Kinagabihan. Kasalukuyan ako ngayong nasa terrace ng room namin ni Natalia rito sa hotel at nakapatong ang mga siko ko sa bar ng terrace. Nakatingin ako sa lungsod ng Tanay, Rizal. Makikita mo mula rito sa taas ang mga ilaw mula sa kabahayan ng lungsod.
"Hey," boses ng babae ang umagaw sa atensyon ko mula sa labas. Napalingon ako kay Natalia na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.
"Tea?" Anyaya niya sa akin sabay angat sa isang tasa ng tsaa.
Ngumiti ako sa kan'ya. "Thank you," saad ko sabay tanggap sa in-offer niyang tsaa sa akin.
"Ang lalim ng iniisip mo, ah, ano 'yan?" Nakangiting tanong niya sa akin.
"Wala, wala akong iniisip, gusto ko lang naman magpahangin dito, in fairness ang ganda pala rito kapag gabi kahit madilim," manghang saad ko sabay simsim ng tsaa na binigay ni Natalia sa akin habang nakatingin ulit sa mga kabahayan na nasa lungsod.
"Hmm, tama ka nga, ang sarap talaga tumira sa lugar na ito, malayo sa siyudad, maaliwalas ang hangin, at walang ingay mula sa mga sasakyan," sang-ayon ni Natalia at pinatong niya ang mga siko niya sa rehas na nakaharang sa teresa kagaya ko at huminga ng malalim habang nakaharap sa mga kabahayan na nasa malayo.
Uminom ulit ako sa mainit na tsaa. "Ang swerte siguro ng nagmamay-ari sa bahay na itim, 'no? Pinili niyang manirahan dito, malayo sa siyudad at nagpaka-independente sa talampas," patuloy ni Natalia at napatingin naman ako sa kan'ya.
"Tama, siguro sa susunod, kung makapag-ipon ako ng maraming pera, dadalhin ko rito si Mama at magtatayo rin ako ng malaking bahay rito na ipang kompetensya ko sa itim na bahay," saad ko at natawa.
"Kailangan mo munang mag-ipon ng mahigit isang trilyong pesos pambili ng isang bundok at pangtayo mo ng malaking mansion na ipangtapat mo sa itim na bahay," natatawang puna naman ng kaibigan ko at sumabay ako sa tawa niya.
"By the way, matanong lang," pag-iiba ni Natalia at napatingin ako sa kan'ya na ngayon ay nakasingkit ang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Ano?" Kinakabahang tugon ko.
"May narinig ako kanina roon malapit sa batis... Hiyaw ng isang babae at lalaki," tugon niya at agad akong kinabahan sa sinabi niya. Naramdaman ko agad ang panunuyot sa aking lalamunan kaya napalunok ako sa aking sariling laway.
"Tapos?" Kinakabahang tugon ko pero hindi ko pinapahalata sa boses ko pero parang mahuhulog na ang tasang hawak-hawak ko.
"At napansin ko si Sir Wild na umakyat galing sa batis kanina, at ilang minuto ay sumunod ka rin..." Patuloy niya pa.
Flashback.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Malapit na matapos ang time na inilaan ni Ma'am Victoria, kailangan ko ng tumayo at bumalik doon sa taas. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko sa lupa at tinaas ang panty at jogging pants na suot ko at tinali na ang lace ng jogging pants ko.
Umakyat na ako at pagdating ko sa taas ay nakita ko si Natalia na naghahanap ng puzzle pieces sa ilalim ng mga patay na dahon ng mahogany. Naglakad ako papunta sa kan'ya habang abala siya sa ginagawa niyang paghahanap.
"O? Natalia? Bakit nandito ka? Wala rito ang mga puzzle pieces, wala kang mahahanap d'yan kasi dinaanan ko na 'yan kanina," agaw ko sa atensyon ng kaibigan ko kaya natigil siya at napayahat ang tingin sa akin.
Umayos siya ng tayo at humarap sa akin. "Ganoon ba? Akala ko pati rito ay nandito rin ang hinahanap natin," kamot-ulong saad niya.
End of Flashback.
"Kayo ba 'yun?" Kunot-noong tanong niya kaya natuon ang mga mata ko sa kan'ya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan nang sabihin niya iyun.
Napanganga ako para magsalita pero walang boses na lumabas mula sa bibig ko, para akong napipi at hindi makapagsalita. Ramdam ko rin ang panginginig ng mga tuhod ko at ang panlalamig ko sa aking batok dahil sa hanging humahampas nito, kasabay rin ng malalamig na pawis na dumadaloy sa aking noo.
Binalutan kami ng katahimikan at ang naririnig ko na lang ay ang mahihinang hangin na bumubulong sa aking tainga at humahalik sa aking balat at mga kuliglig sa paligid. Naagaw ang mainit na tensyon namin ni Natalia sa isa't-isa nang mahulog ang tasa sa sahig ng terrace dahil hindi ko na makontrol ang panginginig ng kamay ko.
"A-Ah, pasensya na," kinakabahang saad ko at pupulutin ko na sana ang mga nabasag nang pigilan niya ako.
"Mamaya na 'yan, sagutin mo muna ako," malumanay na saad niya sa akin.
"N-Natalia..." Kinakabahang saad ko. Parang luluwa na ang puso ko sa matinding pagtibok nito dahil sa matinding nerbyos na nararamdaman ko ngayon.
"Ayos lang naman sa akin, hindi ko naman ipagkakalat kung kayo 'yun, gusto ko lang na malinawan," saad niya at mapait na ngumiti.
"O-Oo," tugon ko at napayuko ako sabay kagat sa ibabang labi ko. Naramdaman ko ang daliri niya na nasa baba ko at dahan-dahan niyang itinaas ang tingin ko at diretso niya akong tiningnan sa mata.
"So, huling tanong, anong mayroon sa inyo ni Sir Wild? Napapansin ko kayo paminsan-minsan, eh," takang tanong niya.
"H-Hindi ko alam, walang kami," nanginginig na tugon ko.
"Walang kayo? Pero may s-x na nangyari sa inyo? Ano kayo FuBu? Boss-Secretary with benefits? S-x slave ka lang ba ng amo mo?" Kunot-noong sunod-sunod na tanong sa akin ng kaibigan ko at nagngingilid na ang mga luha ko sa mata.
"Hindi ko alam, hindi ko alam anong mayroon sa amin ni Sir Wild," naluluhang saad ko at naramdaman ko ang mainit na palad ni Natalia sa pisngi ko at pinahid niya ang mga luhang lumalabas sa mga mata ko.
"Hush, bakit ka umiiyak? H'wag kang umiyak, uy, ako lang naman 'to," pagpapatahan niya sa akin.
"Ang sakit ng paa ko, eh! Kanina pa 'to napapaso sa tsaa!" Tukoy ko sa paa ko na napaso sa tsaa na nasa sahig.
"Ay hala, sorry, halika, huhugasan natin 'yang mga paa mo sa banyo," saad niya at inalalayan niya ako papasok sa kwarto namin. Paika-ika akong naglakad papunta sa banyo at pumasok kami roon.
|༺☬༻|
Kinabukasan. Lunch time na namin. Nasa iisang table lang kaming lahat dito, nandito kami sa labas ng hotel at may mahabang table dito na pinagkainan naming lahat. May malaking tent naman na nakatabon sa ibabaw namin para hindi kami matamaan ng init ng araw.
"So ito na! Coffee delivery!" Masayang saad ni Ashley, isa sa mga sekretarya dito. Kasama niya ang kan'yang kaibigan na may dala ring maraming kape na binili nila sa coffee shop ng hotel.
"Thank you, Ma'am V sa libre!" Masayang saad naming lahat kay Ma'am Victoria sa libre niyang kape para sa amin, siya kasi ang naglibre sa amin ng kape kasi sabi niya ay masarap daw ang kape nila rito.
"Black Americano for Erica Clemente," nakangiting saad ni Ashley sabay abot niya sa kape ni Erica.
"Nag-iisang hot chocolate for Stella Levesque!" Nakangiting abot din ni Ashley ng sa akin at may nakasulat pang Stella roon sa cup ng kape. Binuksan ko na ang maliit na takip ng hot chocolate ko at iinumin ko na sana 'to ng kalabitin ako ng katabi ko.
"Stella, p'wede magpalit tayo ng kape? Akala ko kasi masasarapan ako sa Black Americano, eh, akala ko lang pala 'yun," suyong saad ni Erica sa akin at inilahad niya ang kape niya sa akin.
"P-Pero—"
"Sige na, baka kasi matapon ko lang 'to, sayang naman, baka okay lang sa dila mo 'yung kape," pamimilit niya sa akin kaya bumuntong-hininga na lang ako sabay tango at inabot ko sa kan'ya ang hot chocolate ko na hindi ko pa nainom at pinalit niya sa akin ang black americano niya.
Ininom ko ito, maayos naman ang lasa, siguro ay ayaw niya lang talaga siguro sa Black Americano, napansin ko ring ininom na ni Erica ang hot chocolate. May iba-iba naman kasing panlasa ang mga tao. Agad kaming nagulat at napasinghap naman ang mga taong kasama namin.
Agad akong napatingin sa katabi kong babae na si Erica na nagsusuka na ng dugo at namantsahan na ng maraming dugo ang lamesa lalo na ang plato niyang may laman pang pagkain. Agad akong napatayo mula sa inuupuan ko dahil natalsikan ang damit ko ng dugo ni Erica.
"Anong nangyayari? Erica?" Kinakabahang saad ko at hindi siya matigil sa pagsuka ng dugo. Napansin ko ang hot chocolate na natumba sa lamesa at kinuha ko iyun. Agad kong nabitawan ang cup nang may nakita ako sa loob nito.
"Anong mayroon sa cup mo, Stella?" Takang tanong ni Sir Wild sa akin na nasa harapan ko lang din nakatayo.
"M-May black bacarra rose sa loob ng paper cup," nanginginig na tugon ko at agad kinuha ni Sir Wild ang cup ng in-order kong hot chocolate na ininom ni Erica. Nanlalaki naman ang mga mata niya dahil sa nakita niya sa loob.
"Si Hurricane, nandito rin siya," nanggigil na saad ni Sir Wild.
"March 5 ngayon, at araw ngayon ng pagpatay ni Hurricane," tugon ni Sir Gideon. Napatingin ako sa babaeng nagsusuka ng dugo kanina at nakahiga na ang ulo niya sa plato niyang may lamang pagkain.
Dahan-dahan ko siyang niyugyog at baka buhay pa siya. "Erica? Erica?" Kinakabahang tawag ko sa kan'ya pero hindi na siya gumigising.
Nagdatingan din sa pwesto namin ang ibang crew ng hotel lalo na ang manager ng hotel at in-assist kaming lahat na nandoon sa table at pinaalis kami roon. Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak kay Natalia.
"K-Kung hindi lang nakipagpalitan si Erica ng kape sa akin, may malaking posibilidad na ako ang malason sa in-order kong hot chocolate," nanginginig na saad ko kay Natalia.
"Ano? Nakipagpalitan si Erica sa 'yo?" Kunot-noong tanong ni Natalia sa akin.