng binata bago umupo sa tabi ni Rio. “If the box of pizza are square then why the pizza are round, Granny?” malukong tanong ni Logan sa Lola nila. Hindi nagdalawang isip na sumagot ang lola nila. “What kind of question is that, Logan? Are you trying to play tricks with me?“ sabay erap pa sa apo. “Please Granny, answer it?” Nagkatawanan sina Rio at Ethan. Ang Mama at Papa naman nila ay sinaway si Logan. Binato ni Rio ng kinuyumos na tissue ang bunso nilang kapatid. Nakailag naman ito kaya dumeretso ‘yon sa sahig. “You can only answered your nonsense questions, Logan,” nakangising sabi ng Kuya Rio niya. Tiningnan din siya ni Ethan. “Walang gamot sa may saltik,” sagot din ng Kuya Ethan niya. Sabay pa siyang pinagtawanan ng mga kuya niya. ”Pambihira naman oh, si Granny kasi hindi alam ang sagot. I thought you’re smart.” Tila iniinis pa niya ang kanilang lola. Binalingan siya ng kanilang lola sabay baba ng salamin banda sa ilong niya. “I knew it, Logan.“ ”Then say it?” ”Return your degree if you don’t know the answer.“ Hinampas pa niya ng mahina sa braso ang apo. Nagkatawanan ng malakas sina Rio at Ethan pati na rin ang mga magulang nila. Nang hindi tumigil sina Rio at Ethan sa pagtawa ay sinaway sila ng Papa nila kaya natahimik ang dalawa. ”Tama na ‘yan, let’s eat boys. Ikaw naman Logan tigilan muna sa mga kalukuhan mo ang lola mo,” sabi ng Mama nila. “Opo, ‘Ma. Sorry.” Nagtaas pa ito ng kamay bilang pagsuko. Binalingan niya ang lola nila sabay sabing. “I love you, Granny.” -- Maganda ang sikat ng araw sa labas kung kaya’t naisipan ng tatlong binata na tumambay muna sila sa labas ng garden nila. Hindi mainit ang araw dahil alas nuebe palang. ”Logan, kumusta ang pinapagawa ko sa ‘yo kahapon?” tanong ng Kuya Ethan niya. Malamang ay itatanong kung anong naging resulta ng pagpunta niya sa bahay ng mga Sandoval. Uminom muna si Logan sa kaniyang kape bago sinagot ang kuya niya. Itanaas din ni Rio ang dalawang malalaking braso sa ulunan at hinihintay rin ang sagot ni Logan. “Dude, mas maganda pala siya sa personal. Dati kasi sa litrato ko lang siya nakita. Atsaka lumang litrato pa, pero ngayong nakita ko siya sa malapitan. Napakaganda pala ni Ms Endiyah Rose.” Tila ini-imagine pa ang pegura ng dalagang tinutukoy. Tumawa ng malakas si Rio. “Gago! Aagawan mo pa si Kuya,” sabi niya sa bunso nila. ”Kung nauna pa akong nakilala ni ate Endiyah. Naku dude, iibigin ko siya ng wagas. ‘Yong tipong, I will tattooed her as mine.” Minasahe pa niya ang baba. “So nakiki-ate kapa ngayon?” tanong ni Rio. Bumuntong hininga si Ethan. Natigil ang dalawa. “What is it Logan? I’m not asking how beautiful she is?” Naging siryoso ang kuya Ethan nila dahil alam naman niyang napakaganda talaga ng dalaga. “Alright. She wanted to meet you too. Francis set a meeting this monday morning. Don’t be late.” Tumango ang binata sa bunsong kapatid. “Is there anything to report?” tanong ulit ni Ethan. ”Nope, Mr. President.” Nakangiti nitong saludo sa Kuya niya. *** (Endiyah) Kararating ko palang sa Pilipinas ng ilang araw ay problema na agad ang kakaharapin ko. No wonder na may bisita ang papa ko no’ng nakaraan dahil lumulubog na pala kami sa utang. This house is precious to me, dahil regalo ito ng namayapa kong Lolo sa mga magulang ko. Parte na rin ito ng buhay ko dahil dito ako pinanganak at lumaki. I will plead the person who mortgaged our properties. Lahat ay gagawin ko para lang maibalik ang bahay na ito. Kinakakabahan akong nakatayo sa harap ng salamin. Tatlumpong minuto ko ng pinagmamasdan ang sarili habang pinapakalma ang malakas na t***k ng aking puso. Kanina ko pa iiniisip kung paano ko haharapin mamaya ang taong kinauutangan namin at kung paano makikiusap? Simple lang ang suot ko, itim na pantalon at pinarisan ko ‘yon ng puting longsleeve na nerolyo hanggang siko. Nilugay ko lang ang buhok at hindi na nag-abalang maglagay ng make up. Pinahiran ko lang ng lipstick ang labi ko upang hindi maputla tingnan. Dinampot ko ang itim kong sling bag at sinukbit ‘yon sa balikat. Naabutan ko sa sala ang mga magulang ko. Hiya at pag-aalala