Capítulo Catorce punto dos (14.2)

1236 Words
|༺☬༻| Bandang alas singko ng hapon ay umuwi na kami. Sinamahan ako ni Natalia sa apartment para mag-ayos sa mga gamit na binili namin. Pagdating namin doon ay nandoon na sa harap ng pinto ang mga appliances na binili namin habang binabantayan naman ito ni Manang Loleng. "Grabe kana, Stella, ang laki na ng kuryenteng babayaran mo rito," iling na suway ni Manang sa akin. "Pero ayos lang, subra-subra naman ang binigay na pera ng asawa mo para sa renta mo rito sa apartment mo." Puno ng pagtataka ang bumabalot sa mukha ni Natalia nang tingnan niya ako, umalis na rin si Manang Loleng at naiwan kaming dalawa ni Natalia rito sa labas ng apartment ko at nag-peace sign ako sa kan'ya. "Anong asawa ang sinasabi nung matanda sa 'yo? May asawa kana?" Takang tanong ng kaibigan ko sa akin. "Hindi, hindi, biro lang 'yun, wala talaga akong asawa, ikaw naman, kita mo namang wala akong singsing sa daliri ko, oh," depensa ko sabay angat sa dalawang kamay ko at pinakita ko sa kan'ya ang mahahaba at magaganda kong mga daliri. "Oo na, oo na, pero sinong lalaki ang tinutukoy nung matanda sa 'yo?" Takang tanong niya. "Si... Sir Wild," napipilitang tugon ko at isang hampas mula sa kan'ya ang natanggap ng braso ko kaya napahimas ako sa parteng hinampas niya. "O M G! So, binayaran ni Sir Wild ang renta mo rito sa apartment mo?! Oh my!" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia at halata sa mukha niya ang kilig. "Kayo na ba ng boss mo?" Nakangiting tanong niya. "Ewan ko sa 'yo, tara na, ipasok na natin itong pinamili natin," saad ko sabay bukas ng pinto. Una naming pinasok ang refrigerator, mabuti na lang at may gulong itong pinatungan ng ref at madali lang itong itulak. Pinagtulungan namin itong ibaba sa sahig dito sa kitchen at successful naman ang paglagay ng refrigerator sa sahig. Sunod-sunod naming pinasok ang iba't-ibang binili namin, mula sa mga appliances papunta sa mga groceries na binili namin. Tinulungan din ako ni Natalia na mag-ayos ng mga gamit ko sa loob kaya naging madali na sa akin ang pag-aayos. Manghang-mangha na talaga ako sa pagiging maarte ni Natalia at subrang organize at subrang linis ng pagka-ayos niya sa mga gamit. Ganitong-ganito ang set up ng mga gamit niya sa condo kaya nagmukhang condo unit na rin ang apartment ko. Mabuti na lang at may kalakihan ang apartment ko kaya kasya ang mga appliances na binili namin. Tinulungan din ako ni Natalia kung paano gamitin ang mga appliances na binili namin at nagsusulat ako sa bawat sinasabi niya para hindi ako makalimot. Hindi ko kasi naiintindihan 'yung english sa manual ng mga appliances, eh, kaya si Natalia na ang tumulong sa akin kung paano ko gagamitin itong mga binili namin. Gabi na ng matapos kami sa trabaho namin sa loob. Nag-order si Natalia ng pagkain sa phone niya habang ako rito ay binabasa ang mga sinusulat ko. "Maraming salamat talaga, Nat, sa pagtulong mo sa akin buong araw," naluluhang saad ko. "Ang drama mo naman, pero ayos lang 'yun, masaya naman ako sa ginagawa ko, eh, wala na kasi akong ma-arrange na mga kalat sa bahay ko kasi nandoon naman ang kapatid ko para maglinis kapag wala ako sa bahay, kaya nandito ako para maglinis," nakangiting saad niya at nabaling ang atensyon namin ni Natalia sa kumatok sa pinto. "Ayan na 'yung pagkain!" Masayang saad ni Natalia at mabilis siyang tumayo mula sa upuan at dali-daling pumunta sa pintuan ng apartment ko. "Thank you po!" Masayang saad niya at kinuha na ang mga pagkain. Inilapag na niya ito sa dining table at tinulungan ko na siyang kunin ang mga pagkain. "Ano 'to? Alak?" Takang tanong ko kay Natalia habang ipinakita ko sa kan'ya ang bote na kulay green. "Soju 'yan, masarap 'yan, binili ko 'yan para masubukan mo," nakangiting tugon niya at umupo na ng maayos sa upuan at umupo na rin ako ng maayos at nagsimula na kaming kumain. Napagdesisyunan ni Natalia na manatili lang muna rito sa apartment ng isang gabi kasi naka-inom siya at hindi ko na rin naman siya pinigilan para sa safety niya sa daan. Lasing na lasing din akong humiga sa higaan ko at katabi ko si Natalia na mahimbing na natutulog, malaki naman ang higaan ko kaya kasya kaming dalawa. |༺☬༻| Lunes ng alas sais ng umaga ay nagtitipon-tipon na kami rito sa HQ ng Cyrene dahil ngayong araw ang team building namin sa Sierra Madre. Doon daw kami sa Tanay, Rizal magpunta dahil 'yun daw ang pinakamalapit sa Quezon City. Nagdatingan na rin ang dalawang bus na sasakyan ng ibang empleyado na walang kotse. Si Ma'am Victoria ang kumuha ng mga bus na ito na sasakyan namin. Dalawang araw kami roon sa bakasyon namin, ngayon at bukas. March 5 pala bukas... At sabi ni Natalia dati na ika-1st, 5th, 6th, 10th, 18th, at 25th ng buwan pumapatay si Hurricane. Ewan ko ba, bahala na siya riyan sa buhay niya, basta gusto kong mag-enjoy sa team building namin ngayong araw. "May masasakyan ka ba?" Biglaang tanong ni Sir Gideon sa akin kaya napa-angat ang tingin ko sa kan'ya. "Ha? Sa b—" "No, she'll come with me," putol ng isang malalim na boses sa sasabihin ko. Agad akong napalingon sa lalaking naglalakad papunta sa pwesto namin ni Sir Gideon at nagtama agad ang bughaw naming mga mata sa isa't-isa. Isang magaspang at malapad na palad ang humawak sa braso ko at bahagya akong hinatak palayo kay Sir Gideon. Napatingin ako sa mukha ni Sir Wild na nakakunot ang noo at masama ang tingin sa Presidente. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil parang naiipit ako sa matinding tensyon ng dalawa, nagmumukha na tuloy akong burger steak sa pagitan ng dalawang tinapay na kagaya nila Sir Gideon at Sir Wild. "Ay mga Sir, sa akin po sasama ang kaibigan ko," sabat ni Natalia at agad na humawak sa kamay ko at tinabihan niya ako, pinanlakihan niya ako ng mga mata hudyat na sumang-ayon ako sa sinabi niya. "Oo nga po, eh, kay Natalia ako sasama papuntang Tanay, pasensya na po," saad ko at pilit na kinakalas ang kabila kong braso na mahigpit na hinahawakan ni Sir Wild habang ang matatalim niyang tingin ay nakatitig pa rin sa lalaking kaharap niya. "Ayaw ako bitawan, mhie, tulungan mo ako," bulong na saad ko sa kaibigan ko kaya tinulungan ako ni Natalia na hatakin ang kamay ko mula sa magaspang na palad ni Sir Wild. "A-Ay, Sir, pakibitaw na po ang braso ni Stella, kulay violet na po ang palad niya," kuha ni Natalia sa atensyon ni Sir Wild mula sa boss niya kaya agad napatingin si Sir Wild sa akin at agad naman niyang binitawan ang kamay ko. Dali-dali akong hinatak ni Natalia palayo sa dalawang lalaki at pinasok na niya ako sa kotse niya habang ako ay himas-himas ang pulsuhan ko na mahigpit na hinawakan ni Sir Wild kanina at namumula na rin ito. Umikot si Natalia papunta sa kabilang side ng kotse niya at saka ay pumasok na roon at umupo na sa driver's seat. "Ayos lang ba ang kamay mo?" Nag-aalalang tanong ni Natalia at kinuha ang kamay kong namumula pa rin. "Oo, ayos lang ako, salamat sa paglayo mo sa akin mula sa kanila, parang naiipit ako roon, eh," tugon ko at bahagyang ngumiti at nginitian lang ako pabalik ng kaibigan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD