Capítulo Doce punto dos (12.2)

1464 Words
"She's gone, isa siya sa pinatay ni Hurricane, that's why I want to protect you from Hurricane, and also protect yourself from me," matalinghagang saad niya. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. "Oh, sorry kung tinanong ko, Sir, curious lang ako," paumanhin ko at binaling ang tingin sa kalangitan. "That's fine, kailangan mo ring malaman at baka mapahamak ka pa," saad niya at bumuntong-hininga habang ako ay napahigpit ang kapit ko sa damit niya. |༺☬༻| Isang araw ang nakalipas. "Samahan mo ako," saad ni Sir Wild sa akin habang nakasakay kami ng elevator paakyat sa floor namin kung saan ang room ni Sir. Magkatabi lang kami ng room ng boss ko, Room 666 siya habang Room 667 naman ako. "Saan tayo pupunta, Sir?" Takang tanong ko sa tinuran niya. "Sa inyo, sa Bukidnon," tipid na saad niya at saka ay bumukas na ang pinto ng elevator at saka ay nauna siyang lumabas. Napakurap-kurap ang mga mata ko sa sinabi niya habang pinapanood ang bulto niyang papalayo sa akin. Napatakbo akong sumunod sa kan'ya dahil sa bilis ng lakad niya. "Anong gagawin natin doon sa amin, Sir?" Takang tanong ko pa sa kan'ya nang mahabol ko na siya. "To visit your mother, ilang buwan mo na siyang hindi pa nabibisita?" Tanong niya sa akin habang nakasunod lang ako sa kan'ya at sinasabayan siya sa paglakad niya. "Hindi ko na maalala, Sir, eh," tugon ko. "Then lead me to your mother, para makilala ko siya," tugon niya at hindi na ako nakasagot pa. Ilang oras ang nakalipas. Sakay sa private plane ni Sir, lumipad na kami galing Cebu papuntang Mindanao, papunta sa probinsya namin, ang Bukidnon. Ilang buwan na akong hindi nakapunta rito sa Bukidnon. Kumurba ang labi ko sa ngiti dahil sa wakas ay makikita ko na ulit ang nanay ko na ilang buwan ko ng hindi nakikita. Mabilis kaming nakarating sa Laguindingan Airport, ito lang ang pinakamalapit na airport sa Bukidnon dahil hindi pa tapos ang paggawa ng airport sa Bukidnon. Dala-dala ni Sir Wild ang kotse niya at 'yun ang sinakyan namin galing Misamis Oriental papuntang Bukidnon. Alas 2 ng umaga kami naglanding sa airport at mahaba-habang byahe ang susulungin namin papunta sa probinsya namin. Sumakay na kami sa kotse ni Sir Wild na Bugatti Divo na kulay itim at ito ang ibinaybay namin sa highway ng Laguindingan. Nakatulog agad ako sa byahe dahil inaantok pa ako habang si Sir Wild ay patuloy na nag-drive. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko dahil tinatamaan na ng sinag ng araw ang mata ko. Umaga na pala at nandito kami ngayon sa gilid ng highway habang dinadaanan kami ng mga truck at mga motor. "Nasaan na tayo, Sir?" Tanong ko kay Sir Wild at umayos ako ng upo mula sa sinasandalan kong upuan. "Malapit na tayo sa Malaybalay, huminto muna ako para magising ka," malamig na saad niya. Bigla na lang tumunog ang tiyan ko, hudyat na gutom na ako. "Let's go outside, gutom na ako," malamig niyang saad at naunang lumabas ng kotse niya. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at lumabas na rin ako. Malalim kong nilanghap ang hangin ng probinsya namin. "Halika, Sir, may malapit na karenderya rito," nakangiting anyaya ko sa kan'ya at hinatak ko na siya. Dinala ko siya sa isang maliit na kainan na nandito lang sa gilid ng highway. Binuksan ko ang isang kaldero at sumingaw agad ang usok na amoy tinolang baka. Naglalaway ako dahil sa naamoy ko. Binuksan ko pa ang ibang kaldero at mainit pa ang mga ulam dito. "Pili ka lang, Sir, masarap lahat ng ito," nakangiting saad ko sa amo ko. "What's this?" Takang tanong ni Sir sabay turo sa isang ulam. "Dinuguan 'yan, Sir," masayang saad ko. "Dinuguan? You mean blood?" Kunot-noong saad niya at napatango-tango ako. "Gusto niyo po tikman? Masarap 'yan," nakangiting saad ko. "Well, susubukan ko. Miss, one bowl of this, please," tawag ni Sir Wild sa babaeng nagbabantay sa karenderya. Agad naman kumuha ng isang mangkok ang babae at nagsandok na siya sa ulam na tinuro ni Sir. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam ano ang totoong lasa ng dinuguan, ayaw ko lang talagang kainin dahil feel ko masusuka ako lalo na't dugo ito. Takot nga akong makakita ng patay, pati nga rin dugo, kaya 'di ko talaga keri. Kumain na rin kami ni Sir Wild sa loob at siya naman ay nilantakan ang binili niyang pagkain. So nasarapan nga siya sa kinakain niya, siguro? Hindi ko pa kasi nasubukang kumain. Pagkatapos naming mag-agahan ay nagpatuloy na kami sa byahe namin papuntang Malaybalay. Nakaramdam ako ng pagkasabik at pangungulila nang makapasok na kami sa Malaybalay, namiss ko ito, eh! Mga kalahating oras ang lumipas, nakarating na kami sa Barangay namin at tinuro ko sa kan'ya kung saan banda ang bahay namin. Huminto ang kotse ni Sir Wild sa harapan ng isang bahay na gawa sa hollow block at kahoy. Napatingin naman ang isang matandang babae na nagwawalis sa bakuran ng bahay namin dahil may pumaradang kotse sa daan. Dali-dali akong lumabas ng kotse at napaluha ako sa saya nang makita na ako ng nanay ko. "Ma!" Naiiyak na tawag ko sa kan'ya at nabitawan ni Mama ang walis-tingting na dala niya at dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap namin ang isa't-isa. "Gimingaw ko nimo, anak, (Miss na kita)" naiiyak na saad ni Mama sa akin. Napayuko ako ng bahagya dahil sa tangkad ko at hanggang balikat ko lang ang nanay ko. "Ako pud, Ma, (Ako rin)" tugon ko naman at nagkalasan kami ng yakap sa isa't-isa at naka-angat ang tingin ni Mama sa akin habang hawak-hawak niya ang magkabilang pisngi ko at pinapahid ang mga luha kong kanina pa nagpapa-unahang tumulo. Pinahid ko rin ang mga luha ni Mama. "Kamusta na ka, anak? Dugay na ka nga wala naka-uli, (Kamusta ka na, anak? Ang tagal mo ng hindi naka-uwi)," nakangiting tanong niya habang patuloy pa ring lumalabas ang mga luha niya. "Ayos ra ko, Ma, (Ayos lang ako)," tugon ko at niyakap siya ulit. Naramdaman ko ang presensya ng lalaking kasama ko na naglalakad papunta sa pwesto namin kaya agad naghiwalay kami ng yakapan ng mama ko. "Ah, diay, Ma, si Sir Wild akong amo, (Siya nga pala, Ma, si Sir Wild aking boss)" pakilala ko kay Sir Wild sa mama ko. "Sir Wild, si Mama Ivy, Mama ko," pakilala ko kay Mama sa Boss ko. "Hello, Sir!" Bati ni Mama sa Boss ko at nginitian lang siya nito ng tipid. Agad akong hinila ni Mama kaya napayuko ako ng bahagya at bumulong siya sa tainga ko. "Suplado man diay ng imohang boss, Stella, (Suplado pala 'yang boss mo, Stella)" bulong na saad ni Mama sa akin. "Pasagdi lang, Ma, ing-ana mana siya bisag si kinsa, (Hayaan mo na lang, Ma, gan'yan naman talaga 'yan kahit kanino)" bulong na tugon ko sa kan'ya at umayos na ako ng tayo. "Pasok po kayo, Sir," anyaya ni Mama sa Boss ko at hinawakan ko ang kamay ng lalaki at hinatak ko na ito. Pumasok na kami sa bahay namin at nakaramdam ulit ako ng pangungulila sa bahay namin. Napalibot ang tingin ni Sir Wild sa loob ng bahay, maliit lang talaga ito at hindi pa sementado ang sahig dahil lupa agad ito. Nangako kasi ako kay Mama na kapag magkaroon na ako ng maayos na trabaho sa Manila ay palalakihin ko itong bahay namin. Napatingin si Sir Wild sa mga naka-picture frame na mga litrato ko noong bata ako. Nakakahiya, ang dugyot ko pa naman noon. Nakita ko siyang bahagyang nakangiti habang tinitingnan ang mukha ko noon. "Cute talaga si Stella noong bata pa, 'di ba Sir?" Proud na saad ng mama ko sa Boss ko. "Yes, until now, she's stunning and gorgeous," malamig na tugon ni Sir Wild, alam ko 'yung sinasabi niya kaya mas lalong uminit ang pisngi ko. "Mikaon namo ug pamahaw, 'nak? (Kumain na kayo ng agahan, 'nak?)" Tanong ni Mama sa akin habang inaayos ang loob ng bahay. "Oo, Ma, humana mi ug kaon sa pikas siyudad, (Oo, Ma, tapos na kaming kumain sa kabilang siyudad)" tugon ko sa kan'ya. "Diay, Ma, naa koy pasalubong nga akoang gipalit para nimo gikan sa Cebu, (Siya nga pala, Ma, mayroon akong pasalubong na binili ko galing Cebu)" nakangiting saad ko sa kan'ya at tinaas ko ang isang paper bag na may lamang pagkain at mga specialty mula sa Cebu. "Unsa ni? (Ano ito?)" Takang tanong niya at saka ay kinuha ang disposable tupperware na may lamang lechon baboy at liempo. "Lechon baboy ug liempo na, Ma, (Lechon baboy at liempo 'yan, Ma)" nakangiting tugon ko. "Kalami gud ania, 'nak! (Ang sarap naman nito, 'nak!)" Masayang turan ni Mama. "Thank you, 'nak!" "Welcome as always, Ma," tugon ko at nakangiting tiningnan ang mama ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD