"Now you know..." Saad naman ni Numeros, isa sa mga kasamahan nila Hurricane. Agad nagkuhaan ng mga armas ang kalaban kaya mabilis na kinuha rin nila Hurricane ang kanilang armas at mabilis nila itong itinutok sa mga kalaban nila.
"Sino sa inyo si Hurricane?" Kunot-noong tanong ni Thaddeus at palipat-lipat ang tutok ng baril niya sa grupo nila Hurricane.
"Hulaan mo," asar naman ni Heliodor kaya napahigpit ang tutok ni Thaddeus sa baril at nakatutok ito kay Heliodor.
"May clue ako kung sino si Hurricane," saad naman ni Heidi kaya natuon ang atensyon ng mga kalaban nila sa kan'ya.
"Nakasuot siya ng itim na hood at puting maskara," pang-aasar ni Heidi kaya mas lalong uminit ang ulo ni Thaddeus.
"Bakit naman namin sasabihin kung sino sa amin si Hurricane? Baka papatayin mo pa, wala na kaming boss," saad naman ni Hurricane sabay kagat sa ibabang labi niya para magpigil ng tawa.
"Pinaglalaruan niyo ba kami?" Galiiting saad ni Ace at kinalas ang baril at itinutok ito kay Hurricane.
"Chill, we are playing game here," tugon naman ni Moonstone.
"What game you are talking about?" Kunot-noong tanong naman ni Shane.
"Hm, Chess Game, your mission is to caught our King, but his Queen was protecting him," paliwanag ni Heidi sa mga kalaban niya.
"Your mission is to know who is the King first, baka ang pawn ang makuha ninyo instead ang King," sabat naman ni Hurricane kaya nagkatinginan sila Ace at ang mga kasamahan niya sa isa't-isa.
"Deal?" Tanong naman ni Amethyst kaya nabaling naman ang tingin ng mga kalaban nila sa kan'ya.
"Deal," matigas na tugon ni Ace.
|༺☬༻|
"So, we have are new enemy, sila na mismo ang lumalapit sa atin, si Hurricane na mismo ang lumalapit sa libingan niya," iling na saad ni Lorean at saka ay nagsindi ng sigarilyo at sinupsop ito.
"Yeah, but who among those fifteen people we encountered is Hurricane? Pare-pareho sila ng suot at maskara, iba't-ibang boses, may babae at may lalaki, at hindi natin alam saan sa labin-limang tao na 'yun si Hurricane," saad naman ni Shane at napa-isip.
"Someone caught my attention kanina, siya 'yung tahimik lang at parang nakikinig lang sa atin, siya lang din ang hindi nagsasalita," saad naman ni Eunice at pilit inaalala ang mga taong nakaharap nila.
"Pero hindi lang naman isang tao ang hindi nagsasalita roon, eh, among of those 15 people, there are only 6 people were silent, so saan sa anim na 'yun si Hurricane?" Tanong ni Yoshida.
"No, let me rephrase that, hindi dahil tahimik ang isang tao ay siya na ang paghihinalaan, some suspicious people are noisy, loud, and jolly," saad naman ni Kingstone kaya natuon ang atensyon ng mga babae sa kan'ya na kani-kanina lang ay nag-uusap.
"So, 'yung mga nagsasalita ang ibig mong sabihin na paghihinalaan?" Tanong naman ni Shane sa lalaki.
"Wala akong sinabi, I'm just stating the possibilities, pero somewhat, p'wedeng possibilities din ang mga tahimik kanina," depensa naman ni Kingstone kaya napa-irap na lang si Shane sa kan'ya.
"I have a news," pasok ni Ace sa usapan, kakarating niya lang sa living room kung saan doon tumambay ang mga babae at si Kingstone.
"What news is that?" Tanong naman ni Matthew na kakapasok lang din sa living room at may dalang isang bote ng alak.
"We have our new ally, dirty business partners, pero hindi ko pa sila nakaka-usap o nakikilala pero sa pagkaka-alam ko ay sila ang pinakamalaking suppliers ng dr-gs sa buong mundo, both export and import," balita ni Ace kaya nagkatinginan sila sa isa't-isa.
"Then, who are they?" Kunot-noong tanong ni Kingstone sabay pihit ng kaunti sa ulo niya, halatang punong-puno ng pagtataka.
"I've never meet them before pero naka-usap ko na ang isa sa mga underboss ng clan na iyun, through calls, they wanted to negotiate us. I grab the opportunity, since it's for the sake of us," saad naman ni Ace kaya napa-iling at napa 'tsk' na lang si Matthew at umupo siya sa sofa sa tabi ni Lorean at inakbayan ang babae.
"What if scammer pala 'yang sinasabi mong grupo? Hindi mo nga alam anong pangalan ng clan nila, you click the bait easily," baliktad naman ni Matthew at nagsalin ng alak sa baso at ibinigay niya ito kay Lorean at nakangiti naman itong tinanggap ni Lorean.
"Thanks," nakangiting saad ni Lorean.
"Welcome, babe," nakangiting saad ni Matthew at ibinalik ang tingin niya kay Ace na ngayon ay umupo na sa tabi ni Kingstone. "So, what's your plan?"
"Since nag-usap na rin kami sa isa sa mga underboss ng mafia na iyun, na pagdesisyonan namin na mag-meet as soon as possible, just a simple meeting, knowing each other, then negotiate, that's it," simpleng sagot ni Ace at napabuntong-hininga.
"Wow, you are just like dating, huh? Knowing each other, tsk," natatawang saad ni Kingstone at napa-iling.
"I need your back up, guys," panghihingi ng pabor ni Ace.
"Before that, kailangan na muna natin pag-usapan ang pinaplano mo, Ace, at baka mapahamak pa ang grupo riyan," paalala ni Yoshida kaya napabuntong-hininga ulit si Ace sabay tango.
"Fine, I'll set up a meeting for everyone tomorrow, this is for our own sake," sang-ayong tugon ni Ace.
|༺☬༻|
Stella's POV
Grabe! Nakaka-stress na talaga 'tong mga pangbabash ng mga netizen sa Cyrene! Palaging si Ma'am Victoria ang bukam-bibig ng karamihan. Kada scroll ko sa face book puro pangbabash lang ang nababasa ko.
"Kailan nga ba 'to matatapos? Bakit nananahimik si Ma'am V? Sirang-sira na ang pangalan niya sa buong mundo tapos bumabagsak na ang sales ng Cyrene! Pati ang ibang produkto nadadamay na," stress na saad ko habang patuloy na nagbabasa sa screen ng laptop ko.
"Itigil mo na nga 'yan, Stella, masisira ang beauty mo," paalala ni Natalia sa akin kaya napabuga na lang ako ng hangin sa kawalan.
"Oo na, hindi ko kasi matigilan ang mapabasa sa mga post nila, eh," reklamo ko naman.
"Mag-deactivate kana nga lang sa account mo, focus kana lang sa work mo, bruha 'to," suhestyon ni Natalia sa akin.
"Ayaw ko nga, dami ko na ngang followers sa face book tapos magde-deactivate pa ako?" Depensa ko naman.
"Ewan ko sa 'yo, tara na sa baba, lunch na tayo, gutom na ako, eh," anyaya ni Natalia kaya hindi na ako nagpapigil pa dahil pati rin ako ay gutom na rin.
"Tara na," saad ko naman at saka ay tumayo na sabay kuha sa phone ko sa mesa.
Bumaba na rin kami papunta sa cafeteria para magtanghalian na. Si Natalia na ang bumili ng pagkain namin habang ako naman ay naghahanap ng puwesto para maupuan naming dalawa.
Nang makahanap na ako ng table na good-for-two ay umupo na ako. Nag-oobserba lang ako sa mga tao sa paligid, minsan naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila, pero mostly ang usapan ay tungkol sa nangyayari sa Cyrene sa mga nagdaang araw na ito.
Hindi ko na lang inintindi ang pinagsasabi nila at napabaling na lang ang tingin ko kay Natalia na ngayon ay kausap na ang babae sa counter. Bigla na lang natuon ang atensyon ko sa sunod-sunod na notification ng mga cellphone sa mga tao rito sa cafeteria, pati na rin ang sa akin ay tumunog, ano na naman kayang ganap sa social media ngayon?
Hindi ko pa sinubukang tingnan ang notification sa phone ko at pinagmamasdan ko muna ang mga ekspresyon ng mga empleyadong nandito. Halo-halo ang ekspresyon nila, may nagulat, may natuwa, at ang karamihan ay nagtataka. Ano kayang mayroon? Matingnan ko kaya?
Hinablot ko kaagad ang phone ko na nakalapag sa lamesa at mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan ko ang notification at binasa ang isang artikulo. Ito ay na-publish ngayong araw pa, 5 minutes ago.
Taim-tim kong binasa, kahit english ay naiintindihan ko naman ng kaunti pero puro jargon words ang gamit, mga words na tanging mga propesyonal sa medisina lang ang nakaka-intindi. Natapos kong basahin ang buong artikulo at ito ay pinublish ni Saintess Yves Morocov, isang sikat sa medisina sa buong Pilipinas, isang legitimate na propesyonal na doktor! So maaasahan ang artikulong ginawa niya!
"Hoy, ano 'yang binasa mo?" Boses ni Natalia ang nag-agaw sa atensyon ko. Napatingin naman ako sa kan'ya at bahid sa kan'yang mukha ang pagtataka.
"May na-publish na article, Nat, nabasa mo na ba?" Tanong ko sa kan'ya nang sinimulan na niyang kunin ang mga pagkain namin mula sa tray na dala niya.
"Hindi pa, pero narinig ko ang pag-notify ng cellphone ko, bakit ano bang bagong chismis ngayon sa social media?" Takang tanong niya at saka ay sumimsim ng juice sa baso niya.
"May article na pinublish tungkol sa Cy-Collagen, basahin mo dali," atat na balita ko sa kan'ya kaya mabilisan niyang kinuha ang phone sa bulsa niya at binuksan ito.
Pinanood ko ang mukha niya habang nagbabasa. Puno ng pagtataka ang mukha niya, may halong gulat at kaunting tuwa.
"Si Ms. Morocov ang nag-publish? Ang pinaka-sikat at pinaka-batang surgeon sa buong Pilipinas? At isang Medical Director ng Wolves Empire Hospital? Siya ang nag-research sa lahat ng ito?" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia.
"Oo!" Natutuwang saad ko. Nag-publish ng article si Doctora Morocov tungkol sa Cy-Collagen na may dalawang klase ng Cy-Collagen, ang peke at ang totoong gamot.
Nag-research siya tungkol sa dalawang medisina at nalaman niya na ang pekeng medisina ay hindi galing sa Cyrene Pharmaceuticals, ang pekeng medisina ay may mga illegal na gamot at mga nakakamatay na chemical na hinalo rito kaya ganoon na lang ang reaksyon ng gamot sa tao. Ang totoong Cy-Collagen ay walang halong ibang illegal na gamot at nakakamatay na chemical.
Sinabi rin sa artikulo na hindi maganda ang reaksyon ng pekeng gamot sa tao kaya ganoon na lang ang nangyari sa mga taong naka-inom sa pekeng gamot ngunit ang Cy-Collagen naman ay mayroong magandang epekto sa katawan ng tao kaya may dalawang reaksyon ang Cy-Collagen sa mga tao, ang peke ay ang nakakamatay pero ang totoo ay ang nakakabuti sa tao. Kaya pala sa balita ay may mga customers na wala namang masamang nangyari sa kanila tapos ang iba ay nagreklamo dahil sa masamang nangyari sa kanila.
"Ang tanong, sino ang nag-manufacture sa pekeng gamot?" Tanong ko kay Natalia.
"Iyan ang hindi natin alam. May comment dito na walang nakaka-alam kung sino ang nag-manufacture sa pekeng Cy-Collagen at ginamit pa ang Cyrene Pharmaceuticals as a manufacturer ng gamot," iling na saad ni Natalia habang nag-scroll sa cellphone niya.
Napabagsak ang balikat ko sa sinabi niya. "So, paano mahuhuli ng Cyrene ang pekeng manufacturer ng Cy-Collagen?" Tanong ko sa kan'ya.
"Bahala na si Ma'am Victoria ang mag-trace tungkol doon, marami namang pera 'yun. Pero curious lang ako, bakit kaya si Ms. Morocov ang nag-research tungkol dito, eh, hindi naman siya taga Cyrene?" Takang tanong niya at kunot-noong tumingin sa akin kaya napa-angat ang magkabilang balikat ko, hudyat na hindi ko rin alam.
"Baka trip niya lang? Or siguro ay gusto niya lang tulungan ang Cyrene?" Walang kasiguraduhang tugon ko.