Nagising ako sa isang himig na kumikiliti sa aking tainga. Pero hindi ito himig na pampatulog, himig ito na pampagising ng diwa ng isang tao. Ngayon ko lang din narinig ang tugtuging ito. Ito ay punong-puno ng galit, pananabik, at nakakasindak ang tugtog. Kanta ito sa piano.
Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at ang liwanag mula sa bintana ang unang bumungad sa akin. Malabo pa ang paningin ko ngunit ang una kong napansin ay ang puting kurtina na nakatabon sa bintana at sa tabi nito ay mayroong isang lalaki na naka-upo sa harapan ng isang puting piano.
Mabilis ang kan'yang mga kamay na nagpipindot sa mga piyesa ng instrumento at punong-puno ng galit ang bawat galaw ng kamay niya, galit, gigil, at pananabik. Si Sir Wild! Siya ang nagpapatutog ng kantang nakakatakot pakinggan pero maganda!
Ramdam ko man ang pagsakit ng aking pagitan nang dahan-dahan akong bumangon mula sa aking hinihigaan, ngunit mas gusto kong puntahan ang lalaking nagpapatugtog ngayon. Kasalukuyang suot ko pala ngayon ay isang puting long sleeve at bukas ang unang dalawang butones nito sa ibaba ng kwelyo, hanggang ibaba lang ito ng aking pwetan kaya kitang-kita ang mahahaba at puti kong mga hita. Dahan-dahan at hinay-hinay kong ibinaba ang aking mga paa sa sahig at dahan-dahang naglakad patungo sa lalaking nagpapatugtog ng piano habang nakapikit ang mga mata at punong-puno ng gigil ang mga kamay habang iginagalaw niya ito sa ibabaw ng mga piyesa.
Habang patuloy kong pinapakinggan ang kanta ay nararamdaman ko ang matinding pagtindig ng aking mga balahibo, nakakatakot pakinggan ang kanta, isang classical music ito, 'yung classical music na fit na fit sa mga villain role sa TV or sa teatro. Nakakatakot man pakinggan ang kanta ngunit nangingibabaw pa rin ang ganda nito.
Nakatayo lang ako sa likuran ni Sir Wild habang pinapanood ko siya na pinanggigigilan ang mga piyesa ng piano niya. Parang kulang na lang ay hahampasin na niya ito ng martilyo dahil sa gigil. Ngayon ko lang din alam na marunong pala siyang magpiano! Ang galing niya! Ang talino pa nga, subrang daming lengguwahe pang alam, mayaman, guwapo, at talentado! Grabe! Na sa kan'ya na talaga ang lahat!
Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na rin siya kaya napalakpak na lang ako nang malakas nang matapos na niyang patugtugin ang kanta. Subrang lapad ng ngiti ko habang patuloy na pinapalakpakan ang lalaki.
"Ang galing! Magaling ka palang magpiano, Sir Wild? Woah!" Namamanghang bati ko sa kan'ya kaya pinihit niya ang kan'yang katawan mula sa harapan ng piano at humarap na siya sa akin ngayon. Napatili na lang ako ng mahina nang hinila niya ako at napakandong ako sa kan'yang hita.
"I told you not to call me Sir Wild if wala tayo sa trabaho, you are in my house, so you should call me Wild, and Daddy in bed, understood?" Pagpapa-alala niya sa akin.
"Oo na, oo na, sorry. Nasanay lang ako," nakangiting surrender ko at hinalikan niya ang gilid ng balikat ko.
"Kamusta ang nararamdaman mo? Still sore? Did I hurt you badly last night, Baby?" Malambing niyang saad pero hindi pa rin mawawala sa boses niya ang lalim nito.
"Oo, masakit pa rin, pero keri ko naman," tugon ko. "Sya nga pala, ano palang kanta 'yung pinapatugtog mo? Nakakatakot at nakakakilabot pakinggan pero maganda pa rin."
"Ah. That's Marche Slave, it was composed by Pyotr Ilyich Tchaikovsky in 1876, one of his famous composition in his time. That song was related to the celebration of Russia's Intervention about the Serbia and Ottoman War. Gusto ko lang ang kanta dahil ang ganda niya pakinggan, parang villain song sa mga classical times, same with Danse Macabre of Camille Saint-Saëns of French in 1874, 'yung palaging pinapatugtog ni Hurricane kapag may mamamatay sa Cyrene," paliwanag niya kaya mas lalo akong namangha sa alam niya.
"Marunong ka rin sa Danse Macabre?" Curious kong tanong kaya ngumiti siya sabay tango.
"Yeah, I know how to play that song well," nakangiting tugon niya.
"Wow! Pero matanong lang, ano ba ang ibig sabihin ng Danse Macabre? Palagi ko 'yang naririnig sa kompanya pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng title niyan," seryosong tanong ko kaya nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ni Wild sa tanong ko at napalunok siya ng laway.
"I'm afraid to say this but since you asked, that song means Dance of Death, it was composed by Camille, and that song was produced because of his experience of his marriage, a marriage that brought a dark period in his life," paliwanag niya kaya namangha pa ako ng husto.
"Pero bakit Danse Macabre ang ginagamit ni Hurricane?" Takang tanong ko kaya bumuntong-hininga siya.
"Well, I guess because of the meaning behind it, that song is associated with death, title pa lang. Kaya siguro niya 'yun ginagamit kasi sa mga araw na pumapatay siya ng tao sa Cyrene ay ginagamit niya ang Danse Macabre dahil sa meaning nito, hindi lang sa history ng kanta kung bakit ito na produced pero dahil sa kung ano ang ibig sabihin ng title nito. Or perhaps, that song is somewhat related to Hurricane's identity, I'm still not sure, kasi 'yung rose na ginagamit niya also represents death," paliwanag niya kaya napa-isip ako sa sagot niya.
"E 'di kung ganoon, ay malalaman na natin kung ano ang totoong pangalan niya!" Natutuwang saad ko dahil may kung anong ideya ang pumasok sa isip ko.
"How do you say so?" Kunot-noong tanong niya dahil parang nahihirapan siyang intindihin ang kung anong pinupunto ko.
"Puwede tayo mag-search online kung anong mga pangalan ang nagsisimbolo ng kamatayan, at baka may mahanap tayo roon!" Paliwanag ko kaya napatawa ng mahina si Wild dahil sa sinabi ko.
"Stella, subrang daming pangalan na nagsisimbolo sa kamatayan, mahihirapan tayo sa paghahanap kung saan sa mga pangalang iyun ang totoong pangalan ni Hurricane," paliwanag niya kaya napabagsak ang balikat ko sa sinabi niya.
Well, tama naman siya, marami ngang pangalan at alam kong mahihirapan kami sa paghahanap kung saan ba sa mga pangalang iyun. May kung anong pumasok sa isip ko kaya bigla na lang lumiwanag ang presensya ng mukha ko.
"Wait, sa huling pinatay ni Hurricane, may natagpuan si Sir Gideon," saad ko kaya seryoso akong tiningnan ni Wild at parang nag-aantay siya sa kung ano ang sasabihin ko.
"Ano ang natagpuan niya?" Tanong niya kaya inalala ko ng maigi ang mga bagay na natagpuan niya.
"Puro numero 'yun, eh. May dalang papel si Sir Gideon at ang papel na 'yun ay may bahid ng dugo ni Rance pero may number 18 na nakasulat doon, 'yung isa pa niyang nakita ay 'yung numerong naka-ukit sa ilalim ng pangalan ni Hurricane sa tangkay ng rosas, anong number nga 'yun? Teka alalahanin ko muna," saad ko at napatigil para mag-isip.
"Uhm..." Pikit-matang saad ko. "7... 6... 7... 8," patuloy ko pa.
"Mayroong letter R tapos may hashtag sa tabi ng R at sa tabi ng hashtag ay ang mga numerong 7678," dugtong ko pa kaya napa-isip din si Wild.
"That's kinda odd, sa mga nakolektang black bacarra roses ko mula kay Hurricane ay walang numerong nakalagay sa ilalim ng pangalan niya, at wala pa akong ibang nakuhang ebidensiya aside sa bulaklak, hindi kagaya sa sinabi mong may natagpuang number 18 si Gideon. Siguro kailangan ko pang maghukay ng malalim tungkol sa nangyayari sa Cyrene, dahil ramdam kong unti-unting may pinapahiwatig si Hurricane, una ay ang video na in-upload, sunod ay ang mga ebidensiyang nakalap, at sa susunod ay hindi pa natin alam kung ano pa ang ilalabas niya," patuloy niyang saad kaya napatango na lang ako.
"Siguro kailangan na muna nating mag-antay sa susunod pang pagpatay niya, pero gusto ko sanang tumulong sa 'yo sa imbestigasyon," suhestyon ko pero agad-agad lang siyang umiling.
"Hindi puwede, delikado ang daang tatahakin ko, Stella, delikado si Hurricane, masyadong delikado ang taong haharapin ko, ayaw kong mapahamak ka, kaya mas mabuting manahimik ka na lang at manatiling bingi at bulag sa nangyayari dahil ayaw kong ikaw ang isusunod ni Hurricane. Hindi ko pa rin alam kung ano ang pinakarason niya kung bakit siya pumapatay ng tao sa Cyrene at idinadamay niya pati ang buong angkan ng biktima niya sa kompanya. Hindi ko alam kung naglalaro lang ba siya, may rason ba siya, o sadyang psychopath lang ang taong 'yun," paliwanag niya kaya napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa gusto niya. Kung ako para sa akin ay mas mabuting manatili na lang, mahal ko ang buhay ko at ayaw ko ring mapahamak.
"So ano ang plano mo ngayon? May plano kana ba?" Tanong ko sa kan'ya at tumango siya.
"Oo, may naisip na akong plano, pero saka ko na sabihin ang plano ko pagkatapos kong gawin ito, ayaw ko lang na may umabala sa akin kaya mas gusto kong sa akin na lang ito," tugon niya kaya tumango ulit ako. Ayaw niya talagang magpa-abala.
"Kung 'yan ang gusto mo, sige susuportahan kita, pero mag-ingat ka, ha? Ikaw na mismo ang nagsabi na delikado ang haharapin mong tao at delikado ang daang tatahakin mo. Sabihan mo lang ako kung maramdaman mong mali na ang nangyayari, manghihingi lang ako ng tulong sa awtoridad," kondisyon ko at tipid lang siyang ngumiti sa akin sabay tango.