Capítulo Cincuenta y Tres punto uno (53.1)

1804 Words
"Nakakagulat lang, 'no? Sa May 5 at 6 walang namatay," nagtatakang tanong ko kay Natalia, kasalukuyan kami ngayong nasa isang restaurant at nag-dinner, May 7 ngayon pero noong 5 at 6 walang namatay. "Baka change schedule na talaga si Hurricane? Kasi 'di ba, may pinatay na siya nung May 3, so maybe bukas or sa susunod na araw may mamamatay na ulit," tugon ni Natalia at isinubo ang steak na kakahiwa lang niya. "Siguro, pero bakit kaya binago ni Hurricane ang schedule niya?" Nagtatakang tanong ko pa rin at napa-angat na lang si Natalia sa magkabilang balikat niya. "Ewan, trip niya siguro? Or boring lang siguro ang buhay niya?" Tugon ni Natalia kaya napahinga na lang ako ng malalim sa sagot niya. "Si Achlys, wala ka bang napapansin sa kan'ya?" Paninimula ko sa isang topic. "Wala naman masyado, hindi naman natin siya masyadong napapansin dahil nasa kabilang opisina siya, eh, okay lang sana kung nasa iisang silid lang tayo," tugon ni Natalia at napatango na lang ako. "Nagsimula na rin ako sa pagmamasid sa kan'ya at wala pa rin naman akong napapansing weird sa kan'ya simula noong May 1, noong kakapasok lang niya," saad ko naman. "Baka praning ka lang talaga siguro sa araw na 'yun dahil sa matinding traumang na-experience mo kay Hurricane sa parking lot, h'wag mo na isipin 'yun, basta ligtas ka, okay lang," pagpapagaan ni Natalia sa loob ko kaya tumango na lang ako. Pagkatapos naming mag-dinner ay inihatid na rin ako ni Natalia sa apartment ko. Pagdating ko roon ay nakatulala lang ako habang iniisip si Achlys, kahit anong sabihin kong h'wag ko siyang paghinalaan pero pumapasok pa rin sa isip ko ang lahat ng posibilidad. Kinabukasan. Sakto sa oras akong nakarating sa opisina, hindi naman ako masyadong nagpa-aga ng husto, mabuti na lang din at nakasakay agad ako ng taxi. Pagpasok ko sa opisina ay bumungad agad sa akin si Natalia na ngayon ay nagce-cellphone lang. "Sinong ka-textmate mo?" Takang tanong ko kay Natalia at saka ay inilapag ang dala-dala kong bag sa table. "Si Achlys, inom daw tayo mamaya after work, treat niya," tugon ni Natalia at napabuntong-hininga na lang ako. "Ang aga-aga naman niya magyaya, nag-okay kana?" Tanong ko at tumango siya. Tumahimik na lang ako at saka ay binuksan ang laptop na nasa table ko at nagsimula ng magtrabaho. |༺☬༻| Wala pang alas-siyete ay nakarating na rin kami ni Natalia sa parking lot, bumaba kami gamit ang elevator kaya mabilis kaming nakarating sa baba. Lumakad kami ng ilang metros bago makarating sa kotse ni Natalia. Saktong pagbukas ni Natalia sa pinto ng kotse niya ay siya naman ang pagtugtog ng isang pamilyar na kanta. Napalibot ang paningin namin sa buong parking lot dahil subrang lakas ng tunog ng kanta, nag-echo ang kanta sa buong lugar. "Marche Slave, may namatay ngayon, anong araw ba ngayon?" Takang tanong ko kay Natalia. "May 8 tayo ngayon, so ibig sabihin, 1, 3, at 8 ang bagong schedule ni Hurricane," tugon ni Natalia. "Teka, malakas ang kanta sa lugar na ito, ibig sabihin ay nandito ang biktima ni Hurricane," saad ko at napakunot ang noo ni Natalia sa sinabi ko. "Paano mo napansin 'yun?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Napapansin ko lang. Tara na, hanapin natin dito," anyaya ko sa kaibigan ko at sinarado na ni Natalia ang pinto ng kotse niya at hinatak ko na siya paalis. Nilibot namin ang parking lot at napatigil na lang kami ni Natalia sa paglalakad nang may mamataan kaming tao sa 'di kalayuan at may hatak-hatak siyang tao sa isang kamay habang ang isa naman ay may hawak na baseball bat. "A-Achlys?" Nauutal na tawag ko sa babae dahil sa subrang kabang nararamdaman ko. Napatigil na lang si Achlys kakahatak sa tao at napatingin siya sa amin na punong-puno ng gulat ang mukha at nabitawan niya ang dala-dalang baseball bat at umalingawngaw ang ingay nito sa buong parking lot, isang metal na baseball bat ang dala-dala niya. "Stella... i-it's not what you think..." Kinakabahang tugon niya kaya dali-dali naming nilapitan si Achlys at tiningnan ko siya ng diretso sa mukha. Punong-puno ng takot ang mukha niya nang pinagmasdan ko ito. Napababa ang tingin ko sa bangkay ng babae na nasa paanan lang namin. Sirang-sira ang mukha nito at punong-puno ito ng namumuong dugo at ang ibang bahagi ng mukha ay pumutok na. Napatingin din ako sa baseball bat na nasa tabi lang ng babae at punong-puno ito ng dugo. Napatingin din ako sa dibdib ng babae at mayroong nakasaksak na black bacarra rose dito. Mayroong nakadikit na baraha sa kan'yang noo, isang Ace of Spades. Kinuha ko ang barahang nakadikit kasabay ng bulaklak at saka ay kunot-noo kong tiningnan ang naka-ukit doon, 7,768. Ano na namang mayroon sa barahang Ace of Spades? "Sabihin mo nga sa amin ang totoo, Achlys? Sino ka ba talaga? Ikaw ba ang pumatay sa babaeng ito? Ikaw ba si Hurricane?!" Galit na saad ni Natalia at umalingawngaw ang boses niya sa buong parking lot. "S-Sorry, Nat, sorry, I'm so sorry," naiiyak na tugon ni Achlys kaya napatakip na lang si Natalia sa bibig niya. "Tama nga talaga ang hinala ko simula pa lang noong una kitang nakita, Achlys, masama na talaga ang pakiramdam ko sa 'yo," saad ko at napa-iling. "So, ikaw nga ang pumatay?! Ikaw nga?!" Galit na sigaw ni Natalia. "Oo, oo, ako, oo, ako!" Pag-amin niya kasabay ng sunod-sunod na pagtango niya habang umiiyak siya. "I'm sorry." "Ha..." buntong-hininga ni Natalia. "Call Sir Wild, Stella, and tell him where are we." Tumango ako at kasabay nu'n ay ang pagtipa ko sa phone ko at tinawagan si Wild. "Wild, nandito kami sa parking lot, nahuli namin si Hurricane," bungad na saad ko sa amo ko. "Okay, papunta na ako," saad niya at sabay naming ibinaba ang phone namin. "What?! I'm not Hurricane! Hindi ako si Hurricane!" Galit na saad ni Achlys kaya napakunot ang noo namin ni Natalia habang tinitingnan namin ang galit na mukha ni Achlys. "I-explain mo nga ito," saad ko sabay pakita sa dala-dala kong bulaklak na mayroong Hurricane at mga numerong naka-ukit sa tangkay nito. "H-Hindi nga ako si Hurricane, I'm not Hurricane, I'm not," naiiyak na saad niya at napalingon na lang kami ni Natalia sa likuran nang marinig namin ang ingay mula sa mga paang nagtatakbo at nakita namin si Wild na papunta sa amin at may nakasunod pang ibang empleyado sa kan'ya. "Stella, Natalia," tawag ni Wild sa amin nang makarating na siya sa pwesto namin. Napababa ang tingin niya sa bangkay ng babae at sa katabi nitong baseball bat. "Where's Hurricane?" Tanong ni Wild at palipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo na nasa harapan niya. "Hindi nga ako si Hurricane! I'm not Hurricane!" Malakas na sigaw ni Achlys kaya natuon ang atensyon ni Wild sa kan'ya. "You, ikaw ba ang pumatay sa babaeng ito?" Mariing saad ni Wild at itinuro ang babae sa paanan namin. Napatango naman si Achlys. "Ha... I'm right. It's you," naka-ismid na saad ni Wild at napahawak na lang siya sa beywang niya. |༺☬༻| "I don't trust you anymore, pero ikaw lang ang malapitan ko to handle the case of this woman," saad ni Wild kay Mr. Reduxé at napa-ismid naman siya kay Wild. "Wala kana talagang ibang malalapitan, Mr. Fuero," asar na saad ni Mr. Reduxé. Kasalukuyan kami ngayong nasa prisinto kung saan namin dinala si Achlys. "Ms. Archer, go and look for the basic info of Achlys Winslet, kung may mahahanap ka," utos ni Mr. Reduxé sa babaeng pulis at napatango naman ang babae sa kan'ya. Nagsimulang magtipa ang pulis sa computer niya at natuon ulit ang atensyon ni Mr. Reduxé kay Achlys. "Let me ask you first, sinong baliw ang nagpangalan sa 'yo, Ms. Winslet?" Kunot-noong tanong ni Mr. Reduxé kay Achlys at nag-cross arm siya. "Hindi baliw ang lolo ko, ito lang ang pinili niyang pangalan para sa akin dahil magiging suit ito sa akin pagdating ng panahon," depensa naman ni Achlys. "I guess your lolo was right, your name suits you, the big-time and ultimate killer, Ms. Winslet," naka-ismid na saad ni Mr. Reduxé. "Chief, may nakita na po ako tungkol sa kan'ya," singit naman ni Ms. Archer at saka ay napatingin kami sa kan'ya. "Spill the tea, Sergeant," nakangising saad ni Mr. Reduxé. Tumikhim si Ms. Archer. "Achlys Winslet, age of 27, French-Italian, pero French ang citizenship. Achlys Winslet is the President of Foxes Empire Group of Company, she is the granddaughter of an Italian Mafia, Luca Romano," saad ni Ms. Archer. "President ka ng isa sa pinakamayaman at pinakamalaking kompanya sa buong Asia?! Pero pumasok ka sa Cyrene bilang isang secretary ng isa sa mga BOD? Ano ba ang trip mo, Achlys, ha?!" Galit na sigaw ni Natalia sa babae. "Probably, para maghasik ng lagim sa Cyrene," saad naman ni Wild. "Ano ba ang kasalanan ng Cyrene sa 'yo at bakit mo 'to ginagawa sa amin?!" Naluluhang saad ko naman. "Para dungisan ang Cyrene, Cyrene and FEGC are rivals for many years already, at gusto kong talunin ang Cyrene. But, all I can say, honestly, I'm not Hurricane, hindi ako ang Hurricane na hinahanap ninyo, maybe... nandito lang siya at hindi niyo lang siya namamalayan na may Judas at totoong mastermind palang kasama ninyo," naka-ismid na saad ni Achlys habang mapang-asar niyang tiningnan si Natalia na nasa tabi ko. "What?! What are you talking about? At bakit ka nakatingin sa akin ng gan'yan?" Kunot-noong tanong ni Natalia kay Achlys. "Nothing, I just like looking at you, observing your face and your reactions, how versatile an actress you are, dear Natalia, you are a master at hiding things, emotions, and especially your darkest secrets. Well then, I have to go now, mukhang sa selda lang din naman ang bagsak ko. Sergeant, ihatid mo na ako sa selda," naka-ismid na tugon ni Achlys kay Natalia at tumayo na siya at tinalikuran na kami. "Anong ibig sabihin ng pinagsasabi ni Achlys?" Naguguluhang tanong ko sa kaibigan ko at umiling lang siya. "Wala, wala, h'wag mo na isipin 'yun, tara na," malamig na tugon ni Natalia at naunang tumayo sabay hatak sa akin. "Teka, sandali, k-kay Wild ako sasama," pigil ko at pilit na inaalis ang mahigpit na hawak ni Natalia sa akin. "Ano? Hindi ka sasama sa akin? Are you scared of me? Maniniwala ka sa pinagsasabi ng baliw na babaeng 'yun?" Galit na saad ni Natalia at kumunot ang noo. "She's with me for now, Natalia, let her go," saad ni Wild at saka ay kinuha ang kabilang kamay ko at hinatak ako palayo kay Natalia, lumuwag naman agad ang mahigpit na hawak ni Natalia sa pulsuhan ko kaya agad niya ring nabitawan ang kamay ko. "Fine! Magsama kayo!" Galit na saad ni Natalia at inirapan pa ako at naunang umalis at nagmartsa siya palabas ng prisinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD