Capítulo Cuarenta y Cinco punto uno (45.1)

2097 Words
"Wild," naluluhang tawag ko sa kan'ya at agad akong tumayo mula sa swivel chair ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko ulit ang mainit niyang yakap na bumalot sa akin. Ang pamilyar niyang panlalaking amoy na ilang araw ko ng hindi naaamoy, ang kan'yang presensya na ilang araw na akong nangungulila, lahat ng tungkol sa kan'ya ay subrang miss na miss ko na. "Wild," napahikbing saad ko habang nakasubsob ang mukha ko sa matigas at malapad niyang balikat. "I'm here, Stella, I'm here baby, hindi na kita iiwan, I miss you so much," bulong na saad niya at naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng ulo ko. "Miss na miss din kita," naiiyak na saad ko at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kan'ya. "Oh... Ang sweet niyo namang dalawa, sana naman rumespeto kayo sa single na nanonood dito, oh," panira ni Natalia kaya napakalas na lang kami ng yakapan ni Wild at masama kong tiningnan ang kaibigan ko. "Nat naman! Nagmomoment kami rito, oh, tapos naninira ka," pagmamaktol ko at tumawa naman siya. Bruha talaga! "E 'di sorry, sana nabulag na lang ako, joke, sige continue niyo lang 'yan," nakangising saad ni Natalia kaya mas lalo ko pa siyang sinamaan ng tingin sabay irap at binalik ko ang tingin ko kay Wild na ngayon ay bahagya lang na nakangiti. "Upo ka," anyaya ko kay Wild at kumuha ng isang upuan na nasa malapit lang namin at saka ay pina-upo ko siya at umupo naman ako sa swivel chair at hinarap ko siya. "Paano ka nakalabas? Napatunayan mo bang mali ang akusa nila sa 'yo?" Tanong ko at umiling lang siya. "Hindi, kasi kahit anong depensa ko sa sarili ko ay wala namang maniniwala sa akin. Mabuti na lang din at may nag-piyansa sa akin kaya nakalaya ako," tugon niya kaya napapihit ako ng bahagya sa aking ulo dahil nalito ako sa sinabi niya. "May nag-piyansa sa 'yo? Sino? Napasalamatan mo ba?" Sunod-sunod na tanong ko. "Hindi ko alam kung sino, unknown individual, at nung tanungin ko sa pulis kung sino pero hindi sila sumagot, nagulat na lang ako kaninang paggising ko at sinabihan ako ng pulis na makakalaya na ako," paliwanag niya. "Kung sino man 'yun, ang bait niya! Pagpalain sana," nakangiting saad ko at niyakap ko ulit si Wild. |༺☬༻| Gabi na nang makarating ako sa harap ng apartment building. Si Wild ang naghatid sa akin, kasalukuyan pa kami ngayong nasa loob ng kotse at ayaw ko pang lumabas. "Blondie, what if you'll live with me?" Basag ni Wild sa katahimikang bumabalot sa paligid namin dito sa loob ng kotse niya. "Ibig mong sabihin na live-in partners?" Pagkaklaro ko at tumango naman siya. "We're in a relationship, we already had s-x, and I want you to live with me," saad niya at napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya. "Sa totoo lang, Wild, gusto kong makasama ka sa iisang bahay, pero habilin sa akin ni Mama na saka na kapag ikinasal na ako sa 'yo," tugon ko at napatango naman siya. "Then, what if pupunta ka sa weekend sa mansion at dito ka sa apartment mo sa weekdays?" Suhestyon niya at umiling ako bilang tugon. "Marami akong trabaho sa weekend, eh, maglalaba ako every Saturday, tapos mag-grocery pagkatapos, then sa Sunday naman maglilinis sa buong apartment, p'wedeng ikaw pumunta rito at tulungan ako sa trabaho ko," nakangising suhestyon ko. "Well, that's a good option, I have my maids to clean my house everyday, so I can help you with yours in the weekend, and let's date when night comes," saad niya pa kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. "Better! Mas gusto ko 'yan, 'yung parang gagawing prize ang date!" Natutuwang saad ko sabay thumbs up at nakita ko kung paano ngumiti ng bahagya ang labi ni Wild sa magiliw kong ekspresyon. "Cute," mahinang saad niya pero rinig ko iyun. Nagulat na lang ako sa biglaang paglapit niya sa mukha ko at hinalikan ang labi ko. "Magnanakaw ng kiss!" Angal ko nang inilayo na niya ang labi niya sa akin at saka ay piningot niya ang ilong ko. "I didn't stole your kiss, Blondie, because your lips are mine," pilyong tugon niya kaya napanguso ako at siningkitan ko siya ng mga mata. "Hm... What lips? 'Yung vertical or 'yung horizontal?" Asar ko kaya napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. "Both," naka-ismid na tugon niya at lumayo na ng tuluyan. "Bababa na nga ako, baka ano pa ang gagawin mo sa akin dito sa loob, baka hindi ako makapag-trabaho bukas," nakangising saad ko at tinanggal na ang seatbelt na nakaharang sa katawan ko. "Good night! Love you!" Paalam ko bago lumabas sa kotse. "Bye, mi amore!" Narinig kong saad niya bago ko isara ang pinto. Agad-agad na akong pumasok sa building at umakyat na sa apartment ko. Nang makapag-ayos na ako sa aking sarili ay naisipan kong tawagan si Mama, namiss ko na rin kasi siya. Napabuntong-hininga ako pagkatapos kong magtipa ng numero sa phone sabay dikit nito sa tainga ko, narinig kong nag-ring na ito at ilang saglit pa ay sinagot na niya. "Oh, anak napatawag ka? Kamusta naman ka ngara? (Kamusta kana riyan?)" Bungad na tanong niya nang sagutin na ang tawag ko. "Okay ra ko ngari, Ma, ikaw ngara-a? (Okay lang ako rito, Ma, ikaw riyan?)" Tanong ko pabalik at narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. "Ayos ra ko ngari, anak, nakasugod na pud ko sa akoang gamay nga negosyo tungod sa gihatag sa imohang boss nako nga kuwarta atong mi anhi mong duha, (Ayos lang ako rito, anak, nakapagsimula na ako sa maliit na negosyo ko dahil sa perang ibinigay ng boss mo sa akin nung pumunta kayong dalawa rito,)" tugon niya kaya napangiti naman ako sa sinabi niya. "Maayo hinuon, Ma, para naa kay kalingawan dihaa samtang nag-ipon pa sad ko ug kuwarta dinhi para dal-on ka nako ngari sa sunod, (Mabuti 'yan, Ma, para may paglilibangan ka riyan habang nag-iipon ako ng pera rito para dalhin kita rito sa susunod,)" nakangiting saad ko. |༺☬༻| Ilang araw ang nakalipas at balik na kami sa work kagaya ng dati, nasa trabaho na rin si Wild kaya hindi na ako masyadong loaded sa trabaho na nangyari sa akin noong nakaraang linggo. Ika-18 ngayon ng April, malapit na naman magtapos ang buwan, ika-18 ngayon, sana naman ay tahimik na talaga ang Cyrene mamayang gabi. Kasalukuyan ako ngayong nagtitipa sa laptop ko nang may kape na inilapag sa lamesa kaya napatingin ako rito at napa-angat ang tingin ko sa lalaking naglagay nito. Nagtama agad ang dalawang pares niyang madilim na bughaw na mga mata sa akin, 'yung titig niya ay parang tinutusok ang kaluluwa ko dahil sa paraang ginagawa niya. "Hot chocolate for you, Blondie," walang emosyong saad niya at rinig na rinig ko kung gaano kalalim ang boses niya. "Oh my gosh! May kape rin ba ako, Sir Wild?" Tili ni Natalia sa tabi ko kaya nabaling ang tingin ni Wild mula sa akin papunta sa kaibigan ko. "No, buy your own coffee, Natalia," matigas na saad niya kaya narinig ko ang mahinang pagmaktol ni Natalia sa likuran ko at saka ay naramdaman ko ang pagtayo niya mula sa upuan niya. "Sabi ko nga, kapag talaga ako magka boyfriend, buong coffee shop ipapabili ko," pagmamaktol niya habang nagmartsa palabas ng opisina at kami na lang ni Wild ang naiwan dito sa loob. "I'll come to your house this weekend, I already have a list for our date activities after doing your household chores," balita niya kaya napatawa naman ako ng mahina. "Ay, galing, may pa list of activities, ano namang mga activities 'yan?" Curious na tanong ko at piningot lang niya ang ilong ko. "You'll find out this weekend," tipid na tugon niya kaya nag-cross arm ako at nakanguso ko siyang tiningnan. "May pa-thrill ka pa, eh!" Pagmamaktol ko at umismid lang siya kaya mas lalo akong naasar. Bumuntong-hininga siya sabay suksok sa dalawang kamay niya sa kan'yang magkabilang bulsa sa pantalon. "May ipapadeliver akong mga papeles na nasa opisina ko, dalhin mo sa opisina ni Victoria pagkatapos mong ubusin ang kape mo," utos niya sa akin. "Eh, si Ava? Nasaan ba siya? Kung ikaw na lang kaya pumunta sa opisina ni Ma'am V?" "Ava is on leave today, and also, ayaw ko munang makita si Victoria, I'm mad at her," paliwanag niya kaya napatango na lang ako. Ayaw ko na rin magtanong kung bakit galit siya kay Ma'am V, baka related lang 'to sa pagkakulong niya last week. "Okay!" Magiliw na tugon ko at napatango siya ng dalawang beses at saka ay tinalikuran na ako at lumabas na siya sa opisina namin. |༺☬༻| Kasalukuyan ako ngayong paakyat papunta sa opisina ni Ma'am Victoria. Actually, hindi pa talaga ako naka-apak sa opisina na ito, ito ang pinakahuling opisina at pinakahuling floor bago mag-rooftop. Bumukas na ang pinto ng elevator at bumungad agad sa akin ang dalawang malaking pinto na gawa sa dark oakwood at magkadikit pa ang mga 'to. So, ito pala ang ibig sabihin ni Natalia noon na nag-iisang opisina lang ang opisina ng CEO sa ika-110 na palapag. Lumabas na ako sa elevator at saka ay humakbang ng tatlong beses bago ako makarating sa harap ng malaking pinto. Bumuntong-hininga pa ako at napahigpit ang kapit sa dala-dala kong papeles. Ikinuyom ko ang isa kong kamay at itinaas ito para katukin ang pinto. Kumatok ako ng tatlong beses pero wala akong narinig na nagsalita sa loob kaya bumuntong-hininga pa ako ng isang beses at saka ay hinawakan ang doorknob ng pinto at dahan-dahan itong pinihit. Dahan-dahan kong binuksan ng bahagya ang pinto at pagbukas na pagbukas ko ay naramdaman ko na agad ang matinding lamig mula sa loob ng opisina ni Ma'am V, mas malamig pa ang aircon dito kaysa sa aircon sa opisina nila Wild at Sir Gideon. Pagpasok ko ay bumungad na naman sa akin ang subrang lawak na silid, as in! Subrang lawak niya! 'Yung lawak niya ay p'wedeng-p'wede gawing basketball court or p'wede nang takbuhan ng kotse o motor sa subrang lawak ng opisina. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang malaking clear glass at sa tabi ng clear glass ay mayroong malawak na living room, at kapag lalagpas na sa dalawang clear glass na ito ay ang table na ng CEO. Pero malayo-layo pa ang tatahakin ko papuntang table ni Ma'am V kapag makarating na ako sa bungad ng dalawang clear glass na magkatabi. Nilibot ko pa ang paningin ko at sa kabilang side naman ay mayroong opisina rin doon at makikita ang loob nito dahil gawa rin sa clear glass ang harang nito. Sa ibabaw naman ng living room ay mayroong malaking chandelier na nagbibigay liwanag dito sa labas ng pinaka-opisina talaga ni Ma'am Victoria. Lumakad pa ako papunta sa bungad ng dalawang salamin at nilagpasan ko ang malawak na living room. Pagdating ko sa bungad, sa gitna ng dalawang malalaking salamin ay napalibot ang paningin ko sa loob. Mayroong malaking chandelier ulit sa loob at sa pinakadulo ay nandoon ang table ni Ma'am V, nasa harap ito ng malalaking bintana at may nakatabon pang kulay itim na kurtina kaya wala talagang liwanag na mula sa labas ang nakapasok sa opisinang ito. Inilibot ko pa ang tingin ko at napatingin ako sa gilid at may nakita akong malaking pinto na gawa sa dark oakwood, baka ito 'yung silid na sinabi ni Wild sa amin noong nakaraan. Naglakad pa ako papasok at saka ay huminto malapit sa pinto pero distansya pa ako ng ilang metros mula sa table. Nilingon ko ang pinto sa gilid ko at nakita kong marami ngang lock ito. Hindi ko na rin iyun pinansin at saka ay ibinalik ang tingin ko sa table ni Ma'am V, wala siya rito sa loob kaya subrang tahimik talaga ng paligid. Naglakad pa ako ng mga sampung hakbang bago makarating sa table ni Ma'am V at saka ay inilapag ko na ang mga dala kong folder doon. Saktong paglapag ko ay may narinig akong mahinang tugtugin dito sa loob. Mahina ito, subrang hina pero dahil sa subrang tahimik ng paligid ay naririnig ko ang tugtuging ito. Pinakinggan ko pa ang kanta at saka ko lang narealize na galing ito sa piano. Pamilyar sa akin ang kanta at parang narinig ko na ito noon. Sinundan ko kung saan galing ang mahinang kantang iyun at dinala ako ng mga paa ko papunta sa pinto na nandito sa loob ng opisina ni Ma'am V. Idinikit ko ang aking tainga sa pintong iyun at taimtim na pinakinggan ang kanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD