|༺☬༻|
General POV
Biglang bumukas ang isang malaking ilaw at agad itinutok ito sa isang taong nakatayo sa gitna ng isang ice skating rink. Nakasuot siya ng itim at mahabang leather coat na hanggang ilalim ng tuhod ang haba. Sa ilalim ng leather coat ay nakasuot siya ng itim na t-shirt at pinaresan niya ito ng isang itim na leather trousers.
Sa kan'yang paa ay may suot siyang itim na ice skating shoes, sa kan'yang kamay naman ay may suot siyang gloves na kulay itim at hapit na hapit ito sa kan'yang kamay. Ilang sandali pa lang ay biglang tumugtog ang isang pamilyar na tugtugin na umalingawngaw sa bawat sulok ng lugar na iyun.
Madilim ang paligid at ang tanging ilaw lang ay ang ilaw na nakatutok sa taong nakatayo sa gitna ng ice skating rink. Kasabay ng pagtugtog ay nagsimula na rin siyang sumayaw sa gitna, siya ay nagpakitang gilas, siya ay minsa'y umiikot, tumatalon, tumatakbo at kung ano-ano pang mga pakitang-gilas na tanging mga magagaling na olympiads at bihasa sa ice skating ang marunong sa mga galawang iyun.
Pitong minuto siyang nagsasayaw sa buong ice skating dahil pitong minuto rin ang haba ng kantang sinasabayan niya ngayon. Ilang saglit pa ay natapos na siya sa pagsasayaw at napahinto siya sa gitna ng ice skating rink kung saan siya nakapuwesto kanina.
Napalingon na lang siya nang may marinig siyang nagpapalakpakan sa gilid ng rink at ilang sandali pa ay may dumating na babae papalapit sa kan'ya, kagaya niya ay may suot din itong ice skating shoes. Subrang lapad ng ngiti ng babae habang papalapit siya sa taong nakatayo sa gitna ng rink.
"Bravo, Maestà! Sei così bravo a pattinare sul ghiaccio! (Bravo, Your Majesty! You are so great at ice skating!)" Maligayang bati ng babae kay Hurricane.
"Grazie, Consigliere, (Thank you, Consigliere)," nakangiting tugon naman ni Hurricane.
"Miss na miss mo na mag ice skating, 'no? Gold medalist ka kaya palagi sa mga World Olympics simula noong bata ka pa," proud na saad ni Heidi kay Hurricane kaya napahalakhak na lang si Hurricane sa sinabi ng babae sa kan'ya.
"I don't mind those gold medals. I have a million tons of gold. At saka, wala na rin akong planong sumabak sa Olympics after 8 years," paliwanag naman ni Hurricane.
"Okay, sabi mo 'yan, pero ginulat mo ako sa kantang ginamit mo, ah, Danse Macabre talaga," natatawang saad ni Heidi kaya tinaasan lang siya ni Hurricane ng kilay.
"Why? That song means Dance of the Death, dance of Hurricane, my dance. Anong silbi pa ng pangalan ko kung hindi ko sasayawin ang kanta?" Paliwanag niya kaya napakibit-balikat na lang si Heidi.
"Sabi ko nga, sana ikaw na lang ang nag-compose ng kanta, kulang na lang ay aakuin mo na 'yung kanta ng tatay mong si Camille, makulong ka n'yan sa copyright, sige ka," panakot ni Heidi kaya napa-iling na lang si Hurricane sa sinabi ng babae sa kan'ya.
"I have my license of Danse Macabre, Heidi, I can use that song all the time, kahit saan, kahit kailan, at kahit lagyan ko pa ng lyrics 'yang kantang 'yan, it doesn't matter, that song is almost 200 years ago," depensa naman ni Hurricane kaya ngumuso si Heidi sa kan'ya.
"Ano namang ilalagay mong lyrics? Hurricane, Hurricane, ako si Hurricane, ang Notorious Killer at Psychopath sa Cyrene, ang Mafia Boss ng 'Ndrangheta, at ang pinaka mayamang nilalang na nabubuhay sa balat ng lupa," pang-aasar ni Heidi.
"Mamaya ka sa aking babae ka, pipilipitin ko talaga 'yang leeg mo," pagbabanta ni Hurricane kaya napahawak si Heidi sa leeg niya.
"Oh, I'm scared, choke me daddy," pang-aasar pa ni Heidi at natawa ng husto.
"Strega! Hali ka nga rito at papatayin kitang babae ka! (Bruha!)" Pasigaw na saad ni Hurricane at hinabol si Heidi na ngayon ay tumatakbo na papalayo sa kan'ya. Naghahabulan ang dalawa at dahil mas mabilis pa si Hurricane kaysa ni Heidi ay naabutan niya ito at niyakap mula sa likod kaya tawang-tawa naman si Heidi sa nangyari.
"Tama na nga 'yang flirting ninyong dalawa, umalis na tayo at baka may makakita pa kay Hurricane," saad ni Bloodstone kaya natigil ang dalawa sa pag-aasaran. Nakatayo lang ang lalaki sa bungad ng rink. Napanguso naman si Heidi at masamang tiningnan ang lalaking sumaway sa kanila.
"Panira ka naman ng moment," nakabusangot na reklamo ni Heidi at naunang umalis si Hurricane sa pwesto niya at lumapit kay Bloodstone.
"Kamusta ang pinapagawa ko sa 'yo?" Tanong ni Hurricane kay Bloodstone at humakbang palabas ng rink. Umupo si Hurricane sa isang maliit na upuan at unti-unting hinubad ang suot niyang sapatos.
"Ayos na, sinabihan ko ang sekretarya ko na kausapin si Ms. Morocov tungkol sa pinapatrabaho ko sa kan'ya," tugon ni Bloodstone habang pinapanood si Hurricane na ngayon ay nagsusuot na sa bakal na sapatos niya.
"Good, may sinabi ba si Morocov tungkol sa ipapatrabaho ko sa kan'ya?" Tanong ni Hurricane habang abala ang atensyon niya sa sapatos niya.
"Yeah, sabi ng sekretarya ko na nagreklamo si Saintess kung bakit daw nakiki-alam ang Wolves Empire Hospital sa problema ng Cyrene Pharmaceuticals na hindi naman sila related sa isa't-isa," paliwanag ni Bloodstone kaya napa 'tsk' na lang si Hurricane sabay iling at tumayo na siya at hinarap ang lalaki.
"Without her knowing na ang Cyrene at ang Wolves Empire ay iisa lang ang Chief Executive Officer, no one else but only me, Hurricane," naka-ismid na sagot ni Hurricane at hinubad ang suot niyang leather coat at pinalitan niya ito ng usual niyang suot na mahabang coat na itim at mayroong mahabang kapa sa likod at may hoody.
Isinuot ni Hurricane ang puting maskara niya sabay talukbong niya sa hoody sa ulo niya. Pinapanood lang ng lalaki ang ginagawa ni Hurricane.
"You don't have to worry, Your Majesty, wala namang sinabi ang sekretarya ko dahil hindi niya rin naman alam na iisa lang ang CEO ng Cyrene at Wolves Empire, basta ang sabi niya lang ay pinapa-utos ng President, wala na rin namang nagawa si Saintess kung hindi ang sumunod sa sinabi ng sekretarya ko. Sa susunod na araw ay lalabas na rin ang resulta sa pananaliksik ni Saintess at makakapag-publish na siya ng article tungkol sa nakalap niya sa susunod na araw," paniniguradong saad ni Bloodstone kaya napatango na lang si Hurricane sa sinabi ng lalaki.
"We have to go, may kailangan pa tayong haraping mga grupo sa araw na ito," ani Hurricane at naunang tumalikod at umalis. Sumunod naman si Bloodstone pati na rin si Heidi na kakatapos lang din mag-ayos ng saplot sa paa.
Ilang minuto ang nakalipas. Malakas na pinihit ni Hurricane ang manubela ng kan'yang big bike na Ecosse Spirit. Parang kulog ang boses nito habang paulit-ulit na pinihit ni Hurricane ang manubela ng motor niya. Suot niya ang kan'yang itim na helmet pero kahit naka-helmet siya ay suot niya pa rin ang maskara niya.
Mabilis na pina-andar ni Hurricane ang motor at nauna siyang umalis. Sumunod naman ang mga kasamahan niya na nakasakay sa kani-kanilang big bike at sinundan si Hurricane na ngayon ay isang iglap lang ay subrang layo na ng inabot.
Kahit traffic sa highway ay nagawa pa ring iwas-iwasan ni Hurricane ang mga kotse, truck, at ibang mga sasakyan na para bang wala lang sa kan'ya ang mga ito. Kahit red light ay patuloy lang siya sa mabilis na takbo at mas lalo niya pang binilisan ang takbo niya nang marinig niyang may mga pulis na nakasunod sa kan'ya.
Kasabay ng mga pulis ay mayroong mga naka big bike din pero hindi niya ito mga kasamahan, kung hindi ay ang inaasahan nilang makaka-engkwentro nila. Mabilis nilang pinatakbo ang mga motor nila at nilagpasan ang mga pulis at sinimulan nilang paulanan ng bala si Hurricane na ngayon ay patuloy pa ring umiiwas sa mga sasakyan at sa mga balang muntik ng tatama sa kan'ya.
Nasa huli pa rin ang mga kasamahan ni Hurricane at sila naman ay nagsimula na rin silang magpaputok ng bala at pina-ulanan ng bala ang mga pulis kaya lahat sila ay natumba at naaksidente. Nang mapatumba na nila ang mga pulis na nasa unahan nila ay sunod naman nilang pinunterya ang mga kalaban nilang nagpapaulan ng bala kay Hurricane.
Nang maging libre na ang kalsada at wala na masyadong mga sasakyan ay pinahinaan ni Hurricane ang takbo niya sabay kuha sa mahaba niyang baril at saka ay inabangan ang mga kalaban nilang nagpapa-ulan ng bala sa kan'ya. Nahati naman ang atensyon ng mga kalaban nila kay Hurricane at sa mga kasamahan niya kaya hindi nila alam kung sino ang uunahin, ang bumabaril ba sa kanila o ang taong nasa unahan at inaabangan silang dumaan.
Agad pumwesto si Hurricane sa gitna ng highway at itinagilid niya ang kan'yang motor at nag-posisyon na siya sa kan'yang sarili at sa dala niyang baril at sinimulan na niyang paulanan ng bala ang mga kalaban nilang papalapit na sa pwesto niya.
"7,680... 7,681... 7,682... 83... 85... 90..." Pagkukwenta ni Hurricane sa mga taong napapatumba niya.
Agad inayos ni Hurricane ang pwesto niya at nagsimula na siyang magpatakbo sa motor niya at sinabayan na niya ang mga kasamahan niya. Nakarating silang lahat sa isang abandunadong gusali kung saan ay makakaharap nila ang mga boss ng mga nakalaban nila sa kalsada.
Suot-suot ng 'Ndrangheta ang kani-kanilang maskarang kulay puti at lahat sila ay may suot na kapa at may nakatalukbong na hood sa kani-kanilang ulo. Hindi na makikilala kung sino sa mga taong ito si Hurricane at nagsimula na rin silang pumasok sa gusaling iyon.
Umakyat sila papunta sa ikatlong palapag ng gusali at huminto sila sa harapan ng mga kalaban nila. Isa-isa nilang tiningnan ang mga taong ito at lahat sila ay pamilyar.
"Ace Flavio, Shane Vesaurius, Thaddeus Aerozo, Kingstone Adrianus, Yoshida Daisuku, Travis Hudson, Matthew Mallari, Lorean Silvius, Eunice Treveno, and the behalf of Archilles Riego his right hand, Emmanuel Takashiro. These Mafias..." Bulong na saad ni Hurricane habang isa-isang tiningnan ang mga kalaban nila na nasa harapan nila.
"As far as I know, your group is just a rookie one, mga bagong salta sa mundo ng Mafia, ano ngang pangalan ng grupo ninyo?" Pang-aasar ni Ace Flavio at nagtawanan naman ang mga kasamahan niya.
"Nebuchadnezzar," tugon ni Sphene.
"Oh, Nebuchadnezzar, the King of Babylon, sinong Hari ninyo? Si Nebuchadnezzar na nabaliw ng pitong taon?" Pang-aasar ni Kingstone at humagalpak naman sila ng tawa.
"Gusto niyong kilalanin kung sino ang Hari namin?" Pagbabanta ni Heliodor kaya siniko siya agad ni Sapphire na katabi lang niya.
"Baliw ka ba? Wala sa script natin 'yang ipapakilala si Hurricane," bulong na saway ni Sapphire kay Heliodor.
"Huh? Akala ko ba ipapakilala natin si Hurricane? Kaya nga tayo may dalang mga bulaklak, 'di ba?" Depensa naman ni Heliodor kaya natuon ang atensyon ng ibang mga kalaban sa kanila dahil sa pagtatalo ng dalawang lalaki sa likuran.
"Yes, gusto naming makilala ang cheap ninyong boss, sino ba 'yan at iharap ninyo sa amin," pang-aasar ni Shane at tumawa naman ang mga kasamahan nila.
Nagkatinginan naman si Hurricane at ang mga kasamahan niya sa isa't-isa at tumango si Hurricane bilang hudyat. Sabay-sabay na kinuha nilang lahat ang black bacarra rose at naalerto naman ang mga kalaban nila sa sabay-sabay na paggalaw ng mga kaharap nila, inaakalang kukuha ng armas sa likuran.
Agad napakunot ang noo ni Lorean nang makita niya ang mga bulaklak sa bawat kamay ng kaharap nila.
"Something's wrong, hindi cheap ang boss nila," pabulong na saad ni Lorean kay Eunice.
"What do you mean?" Bulong na tanong ni Eunice sa katabi niya.
"That roses, it's not an ordinary rose, it's a black bacarra rose," pabulong na tugon ni Lorean. Agad itinapon ni Heidi ang bulaklak sa paanan ni Ace at napatingin naman si Ace sa bulaklak na nasa paanan niya.
Agad nanlaki ang mga mata ni Ace nang mapansin niya ang pangalang naka-ukit sa tangkay ng rosas.
"Hurricane..." Pabulong na saad ni Ace at napa-angat ang tingin niya sa mga kalaban niya na nakatayo sa harapan nila.