Capítulo Dieciocho punto uno (18.1)

1555 Words
Napansin ko si Natalia na lumabas ng pinto at patakbo akong tinungo. Puno ng pag-alala ang mukha niya nang makita ako. "Si Hurricane, si Hurricane, nakita ko siya, nakasuot siya ng maskara na kulay puti at paakyat siya papunta sa opisina ni Ma'am Victoria," natatarantang saad ko. "Nakita mo ba ang biktima niya?" Natatarantang saad naman ni Natalia. "O-Oo, nandoon siya sa banyo," turo ko sa banyo. Bigla na lang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas mula roon si Sir Wild at nagmamadaling lumakad at lumapit sa amin. "Ang biktima? Nasaan?" Kunot-noong tanong ni Sir Wild sa amin ni Natalia. "Nasa banyo po, Sir," tugon ko at nauna ng umalis si Sir Wild at sumunod naman kami ni Natalia sa kan'ya. Nagtungo kami sa banyo at naabutan namin doon ang bangkay ng babae na naninigas at nakabulagta sa sahig. Kulay violet na rin ang balat nito at nangungugat na. Dali-daling nilapitan ni Sir Wild ang bangkay ng babae at saka ay yumukod siya at hinawi ang buhok ng babae na nakatabon sa mukha. Agad napa takip ng bibig si Natalia nang makita niya ang mukha ng babae. "Claire..." Pabulong na saad ni Natalia. Hinugot ni Sir Wild ang tangkay ng rosas na nakabaon sa dibdib ng babae at inapakan ni Sir Wild ang bulaklak na 'yun sa sahig kaya nasira ito. Agad binuhat ni Sir Wild ang babae at agad-agad naman kaming nagtungo sa gilid at binigyan namin ng daanan si Sir Wild palabas ng cr. Sumunod kami sa kan'ya palabas. |༺☬༻| Isang oras ang nakalipas at kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa kotse ni Sir Wild habang siya ay tahimik lang na nagmamaneho at titig na titig sa daan. Ilang sandali ay nakarating kami ni Sir Wild sa isa sa mga mall ng Cyrene at pumasok na kami roon. Nakahawak siya sa akin habang hatak-hatak ako kaya sinabayan ko ang mabilis niyang lakad. Nakarating kaming dalawa ni Sir Wild sa ice skating rink ng mall at tahimik lang ito dahil wala ng tao rito. Pina-upo ako ni Sir Wild sa isang upuan habang sinusuot niya sa akin ang sapatos. Pagkatapos naman ay sinuot na niya rin ang sapatos niya sa mga paa niya. Dahan-dahan niya akong iginiya papasok sa rink. "Sir, hindi ako marunong mag-ice skating, eh," natatakot na saad ko sa kan'ya nang maka-apak na kami sa yelo. "Do you trust me?" Seryosong tanong niya sa akin at seryoso rin ang tingin niya. Tumango ako, "Opo." "Good girl, hindi kita bibitawan, just hold my hand, okay?" Habilin niya sa akin at tumango ako. Hinawakan ko ang kamay niya at humawak naman siya pabalik sa akin. Mahigpit ang hawak ko sa kan'ya at alam kong nararamdaman niya rin ang panginginig ng palad ko. Dahan-dahan niya akong hinatak habang nanginginig ang tuhod ko dahil parang matutumba na ako. Nagtungo kaming dalawa sa pinakagitnang parte ng rink. "Dito ka sa likuran ko," saad niya at iginiya niya ako sa kan'yang likuran at mahigpit niya akong hinawakan sa palad ko. Pumwesto na ako sa likod niya nang makarating ako at napalunok ako ng ilang beses dahil kinakabahan ako. "Hold me, tight, Blondie. I'll teach you, first forward your right foot like this," turo niya sa akin at sinunod ko naman ang ginawa ng paa niya habang hawak-hawak ko siya mula sa likod niya. "Then next, your left foot, like this," saad niya pa at sinunod ko ang kabila naman niyang paa. "Continue doing it, Blondie, you can do it!" Cheer niya sa akin. "Now, be independent," patuloy niya pa at tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa coat niya. "Sir, akala ko ba ay hindi mo ako bibitawan? H'wag mo 'kong iwan, Sir!" Naiiyak na saad ko sa kan'ya nang dumistansya siya ng kaunti sa akin. Mas lalong kumakabog ng husto ang puso ko dahil lumayo siya sa akin at nanginginig na rin ang tuhod ko ng husto dulot na rin ng kaba, takot, at lamig na nararamdaman ko mula sa inaapakan ko. "Hindi naman kita iiwan, you come here and I'll wait for you. You can do it, Blondie," pagpapalakas niya sa loob ko kaya sinunod ko ang tinuro niya at dahan-dahan akong nagpadulas papunta sa kan'ya. Nang makarating ako ay na-out balance ang mga paa ko na agad naman hinawakan ni Sir Wild ang braso ko pero dahil nadulas din siya ay pareho kaming natumba. Agad sinapo ni Sir Wild ang likuran ng ulo ko bago ito bumagsak sa sahig at nakadagan lang si Sir Wild sa akin. Nagkatitigan kami sa isa't-isa at subrang lapit ng mukha namin. Unti-unti ay nilapit ni Sir Wild ang mukha niya at sinakop agad ang mga labi ko. Tumugon naman ako sa halik niya at parang sumasayaw ang dila naming dalawa sa ilalim. Marahan at puno ng pagnanasa ang maiinit na halik na pinagsaluhan namin ng Boss ko. Ilang saglit pa ay humiwalay na ang labi niya sa akin at nanatiling naka-awang ang labi ko at umangat ang mukha niya at kinintilan ng halik ang noo ko. Nauna siyang bumangon at saka ay hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong tumayo. "Let's continue?" Saad niya at ngumiti ako sa kan'ya sabay tango. Ilang minuto ang nakalipas at nasa amusement park kami ngayon. "Sir, doon tayo sa photo booth dali!" Masayang saad ko at hinatak ko siya papunta sa photo booth at nagpatianod lang siya sa mga hatak ko. Nagtungo kaming dalawa sa photo booth at saka ay sinuotan ko siya ng headband ni Mickey Mouse at nilagyan ko ng design ang mukha niya. Sinuotan niya rin ako ng headband ni Minnie Mouse sabay pingot sa ilong ko. Humarap na kami sa camera at malapad akong ngumiti at lumabas na rin ang finish product at pagtingin ko sa mukha ni Sir Wild ay nakasimangot lang siya kaya ang cute niya tuloy tignan sa picture, pero gusto ko 'yung nakangiti siya kasi unang beses ko pa lang siyang nakitang ngumiti. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at bininat ko ito ng marahan at kumurba naman ang labi niyang nakasimangot. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa akin. Kinintilan ko ng halik ang labi niyang nakakurba kaya unti-unting nawala ang pangungunot ng noo niya. Kinuha ko ang resulta namin at uminit ang pisngi ko nang makita ang mga litrato namin doon. Ang cute lang kasi namin tignan kahit galit ang mukha ni Sir Wild. "Patingin," saad ni Sir Wild sa malalim na boses kaya napalingon ako sa kan'ya at saka ay nilahad ko sa kan'ya ang litrato namin. "Ang cute, 'di ba, Sir?" Nakangiting tanong ko at nakakunot lang ang noo niya habang nakatitig sa litrato. |༺☬༻| Ilang minuto lang ay nagpalakad-lakad kami sa amusement park habang dala-dala ko ang isang cotton candy. May dala rin si Sir na cotton candy pero hindi niya kinakain. "Doon tayo, Sir, oh!" Masayang turo ko sa isang booth na kung saan ay magpapatumba kami ng baso gamit ang laruang baril na may balang maliliit na bola. Agad kong hinatak si Sir Wild papunta sa booth na 'yun. "Gusto ko itong stuff toy na 'to, Sir!" Masayang turo ko sa stuff toy na si Elsa. "Kunin niyo dali!" Agad inabot ni Sir Wild ang stuff toy at binigay ito sa akin. "Teka lang, Sir, kailangan niyo po munang patumbahin ang mga basong 'yan gamit itong baril," saway ng tindero kay Sir Wild. "Fine, pero sa kan'ya na 'yang stuff toy na 'yan, ah," matigas na saad ni Sir Wild sa tindero at tumango lang ang matanda sa kan'ya. Agad pumwesto si Sir Wild sa harapan ng laruang baril at binayaran niya ang matanda ng isang libo. "Keep the change," malamig na tugon ni Sir Wild sabay paulan ng bala sa mga baso at napalakpak naman ako nang sabay-sabay itong natumba lahat. Agad na akong hinatak ni Sir Wild habang yakap-yakap ko ang stuff toy na si Elsa at kumakain din ako ng cotton candy. Nagtungo kami sa Merry Go Around at sumakay sa kabayo roon. Nasa likuran ko si Sir Wild at ang isang braso niya ay nakapulupot sa beywang ko habang ang isa naman ay nakahawak sa hawakanan ng kabayo na nasa harap ko. Paikot-ikot kami sa merry go around habang tuwang-tuwa naman akong nakasakay sa kabayo. Kalahating minuto ang nakalipas. Nasa tuktok na kami ngayon ng ferris wheel. Yakap-yakap ko si Sir Wild habang nakayakap din siya pabalik sa akin. "Ang ganda rito, Sir," manghang puri ko sa natatanaw naming siyudad ng Quezon City. Tanaw din namin ang matayog na building ng Cyrene, ang building na punong-puno ng trauma, takot, at p*****n, pero subrang aliwalas nito tingnan mula sa labas. "Hmm," mahinang tugon ni Sir Wild kaya napa-angat ang tingin ko sa kan'ya, napadungaw din siya at masuyong hinalikan ang labi ko. "Pero mas maganda ka," puri niya sa akin pagkatapos niyang halikan ang labi ko kaya uminit ang pisngi ko nang sabihin niya 'yun sa akin. "Curious lang ako, Sir, medyo naguguluhan din kasi ako, eh. Ano bang mayroon sa ating dalawa?" Diretsong tanong ko sa kan'ya kaya napatingin siya sa akin at dahan-dahan naman akong kumalas sa yakapan namin para matingnan ko ang mukha niya. Hindi siya umimik at nanatiling tahimik lang. Binaling niya ang atensyon niya mula sa akin papunta sa siyudad ng Quezon City. Naramdaman ko ang kaunting pagkirot ng puso ko nang hindi niya ako sagutin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD