|༺☬༻|
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Wild sa akin at ipinatong niya ang kabilang kamay niya sa hita ko at marahan itong hinimas. Kasalukuyan kami ngayong nasa byahe at tahimik lang kaming dalawa habang ako ay nakatingin sa bintana at pinapanood ang mga streetlights na dinadaanan namin. Tapos na rin kaming maghapunan kaya pauwi na rin kaming dalawa.
"Oo, ayos lang ako," tipid na tugon ko at nanatili pa rin ang tingin ko sa labas.
"You are quiet since umalis tayo sa prisinto," malambing na saad niya kaya napangiti ako sa tono ng boses niya. Dahil doon ay inalis ko ang tingin ko sa bintana at ibinaling ang buong atensyon ko sa taong nag-drive sa tabi ko.
Hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa hita ko at marahan itong hinaplos. "Hindi lang talaga ako makapaniwala sa nangyari ngayong gabi, na 'yung matagal nating hinahanap ay nahuli na rin natin," pag-amin ko at ngumiti ng tipid.
"What if... Hindi talaga siya si Hurricane?" Tanong ni Wild kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kan'ya at ibinaling ang tingin sa harapan at bumuntong-hininga.
"Baka ayaw niya lang talagang aminin, ewan ko ba, kampante na ako ngayon na 'yung pinaghihinalaan ko simula pa lang noong mga nakaraang araw ay nahuli na, at na-prove ko kay Natalia na tama nga ako," paliwanag ko at naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak ni Wild sa hita ko.
"Don't think about it, isipin mo na lang ang ngayon. We're here already," saad niya sabay hinto sa kotse at napatingin ako sa labas.
"Teka, wala pa tayo sa apartment ko, ah, anong gagawin natin dito sa field na ito?" Kunot-noong tanong ko sa kan'ya at ngumiti lang siya at saka ay lumabas na sa kotse at saka ay umikot papunta sa gilid ko at pinagbuksan niya ako ng pinto kaya lumabas na lang ako. Paglabas ko ay sinarado na ni Wild ang pinto at saka ay kinuha ang kamay ko at hinatak na niya ako palayo sa kotse.
Nandito kami ngayon sa isang malawak na field na medyo malayo sa siyudad, hindi ko namalayan na pumunta pala kami rito. Subrang dilim ng paligid pero unti-unti na rin namang nag-adjust ang paningin ko sa dilim kaya klaro ko na ang ibang bagay sa paligid. Klarong-klaro rin ang malawak na kalangitan at ang bilyon-bilyong mga bituin sa langit, klarong-klaro ang galaxy sa langit.
"Have a sit," anyaya ni Wild sa akin at pina-upo niya ako sa isang bench na nandito lang sa gilid ng malaking plaza. Umupo rin siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
"Do you like it?" Tanong niya at napa-angat ang tingin ko sa langit.
"Oo, ang ganda kasi," nakangiting tugon ko.
"Yeah, the stars are beautiful, it's so beautiful," saad niya kaya napalingon ako sa kan'ya na ngayon ay nakatingin sa akin. Uminit ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya at napa-iwas na lang ako ng tingin dahil sa matinding pagkabog ng dibdib ko.
"Stella, can I have a favor, please?" Saad niya sabay himas sa kamay ko. Napalingon ako sa kan'ya at sinalubong ang tingin niya.
"Ano 'yun?" Nakangiting tugon ko.
"P'wedeng h'wag kang mag-isip ng ibang bagay kung hindi ay ako lang ang isipin mo? Ayaw kong mag-overthink ka ng husto sa mga bagay-bagay na hindi naman nakakatulong sa 'yo at sa ating dalawa, okay?" Panghihingi niya ng pabor at ngumiti ako ng husto sabay tango.
"Oo naman. Siya nga pala, gusto ko sanang makilala ang tatay mo," saad ko pero napansin ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon niya.
"No, I don't want you to meet him, it's dangerous, Stella, he's dangerous," seryosong saad niya.
"Ayaw mo ba akong ipakilala sa magulang mo?" Kunot-noong tanong ko at napabuntong-hininga siya sabay iwas ng tingin sa akin at ibinaling ang tingin niya sa harapan namin.
"If it's my mother, I can, but it's my father, and I don't want to get in touch of him anymore," paliwanag niya kaya napatango na lang ako.
"Ay, ganoon ba, sayang naman," nanghihinayang na saad ko at ibinaling na lang ang tingin ko sa harapan namin.
"By the way, mayroon akong nakuhang baraha mula sa namatay kanina, isang Ace of Spades, nakadikit ito sa noo ng babaeng biktima," saad ko sabay kuha sa baraha na nasa bulsa ko at ipinakita ito kay Wild.
"Ace of Spades? Another clue from Hurricane?" Kunot-noong tanong ni Wild sabay kuha sa baraha.
"Siguro," tipid na sagot ko.
|༺☬༻|
General POV
"Eunice, tumawag si Apple sa akin, hinahanap ka," saad ni Thaddeus kay Eunice at ibinigay ang phone niya sa babae. Kinuha naman ito ni Eunice at saka ay idinikit ang cellphone sa tainga niya.
"Hello, Apple, bakit mo ako hinahanap?" Seryosong tanong ni Eunice sa right hand ni Thaddeus na si Apple at saka ay sumimsim siya ng alak.
"May balita po ako tungkol kay Aira, pinatay po siya kaninang alas siyete ngayong gabi," balita ni Apple kaya napatahimik si Eunice at hindi siya makapagsalita.
"Si Hurricane ba ang pumatay sa kan'ya?" Kunot-noong tanong ni Eunice kaya nagkatinginan naman ang mga kasamahan niya sa isa't-isa.
"Sinong pinatay ni Hurricane?" Tanong ni Yoshida.
"Probably, si Aira," tugon naman ni Lorean at ibinaling ulit ang tingin kay Eunice na ngayon ay malapit ng maiyak.
"H'wag po kayong mag-alala, Ms. Eunice, nahuli po ng sekretarya ni Wild na si Stella at 'yung sekretarya ni Gideon na si Natalia 'yung nakapatay, pero hindi niya inamin na siya si Hurricane, pero imposible namang hindi siya si Hurricane, eh, kitang-kita naman na hatak-hatak niya ang bangkay ni Aira, at siya na mismo ang nag-amin na siya ang pumatay," paliwanag ni Apple.
"May bulaklak ba sa dibdib ni Aira?" Tanong ni Eunice sa katawag niya.
"Opo, may bulaklak po, actually, dala-dala ko nga rin po ngayon 'yung bulaklak, papunta na kami riyan ni Aicelle dala ang bangkay ni Aira," saad ni Apple at napatango naman si Eunice.
"Sige, bilisan ninyo dahil may gusto pa akong malaman," saad ni Eunice.
"Sige po, malapit na rin po kami," tugon naman ni Apple at saka ay pinatay na ni Eunice ang tawag at ibinigay ang cellphone kay Thaddeus.
"Ano ang sabi ni Apple?" Curious na tanong ni Yoshida at nabaling naman ang tingin ni Eunice sa kan'ya.
"Aira was killed, she was dead, pero nahuli ang pumatay sa kan'ya, and maybe it's Hurricane, dahil si Hurricane lang naman ang gumagawa ng ganoon lalong-lalo na sa mga spy natin," tugon ni Eunice kaya napakunot naman ang noo ng iba sa kanila.
"Sino?" Kunot-noong tanong ni Kingstone at seryosong tiningnan si Eunice.
"Hindi ko pa tinanong, gusto kong malaman kung sino pagdating nila rito, papunta na rin sila ngayon," saad ni Eunice.
Nag-antay sila ng ilang minuto at narinig nila ang takbuhan ng mga lalaking tauhan nila na papunta sa living room kung saan sila ngayon. Pagdating ng mga lalaking tauhan nila ay napatingin naman ang lahat sa mga tauhan at nabaling ang tingin ni Eunice sa malaking bag na dala-dala ng tauhan nila.
Agad siyang tumayo mula sa inuupuan niya at saka ay nilapitan ang dalawang lalaki na nagdala sa malaking bag. Dahan-dahan namang nilapag ng dalawang lalaki ang bag at dahan-dahan namang lumuhod si Eunice sa tabi ng bag at nanginginig ang kamay niya habang unti-unting binubuksan ang zipper ng bag.
Pagbukas na pagbukas niya ay bumungad agad sa kan'ya ang sirang mukha ni Aira. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya kaya hindi siya makapagsalita. Napatakip siya sa kan'yang bibig at nanginginig naman ang isang kamay niya nang unti-unti niyang hawakan ang sirang mukha ni Aira.
"Pinatay po siya gamit ang isang metal na baseball bat at mukhang sa mukha talaga siya napuruhan ng husto, dala po namin ang baseball bat na ginamit ni Hurricane sa pagpatay sa kan'ya," saad ni Aicelle at saka ay pinakita ang baseball bat na hawak-hawak niya at napa-angat naman ang tingin ni Eunice kay Aicelle at tiningnan din ang baseball bat na hawak-hawak niya.
Ilang minuto ang nakalipas.
"Sino ang pumatay sa kan'ya? Sino ang totoong Hurricane?" Kunot-noong tanong ni Ace habang si Eunice ay tahimik lang na nakatitig sa baseball bat na nakalapag sa lamesa.
"Ang pangalan niya ay Achlys Winslet, nahuli rin siya nila Stella at Natalia kanina sa akto," tugon ni Apple at napatingin naman ang lahat kay Eunice na ngayon ay kinuha ang baseball bat na nakalapag sa lamesa at tiningnan niya ito.
"Bakit ayaw niyang aminin na siya si Hurricane kung nakalagay naman sa baseball bat na ito ang pangalan niyang Achlys? At may bahid pa talaga ng dugo ni Aira ang baseball bat na ito, tsk," iling na saad ni Eunice habang tinitingnan ang baseball bat na hawak-hawak niya.
"Achlys? You mean Goddess Achlys?" Natatawang saad naman ni Lorean kaya napakunot naman ang noo ng iba sa sinabi niya.
"Anong Goddess Achlys na pinagsasabi mo, Lorean? Ano na naman 'yang alam mo na hindi namin alam?" Reklamo ni Kingstone at napatawa na ng husto si Lorean.
"Hindi niyo ba kilala si Goddess Achlys? The Greek Goddess of Death? And also, Achlys Winslet? Hindi niyo ba talaga kilala si Achlys Winslet? Hindi niyo pa ba siya na-meet before?" Natatawang tanong ni Lorean at napa-iling naman si Kingstone.
"I know about Goddess Achlys, the primordial goddess of the death-mist, misery, sadness, and deadly poison, I know what kind of Greek Mythology she is, it's just that, nakaka-shock lang na ipinangalan ang pangalan niya sa isang tao," natatawang saad naman ni Ace.
"Well, the name suits on Achlys Winslet, though," saad naman ni Shane at napatango naman ang iba sa kanila.
"So, since hindi naman namin kilala si Achlys Winslet, sino siya?" Tanong naman ni Yoshida.
"Achlys Winslet, the granddaughter of an Italian Mafia Boss, Luca Romano, the Boss of Romano Mafia Family. She is one of the rich person in France and Italy," sagot ni Lorean.
"Kung mayaman naman pala siya, bakit siya nagta-trabaho kasama namin? Nasa iisang opisina lang kami ni Achlys," kunot-noong tanong ni Aicelle kaya napatingin naman ang lahat sa kan'ya.
"What do you mean?" Hindi makapaniwalang tanong ni Matthew kay Aicelle.
"Oo, nagta-trabaho siya sa Cyrene, siya 'yung nag-iisang na-hire sa Cyrene kapalit kay Krishan, hindi nga namin ma-intindihan that time kung bakit isa lang ang nakapag-apply sa Cyrene, at 'yung babae na 'yun lang ang nakapasok. And now it makes sense already kung bakit siya lang ang nag-iisang nakapag-apply sa Cyrene," tugon ni Aicelle at napapitik naman si Travis sa mga daliri niya nang ma-gets niya ang huling sinabi ni Aicelle.
"Absolutely, ni-hack niya ang system ng Cyrene para hindi makapasok ang ibang applicants at siya lang ang p'wedeng makapasok sa applications ng kompanya, tama ako, 'di ba?" Natutuwang tugon ni Travis sa naisip niyang posibilidad.
"Oo, ganoon na nga, 'yan din ang iniisip namin ni Apple kanina habang nagba-byahe papunta rito," natutuwang saad naman ni Aicelle.
"Stop with that, ako na naman ang nawalan ng pera ngayon," saad ni Eunice habang nakatingin siya sa phone niya.
"Ano? Ikaw na naman ang isinunod ni Hurricane? Pinatayan ka na nga ng assistant, tinanggalan ka pa ng pera?" Hindi makapaniwalang tanong naman ni Emmanuel.
"How come na na-hack niya ang bank account mo, eh, nasa kulungan naman si Hurricane, ah?" Naguguluhang tanong Shane.