ang nakikita ko sa kanilang mga kilos. Nagpaalam ako sa kanila bago tuluyang lumabas. “Magandang umaga po, Ma’am.” Nakangiting bati sa akin ni Jimmy. Ang aming butihing driver. “Magandang umaga din, ho.” Ngumiti ako sa kaniya. “Saan po ang lakad ninyo Ma’am?” tanong niya sa akin. “Hindi na bali ho, ako na ang magmamaneho, hihiramin ko muna ang sasakyan ni Mama.” Ngumiti ako ulit sa kaniya. Tumango siya sa akin at inabot ang susi ng sasakyan ng Mama ko. Nag-drive ako papuntang Makati kung saan ang address ng building na binigay ni Papa sa akin upang tagpuin ang kinauutangan namin. Hindi nagtagal ay nakarating ako doon. Sinuri ko ang mataas na building na sa tingin ko ay umabot ng 10th floor. There is a big laters written on the entrance. T.F.C? I still don’t know what is that mean? May dalawang security sa entrance. Binati nila ako sabay inspection sa sling bag na dala ko. Nang makapasok na ako ay lumapit ako sa receptionist at nagtanong. “How can I help you Ma’am?” nakangiting tanong ng receptionist lady. “Ahm, I have a meeting with Mr. Logan at 10 AM. Can you please help me to reach him.” Kinakabahan pa ako habang nagsasalita. Tumango siya sa akin. ”Okay, hold on Ma’am.” Kinuha niya ang telepono sa gilid niya at nag-dial ng numero. “May I know your name Ma’am?” nakangiti pa rin niyang tanong habang ang telepono ay nakaipit na sa kabilang tainga niya. “Endiyah Rose Sandoval.” Binalik niya ang atensyon sa telepong nasa tainga niya. “Yes, Mr. President. She is here.” Tiningnan pa niya ako habang nagsasalita. “Copy Mr. President. I will guide her.” Nang matapos siyang makipag-usap sa kabilang linya ay ngumiti siya ulit sa akin. Such an approachable employee, nasa kaedaran ko lang yata siya. Simple at malinis ang ayos sa sarli. “Ihahatid na po kita Ma’am sa may presidential office ni Sir.” “Maraming salamat.” Tahimik lang kaming pareho nang nasa elevator na kami. Maraming beses pa akong lumunok at kinurot-kurot ang mga daliri ko. Kumakalabog ang dibdib ko sa kaba. Ganito na ba nakakatakot ang makaharap ang kinauutangan? Syempre ang hiya ang nagpapakaba sa aking ng sobra-sobra Sa may 8 floor kami huminto. Naglakad siya sa pasilyo pakanan habang ako ay tahimik lang na nakasunod sa kaniya. Huminto siya sa tapat ng pinto. Napahinto na rin ako sa paglalakad. “Andito na po tayo, Ma’am.” Kumatok siya ng isang beses. Sumagot naman ang taong nasa loob. “Come in.” His voice was familiar. Si Logan nga ‘yon. Kahit isang beses ko lang siyang nakita at nakausap ay familiar na sa akin ang boses niya. May pagkahawig kasi ang boses niya sa isang taong pilit kong kinakalimutan. Tinulak niya ang pinto at pinapasok ako sa loob. Nang tuluyan akong makapasok ay siya namang labas ng receptionist lady sabay sara ng pintuan. There are two mens in this room. Si Logan na nakangiti sa akin habang nakasandal sa sofa at ang isang lalaki naman na nakaupo sa swivel chair habang nakatalikod sa amin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil hindi man lang nag-abalang lumingon kahit alam niyang nasa loob na ako. ”Nice to see you again, Miss Sandoval.” Bati sa akin ni Logan. “Have a sit.” He invited me to sit on the coach next to him. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa sofa. “Thank you.” Nahihiya kong pasalamat. Umayos siya ng upo. Tiningnan akong muli, hindi ko makuha kung ngisi ba o ngiti ang pinakita niya. “Do you need some coffee, tea, water?” He offered me a drink while still smiling. Umiling ako. “No, I’m fine.” ”Okay.” Tumikhim siya at tumingin sa harap kung saan ang lalaking kanina pa hindi lumilingon sa amin. Tulog kaya siya? Bingi or bulag? Mukha kasing walang pakiramdam. “Mr. President?” He called the guy. Kumunot ang noo ko. Siya pala ang lalaking kinauutangan namin. “Leave us.” Bigla akong kinilabutan nang marinig ang mahina ngunit may diin niyang salita. Nanindig ang balahibo ko kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay sigurado akong siya ito. Si Ethan. ”Copy sir. See you again Miss Sandoval.” He smiled again and walk out the room. Nang lumapat ang pinto pasara ay siya namang ikot ng swivel chair paharap sa akin. His hawky eyes welcome me. Walang reaksyon ang itsura niya. Ang mga matang puno ng pagmamahal kong titigan ako noon ay kabaliktaran na ngayon. He was cold. Galit at puot ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Tinitigan ko siya nang matagal. Pinagsawa ko mga mata ko sa bawat parte ng mukha niya na tila kinakabisado kong muli. Para akong na-hypnotize. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at ang bilis na t***k ng aking puso. Tumikhim siya. “Are you done examining me?” he ask with a cold tone. Doon pa nagbalik ang ulirat ko nang magsalita siya. “Ahmm..” hindi ko alam kung paano ako magsisimula dahil sobra akong apektado sa paninitig niya sa akin na tila tumatagos ‘yon sa buo kong kaibuturan. Limang taon ko siyang hindi nakita. Limang taon ko siyang pilit na kinakalimutan. Pero heto na naman at muling nagtagpo ang mga landas namin. I long for him...I long for him after all these years. “Endiyah Rose Sandoval,” he called me with my full name as if like he’s reciting my name. I cleared my throat. “Mr. Treveno. S-sir.” Pinipilit kong uminahom ngunit hindi ko maiwasan na mautal ang salitang lumalabas sa bibig ko. Tumayo siya mula sa swivel chair niya at naglakad paikot sa harap ng lamesa niya. Ngayon ko pa napagmasdang muli ang kabuuwan niya. Mas lumaki ang katawan niya ngayon kaysa noon. Umupo siya sa lamesa at tinungkod ang dalawang malalaking kamay sa gilid niya. Tinitigan niya akong muli. Nag-iwas ako ng tingin habang hindi gumagalaw sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko ay dumikit na ang puwitan ko sa sofa. Halos pigilan ko na rin ang huminga. Hindi ko siya kayang tingnan nang deretso kung kaya’t yumuko ako at pilit na pinapakalma ang sarili. ”How are you, Endiyah?” His voice are still cold. “Hah?” umangat ang mukha ko kaniya. “Are you here to negotiate with me? or you want to sign the agreement para ma-transfer na sa akin ang mga ari-arian ninyo. I’m a busy person...hindi ako naghihintay.” Tila makahulugan ang huli niyang salita. Nilakasan ko ang loob ko. Kailangan kong sabihin ang binuo kong opinion sa dalawang araw na nakalipas. I will plead to spare our home. “Mr. Treveno, yes! I am here for the agreement. But please spare our home. Maghahanap ako ng trabaho para mabayaran kung ano man ang kulang sa utang namin sa ’yo.” Buong tapang kong sabi. Tumaas ang isang kilay niya. Huminga siya nang malalalim bago nagsalitang muli. “How long you will work for 10 million?” he asked directly. Natauhan ako sa sinabi niya. 10 million? Saan ko ‘yon hahanapin ng isa o dalawang taon lang. Menasahe niya ang chin niya habang nakatingin sa akin. He’s waiting for my answer. “Sisikapin ko, please--Ethan.” Tumayo ako at nilapitan siya. Nanatili pa rin siyang nakaupo sa working table niya. ”Like what I said Miss Sandoval. I can’t wait for longer,” tila bored na bored niyang sagot sa akin. “Maghahahap ako ng trabaho sa lalong madaling panahon. I will hand you my all earnings, Ethan. I'm begging you. Please spare our home.” Makikiusap at makikiusap pa rin ako sa kaniya kung ito lang ang paraan upang mabawi ko ang mansyon namin. Nang hindi siya sumagot ay nakiusap ako ulit. “Please..” I said in a low tone voice. I lowered my pride this time and willing to plead him over and over again. Lumapit ako sa kaniya. Pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko. “I can do that, but in one condition.” Nabuhayan ako ng pag-asa at tumingin sa kaniya. Hindi naman siguro ‘to nagsisinungaling? “Anong condition?” Tumayo siya ng maayos. Inangat ang kamay at hinawi ang hibla ng buhok kong nakatabing na sa aking pisngi at inipit niya ‘yon sa gilid ng tainga ko. Halos kapusin ako ng hininga sa sobrang lapit niya. I can smell his good scent and it sending chills through my veins. Inilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong sa akin. “Warm me on my bed every lonely night.” Ps: Under editing po ang story na ito kaya pasensyahan niyo na po. Salamat sa nagbabasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD