"Miss, nandito po ako!" Tawag ng lalaki kaya napadako ang tingin ko sa baba na ikinagulat ko naman.
"Ay duwende!" Gulat na saad ko at agad akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat. Hanggang ibabaw lang ng beywang ko ang lalaking guard, eh.
"Pasensya na po, aalis na po ako," paumanhin ko sa lalaki at dali-dali ng lumabas sa building habang hinihimas ang dibdib ko dahil sa gulat. Parang aatakehin ako sa puso dahil sa gulat kanina. 26 years old pa lang ako pero parang aatakehin na ako sa puso.
Pagbaba ko ng tuluyan sa hagdan na nasa labas ng building ay saka ko lang narealize na wala na palang ulan. Nagpatuloy ako sa paglalakad para maghanap na naman ng bagong papasukang trabaho.
Nakarating ako sa harap ng isang building sakay ang taxi at saka ay bumaba na rito at pumasok sa building. Ilang oras ang lumipas at lumabas na naman ako ng building na sirang-sira ang mukha.
Paano ba naman kasi, eh! Hindi ko naman sinadya na matapunan ng kape 'yung Head ng HR Department, eh! Nakaka-inis!
Padabog akong naglakad papalayo sa building. Saan na ba ako pupulutin nito mamayang gabi? Kasi kung hindi ako makakahanap ng trabaho sa araw na ito, hindi ko na alam saan na ako matutulog mamaya.
|༺☬༻|
Natapos ang buong araw ko na wala akong nahanap na trabaho, binibigyan nila ako ng salitang 'tatawagan lang po namin kayo, Ma'am', aanhin ko ba 'yang pag-aantay ko kung kailan ako tatawagan kung mamayang gabi na lang ang deadline ko sa apartment?
Bwesit! Ilang buwan na ako naghahanap ng trabaho! Mapa-online work, physical work, at kahit ano-ano pang work, pero wala, wala akong mahanap at walang tumatanggap sa akin. Kung babalik naman ako sa probinsya namin, hindi ko alam paano ako makakauwi kasi wala na akong pera, huling bala ko na lang itong perang dala ko ngayong araw. Hindi na nga ako nag-lunch kanina kasi wala na akong perang pamasahe pa-uwi ng apartment, eh!
Tapos itong mga bulati sa tiyan ko kumakatok na ng pagkain. Kawawa naman sila, sila na lang 'yung kasama ko sa buhay kasi nag-iisa lang ako rito tapos hindi ko pa inaalagaan ng maayos.
Himas-himas ko ang tiyan ko habang tumatawid sa highway nang biglang may isang malakas na bumusenang sasakyan sa akin. Agad akong napatalon sa gulat dahil sa lakas ng busena ng sasakyan, parang lumabas ng ilang segundo ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa nangyari.
Huminto sa harapan ko ang isang mamahaling kotse, makinis ito at kulay black, sana all naman sa may-ari nito, habang ako pa-taxi taxi lang tapos mahal pa ang pamasahe. Bumaba mula sa mamahaling kotse ang isang lalaki, niluwa mula sa kotseng ito ang isang matangkad, guwapo, mestizo, maputi, malapad ang balikat, at sumisigaw ng awtoridad ang presensya at aura ng lalaking naglalakad papunta sa akin. Nakasuot pa ito ng sunglass at saka ay ibinaba niya ang sunglass niya nang nakatayo na siya sa harapan ko.
Grabe! Blue eyes! Tapos nakasimangot pa ang mukha niya. Mayroon siyang matatalim na tingin, makakapal na kilay, matangos na ilong, mapupulang mga labi, mahahabang pilik-mata, sharp na jawline, magulo ang buhok na kulay brown, black, at may highlights pa ito, pero ang mukhang ipinupukol niya sa akin ay puno ng inis at galit na galit pa ito, at isa 'yan sa lalong nagpa-hot pa sa aura niya. Daddy!
Nakayahat ang tingin ko sa kan'ya dahil sa tangkad niya, siguro nasa mga 6'5 or 6'6 ang tangkad ng lalaking ito. Subrang lapad din ng balikat niya at matipuno ang mga ito. Nakasuot siya ng coat at mukhang mataas ang rank nito sa trabaho niya.
"Miss, magpapasagasa ka ba? Kasi kung oo, tutuluyan na kita." Agad akong nakaramdam ng lamig mula sa batok papuntang spinal cord ko nang marinig ko ang boses niyang kasing lalim ng kweba.
Grabe! 'Yung boses niya ay madilim, malalim, at malamig. Parang tinutusok ng malalamig na yelo ang buto ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya, nakakapanindig balahibo!
"Miss!" Tawag niya ulit sa akin gamit ang madilim at malalim niyang boses. Agad akong nabalik sa ulirat dahil sa boses niya.
"Are you deaf?" Inis na tanong niya sa akin kaya napakurap-kurap ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Po?" Naguguluhang tanong ko kaya napabuga siya ng hangin sa kawalan sabay kibit-balikat.
"You're not just a blind but also a deaf, stupida (stupid)" saad niya at bumuntong-hininga. Napakurap-kurap ako ng ilang beses sa sinabi niya.
"Po?" Naguguluhang tanong ko.
"Non sei solo cieco e sordo, ma anche stupida (You're not just a blind and deaf but also a fool)" makahulugang saad niya pero hindi ko ito naiintindihan.
"Sorry, hindi po kasi ako Chinese kaya hindi ko po naiintindihan ang sinasabi ninyo," nahihiyang saad ko sabay kamot sa batok.
Agad siyang napapisil sa bridge ng matangos niyang ilong at mariing pumikit. Ilang beses siyang napabuntong-hininga.
"Okay lang po kayo? High blood po ba kayo?" Nag-aalalang saad ko sa kan'ya.
"I'm not, pero kumukulo ang dugo ko sa 'yo. It's not Chinese, Italian 'yung sinasabi ko, Italian!" Gigil na saad niya.
"Hala po, nagsasaing po ba kayo sa ilalim ng katawan niyo po kasi sabi niyo kumukulo ang dugo ninyo?" Nagpapanic na saad ko kaya mas lalong nag-igting ang panga niya.
"Italian pala 'yung sinasabi ninyo, 'yun ba 'yung 'delizioso'?" Natutuwang saad ko at nagsenyas sa kamay ko sa Italian Gesture kapag nasasarapan sila sa kinakain nila.
"Yes, yes, pero can you please, I mean, p'wedeng tigil-tigilan mo ako, Miss, sa mga nonsense na sinasabi mo, nagmamadali ako tapos nakikipag-entertain pa ako sa mga taong kagaya mo," inis na saad niya.
"Ang sungit niyo naman po, Kuya Pogi," nakangusong saad ko.
"What's wrong with you, Miss? I know I'm handsome, pero umiinit ang ulo ko sa 'yo," kunot-noong saad niya at halos magkadugtong na ang makakapal niyang kulay brown na kilay dahil sa pagkunot niya sa kan'yang noo.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at umismid ng nakakaloka. Anong nakain niya?
"Well, base on your physical appearance, pasok sa standards ko," nakangising saad niya at malalim ang boses niyang tumawa.
"Po?" Naguguluhang saad ko.
"For 200,000 pesos every 30th day of the month, be my secretary, Miss," nakangising saad niya sabay lahad sa akin ng isang business card kaya nagtataka naman akong tinanggap ito. Napatingin ako sa business card na kulay itim.
Wild Fuero
Vice President of Cyrene Group of Company
Contact Number: 0997*******
Email Address: wildfireCGC@gmail.com