Capítulo Uno punto uno (1.1)

1112 Words
"Stella! Gumising kana d'yan!" Agad akong nagising dahil sa malakas na ingay ng alarm clock ko, at isa pa, nabu-bwisit din ako sa kung sino man itong malakas na kumakatok sa pinto ng apartment ko. Ang aga-aga, alas singko pa lang ng umaga grabe, umiinit na ang ulo ko na dapat sana ay nag-beauty rest ako kasi maghahanap ako ng trabaho ngayong araw. Inip na inip akong bumangon sa higaan at malakas na hinampas ng kamao ko ang alarm clock para manahimik kasi inaantok pa ako, eh! Tapos may nagdadabog pa sa pintuan ng apartment ko. "Stella, buksan mo 'tong pinto!" Pagsisigaw ng babae mula sa labas ng apartment ko kaya pagewang-gewang akong naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ito, nakakahilo rin naman kasi 'yung galing kang nakahiga tapos bigla-bigla kang tatayo. Nangapkap pa ako sa dilim dahil madilim ang apartment ko. Kinapkap ko ang door knob ng pinto at pinihit ito sabay bukas. Nagising ako sa realidad nang isang malamig na tubig ang bumuhos sa pagmumukha ko. 'Yung lamig nito ay agad-agad dumaloy sa bawat ugat ko sa katawan. Nakaramdam ako ng panginginig na naging dahilan kaya nagising ang diwa ko. "Stella! 'Yung bayad mo sa apartment mo! Ilang buwan kanang hindi nagbabayad, ah! Palagi mo lang sinasabing 'sa susunod na buwan na ako makakabayad kasi hindi pa ako nakahanap ng trabaho', oh, nasaan na 'yung bayad mo?" Singhal agad ng matandang babae sa pagmumukha ko. "Manang, ang aga-aga naman po, ang init na po ng ulo ninyo," saad ko sabay hilamos sa mukha ko na basang-basa, pati na rin ang pajamas ko ay nabasa na rin. "Anong hindi iinit ang ulo ko sa 'yo, Stella? Ilang buwan kanang hindi nagbabayad ng renta mo rito sa apartment, tapos kailangan ko ang pera ngayon!" Sigaw niya sa akin kaya napayuko na lang ako. "Maghahanap naman po ako ngayong araw ng trabaho, eh," nakayukong saad ko. "Dapat lang, kasi kung hindi ka makakahanap ng trabaho sa araw na ito, mag-expect kang wala kanang tutulugan mamayang gabi, nagkaka-intindihan ba tayo?!" Galit na saad niya kaya nakayuko akong tumango. "Opo," mahinang tugon ko. "Kaya hindi ka natatanggap sa trabaho kasi lalampa-lampa ka, bobo ka kasi! Maganda ka nga pero parang wala ka namang pinag-aralan, mga taga-probinsya nga naman, tsk!" Pangungutya niya sa akin sabay duro-duro sa gilid ng ulo ko. Naka-angat ang kamay niya dahil sa tangkad ko. Hanggang balikat ko lang kasi siya, tapos ako nasa mga 6'0. Palaging nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi niya, tanggap ko naman kasi gan'yan naman talaga ako. Bakit ba kasi 'yung ganda lang ang inambag ko sa mundo kung p'wede namang utak din? Kaso ewan ko ba kung saan nagtatago ang utak ko at nahihirapan akong hanapin ito. Narinig ko na lang ang mabibigat na yapak ng ginang na papalayo na sa akin kaya nagtaas-baba ang balikat ko dahil humihikbi na ako. Bakit ang bilis ko masaktan sa sinasabi niya kahit totoo naman? Kasalanan ko bang ganito ako? Kasalanan ko bang hindi ako biniyayaan ng talino? At ganda lang ang naiambag ko sa mundo? Sinarado ko ang pinto ng apartment ko at saka ay sumandal doon at unti-unting nagpadulas pababa habang umiiyak. Bakit gano'n? Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko? Ilang buwan na akong naghahanap ng trabaho pero wala, walang tumatanggap sa akin. Kung mayroon mang tumanggap sa akin ay pinapaalis naman ako agad kasi isa sa nagagawa kong pagkakamali ay 'yung late ng pumasok sa work tapos pagdating doon lampa naman ako, ewan ko ba. Babalik na lang kaya ako sa Bukidnon? Tutal nandoon naman si Mama, siya lang mag-isa roon pero ang problema nga lang ay walang maayos na trabaho roon kaya mas pinili kong lumuwas na lang ng Manila para maghanap ng trabaho rito tapos pagdating ko rito, mayroon ngang trabaho pero wala naman akong napapasukan. Agad kong itinaas ang kamao ko sa gilid ko, "Fighting lang, Stella! Alam kong pagsubok lang 'yan sa buhay! Alam nating makakahanap ka rin ng trabaho ngayong araw! Ipagdasal natin 'yan! Manifesting!" Pagpapagaan ko sa loob ko at saka ay tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko sa sahig. |༺☬༻| Ilang oras ang nakalipas. "Sorry, we can't hire you, Ms. Levesque." 'Yan lang ang palagi kong naririnig mula sa mga tao sa HR ng mga kompanyang pinapasukan ko. Wala, hindi nila ako tanggap, masyado na ba akong pinagkaitan ng langit na makahanap ng trabaho? "Lord! Bigyan niyo naman ako ng trabaho!" Sigaw ko agad nang makalabas ako sa matayog na building at napayahat ang ulo ko sa kalangitan. Pinagtitinginan na ako ng mga taong dumadaan sa harap ko. "Lord!" Sigaw ko ulit sa kalangitan at bigla na lang itong kumulog at bumuhos ang malakas na ulan. "Lord naman, eh! Sabi ko bigyan niyo ako ng trabaho hindi 'yung bigyan niyo ako ng lagnat kinabukasan!" Pagmamaktol ko habang napapadyak-padyak ang mga paa ko sa sementong kinatatayuan ko. Agad akong bumalik sa building at sumilong na muna roon sa harap ng entrance door ng building na umiikot kapag tinutulak ito, nakakatuwa lang talaga tignan 'yung pintong 'yan, ewan ko ba ano tawag d'yan. Removing door yata 'yan? Basta 'yung umiikot kapag tinutulak. "Kuya, kuya," kalabit ko sa isang lalaking dumaan sa harap ko. "Bakit, Miss?" Takang tanong nito sa akin. "Matanong lang, 'di ba ang tawag sa pintong 'yan ay Removing Door, 'di ba?" Proud na tanong ko sa kan'ya at napakurap-kurap ng ilang beses at nakangiti pa sa kan'ya at nagulat na lang ako nang bigla na lang siyang tumawa ng malakas. "Bobo, anong Removing Door pinagsasabi mo? Revolving Door 'yan. Removing Door, tsk," natatawang saad niya at umiiling-iling pa habang naglalakad palayo sa akin at tumatawa pa at pumasok na siya sa umiikot na pinto. "Revolving Door pala 'yan, akala ko Removing Door," saad ko at napakamot sa batok ko. Wala akong magagawa rito, nabobored na ako kaka-antay kailan mawala ang ulan. Natutuwa naman ako sa pinto na umiikot kaya nilapitan ko ito at saka ay pumasok sa loob at nagpa-ikot-ikot dito. Wala nakakatuwa lang. Nagtataka namang tumitingin ang mga tao sa akin at ang iba ay pinagtatawanan ako, siguro natutuwa rin sila sa paglalaro ko sa Revolving Door. Bigla na lang tumigil ang pag-ikot sa pinto na ikina-untog ng noo ko sa salamin. Agad akong napahipo rito at nakarinig na lang ako ng lalaking tumikhim sa gilid ko. "Miss, hindi kana po bata, daig mo pa ang bata kung umasta, malaki kana po, pero kung gusto mong ituloy itong ginagawa mo, magpapatawag na ako ng nurse at doktor ng mental hospital," malamig na saad ng isang lalaki sa akin. Napalingon ako sa paligid at hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses ng lalaking iyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD