Capítulo Cuarenta y Cinco punto dos (45.2)

1484 Words
Flashback. Nagising ako sa isang himig na kumikiliti sa aking tainga. Pero hindi ito himig na pampatulog, himig ito na pampagising ng diwa ng isang tao. Ngayon ko lang din narinig ang tugtuging ito. Ito ay punong-puno ng galit, pananabik, at nakakasindak ang tugtog. Kanta ito sa piano. Unti-unti kong binuksan ang talukap ng aking mga mata at ang liwanag mula sa bintana ang unang bumungad sa akin. Malabo pa ang paningin ko ngunit ang una kong napansin ay ang puting kurtina na nakatabon sa bintana at sa tabi nito ay mayroong isang lalaki na naka-upo sa harapan ng isang puting piano. Mabilis ang kan'yang mga kamay na nagpipindot sa mga piyesa ng instrumento at punong-puno ng galit ang bawat galaw ng kamay niya, galit, gigil, at pananabik. Si Sir Wild! Siya ang nagpapatutog ng kantang nakakatakot pakinggan pero maganda! - "Sya nga pala, ano palang kanta 'yung pinapatugtog mo? Nakakatakot at nakakakilabot pakinggan pero maganda pa rin." "Ah. That's Marche Slave, it was composed by Pyotr Ilyich Tchaikovsky in 1876, one of his famous composition in his time. That song was related to the celebration of Russia's Intervention about the Serbia and Ottoman War. Gusto ko lang ang kanta dahil ang ganda niya pakinggan, parang villain song sa mga classical times, same with Danse Macabre of Camille Saint-Saëns of French in 1874, 'yung palaging pinapatugtog ni Hurricane kapag may mamamatay sa Cyrene," paliwanag niya kaya mas lalo akong namangha sa alam niya. End of Flashback. Kaya pala familiar 'yung kanta! Ang Marche Slave pala ito na una kong narinig mula kay Wild! At ngayon, pinapatugtog ito ni Ma'am Victoria dito sa loob! Curious lang ako, bakit kaya fan na fan si Ma'am V at Wild sa classical music? Marunong si Wild sa pagpapatugtog sa Marche Slave, at ganoon din si Ma'am V! Mahina man ang kanta pero kahit mahina ay ramdam na ramdam ko ang matinding panggigigil ng nagpiano ngayon dahil nakita ko na ito dati kung paano pinipindot ni Wild ang mga piyesa ng instrumento. Ang galing! Subrang talentado nila! Habang ako kahit gitara nga 'di ko alam kung paano, eh! Piano pa kaya na subrang daming pipindutin? Ilang sandali pa ay umalis na rin ako sa opisina ni Ma'am V bago pa matapos ang kanta at baka maabutan niya pa ako rito sa loob. Ligtas naman akong nakarating sa floor namin na walang masamang nangyari. Feel ko kasi ang delikado sa loob ng opisina ni Ma'am V, like kailangan talagang mag-ingat baka may patibong sa loob. |༺☬༻| Kinagabihan. Ilang minuto na lang bago mag-alas siyete pero subrang dami pang gagawin at kailangang tapusin. Matutuloy kasi ang expansion ng Cyrene sa Russia dahil kahapon ay nagkaroon ng deal si Ma'am Victoria at ang Russia at agad pinayagan si Ma'am Victoria na makapasok sa Russia! Kaya nga laking gulat namin nang magkita sila kahapon nong foreign affairs sa Russia at Russian Ambassador at nagka-usap lang sila ng ilang sandali at saka ay nagkapermahan na ng kontrata. Nagulat kami kasi may conflict ang Russia sa ibang bansa sa mundo. Kaso next year pa ang simula ng expansion ng Cyrene kasi marami pang papeles ang kailangang asekasuhin. Habang nagtitipa ako sa laptop ay napatingin ako sa oras na nasa baba ng screen ng laptop. Dalawang minuto na lang bago mag alas siyete, sana naman walang kaguluhang magaganap kasi subrang daming tatapusin namin ngayong gabi, mag-overtime yata kami, eh. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa trabaho ko at ilang sandali pa lang ay napatigil na lang ako sa pagta-trabaho ko nang marinig ko na ang kanta ni Hurricane. Ang Danse Macabre! Ibig sabihin ay nandito pa rin sa Cyrene si Hurricane?! "Oh gosh! Marami pa tayong trabaho! Tapos nakikigulo na naman si Hurricane!" Reklamo ni Natalia kaya napatingin ako sa kan'ya na ngayon ay galit ang mukha habang nagtitipa sa laptop niya. "Kahit naman kailan, Nat, nakikigulo naman talaga siya, naninira nga ng image ng ibang tao para lang hindi siya mahuli, ang kapal nga ng mukha," saad ko naman at napatango naman siya. "Sa true! I agree! Precisely! Indeed! Truth! Very true! Tamang-tama! Saktong-sakto! Walang mali! Totoong-totoo! Walang halong biro! Nesfruta real na real!" Sang-ayon ni Natalia kaya napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya sabay iling. "Baliw, dami mo namang sinasabi tapos iisa lang naman ang ibig-sabihin niyan lahat," iling na saad ko. "Lalabas ka ba?" Tanong ni Natalia at napatigil siya sa pagtitipa sa laptop niya at napalingon sa akin na agad ko naman ikina-iling. "H'wag na tayong lumabas, ang dami pa nating kailangang tapusing trabaho, nandoon naman sina Sir Gideon at Wild para mag-ayos sa problema. Baka nga pupunta lang ang mga 'yun dito para ipaalam kung ano ang nakuha nila ngayong gabi," tugon ko at napatango naman si Natalia sabay thumbs up. "Good decision, mag-antay na lang tayo ng balita," sang-ayon naman niya. Narinig na namin ang kaguluhan sa labas ng opisina, bahala na sila riyan, basta ayaw ko ng lumabas sa opisina. Mga kalahating minuto ang nakalipas at bumukas ang pinto ng opisina namin ni Natalia at saka ay pumasok si Wild na may dalang isang tangkay ng rosas at isang maliit na piraso ng papel. 'Yung tangkay ng rosas ay mayroon pang tumutulong dugo rito at sa mga kamay naman ni Wild ay marami ring bahid ng dugo at ganoon din ang dala-dala niyang maliit na papel. "Ano, Sir? Sino ang namatay?" Agad-agarang tanong ni Natalia nang makarating na si Wild sa pwesto namin. "It's Vincent, Vincent Belamour, binalatan siya sa buong katawan niya na ikinamatay niya, at ito ang nakuha ko mula sa bangkay, number 15, then ika-7,720 na biktima siya ni Hurricane," balita ni Wild kaya napatakip na lang ako sa bibig ko, mabuti na lang talaga at hindi kami lumabas sa opisina, baka babaliktad na naman ang sikmura ko sa masasaksihan ko. "What the... Binalatan?! As in?!" Hindi makapaniwalang saad ni Natalia at tumango ng isang beses si Wild. "Mabuti na lang talaga at hindi tayo lumabas kanina," saad ko kay Natalia at napatango siya at kitang-kita ko ang nanginginig na ekspresyon sa kan'yang mukha. |༺☬༻| General POV Kasalukuyang nasa isang malawak na silid sila Ace at ng mga kasamahan niya, kausap nila ang mga 'Ndrangheta, kompleto silang labing-apat doon. "Hindi pa rin ba nakalabas ang Boss ninyo sa kulungan?" Tanong ni Shane kay Krypton. "He's still in jail, wala siya rito sa Pilipinas dahil nakakulong siya ngayon sa isang mahigpit na kulungan sa Russia," tugon ni Krypton kaya napatango naman si Shane. "Well then, sino ba ang boss ninyo?" Nakataas na kilay na tanong ni Kingstone kaya napatawa ng mahina si Daniella sa tanong ng lalaki. "Bakit naman namin sasabihin kung sino siya? Ayaw niyang ipa-alam sa ibang tao na siya ang Boss ng 'Ndrangheta, dahil baka magiging delikado ang buhay niya," natatawang tugon ni Daniella kaya napabuntong-hininga naman si Ace. "Nasa kulungan na siya, his life is in danger now, gusto lang naman naming kilalanin ang boss ng 'Ndrangheta," saad naman ni Ace. "Saka na kapag makakalabas siya sa kulungan, ipapakilala namin siya sa inyo ng harap-harapan," saad naman ni Heidi. "Actually, kilala niyo na siya or nakita niyo na siya sa personal," saad naman ni Trixo kaya napakunot ang noo ni Matthew at Travis sa sinabi ng lalaki sa kanila. "We met? When?" Kunot-noong tanong ni Matthew at tumango naman si Trixo sabay bilang niya sa kan'yang mga daliri. "Ang pinaka-recent na nagmeet kayo ay noong March 9 last month," nakangiting saad ni Trixo kaya nagkatinginan sa isa't-isa sila Ace at ng mga kasamahan niya. "That was the event of Cyrene, 'yung proposal sa Cy-Collagen, am I right?" Pagkaklaro ni Travis at tumango ulit si Trixo. "Exactly! That day!" Saad naman ni Aestherielle at pumitik siya sa kan'yang mga daliri. "Hindi ba following day ay ang pagkamatay ni Lara Averilla? Exactly March 10 at 12 AM," bulong ni Lorean kay Eunice at napatango naman si Eunice sa sinabi ng katabi niya. "Ms. Silvius! Ms. Silvius!" Sunod-sunod na tawag ni Aira, ang right hand ni Eunice, kay Lorean. "Why, Aira?" Kunot-noong tanong ni Lorean nang makita niya ang pagmamadali ni Aira na lumapit sa kan'ya. "May balita po kami tungkol sa inyo," saad ni Aira at saka ay bumulong siya sa babae. Napakuyom ang mga kamao ni Lorean nang marinig niya ang sinabi ni Aira. "Kailan pa?" Kunot-noong tanong ni Lorean at punong-puno ng pangigigil ang kan'yang boses. "Kaninang alas siyete pa po ng gabi," tugon ni Aira kaya napatingin si Lorean sa wrist watch niya. "1 hour ago..." Bulong niyang saad at napatingin siya sa mga kasamahan niya sa loob na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa kan'ya. "Why, Lorean? What happened?" Kunot-noong tanong ni Yoshida. "Si Vincent Belamour, my right hand, he was killed 1 hour ago," mariing tugon ni Lorean at unti-unting namumuo ang mga luha sa kan'yang mga mata hanggang sa nagpapaunahan na ito sa pagtulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD