Capítulo Veintisiete punto dos (27.2)

1717 Words
|༺☬༻| Nagising ulit ako nang maramdaman kong may humihipo sa aking noo at humahalik sa aking labi. Pagmulat ko ng mga mata ay mukha agad ni Sir Wild ang bumungad sa akin. Nakangiti ang kan'yang labi ngunit kabaliktaran naman ang emosyong nakikita ko sa kan'yang mga mata dahil binabalutan na naman ito ng misteryo. "S-Sir Wild," bungad ko at ngumiti sa kan'ya. "Good morning, gorgeous lady. Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin. "Good morning? Umaga ba?" Takang saad ko at napatingin sa bintana at napagtanto kong umaga nga. "Anong oras na ba?" Saad ko at nahihirapan pa ring bumangon, mabuti na lang at inalalayan ako ni Sir Wild sa pagbangon. "It's 9 am, Stella, have a breakfast na, buong araw kang walang kain kahapon," saad niya na ikinagulat ko, ano?! Akala ko 'yung pagkagising ko ay kanina lang pero kahapon na pala 'yun? Grabe! Ang haba ng tulog ko dahil sa subrang pagod ng katawan ko. "Bakit mo kasi binugbog ng husto ang katawan ko, eh? Ayan tuloy, hindi na ako nakakain buong araw kahapon," pagmamaktol ko at ngumuso pero natawa lang siya at piningot ang ilong ko. "Silly girl, 'di ba nagpromise ako sa 'yo na hindi kita papalakarin kinabukasan? So that's it!" Proud pa niyang sabi kaya inirapan ko lang siya at ngumuso ulit. "Eh! Ang sakit-sakit ng katawan ko, eh!" Nakangusong saad ko. "Okay, okay, hindi ko na ulit gagawin 'yan, well, depende. How's your body? Masakit pa rin ba?" Tanong niya sa akin habang hinihipo ang ibabaw ng ulo ko. "Oo, pero hindi na ito katulad kahapon na hindi ko kayang bumangon, pero ngayon nararamdaman ko na ang katawan ko at kaya ko na ring igalaw ng pakunti-kunti," tugon ko naman at napatango-tango naman siya. "Good to know that, kumain ka muna, nagluto ako ng maraming pagkain para sa 'yo. Then, after mong kumain, papaliguan kita, okay?" Saad niya at tumango naman ako kaya kinuha niya ang tray na may lamang pagkain at saka ay sinubuan niya ako. |༺☬༻| Kasalukuyan ako ngayong nasa cr habang pinapaliguan ni Sir Wild. Nakatingin ako sa katawan ko na maraming namumuong pula at blood clots, at pinapalibutan pala ako ng maraming chikinini. Parang nawala ang init sa aking katawan at masangsang at kakaibang amoy sa katawan ko na dulot ng s-x nang sinabunan na ako ni Sir Wild. Nakatingin ako sa kan'ya ngayon habang seryoso niyang hinahaplos ang kan'yang malapad at magaspang na palad sa aking balat at punong-puno ito ng maraming bula ng sabon. "Masakit pa rin ba ang katawan mo?" Tanong niya sabay angat ng tingin sa akin kaya tumango ako bilang tugon. "Sige, later, bibilhan kita ng pain killer para hindi mo na masyadong maramdaman ng sakit, okay?" Saad niya at tumango ulit ako. Itinuon niya ulit ang atensyon niya sa aking hita habang marahan niyang hinahaplos ang palad niya roon na may kasamang bula. "Tomorrow, kapag maayos na ang katawan mo, bumalik ka ulit sa work, hinahanap kana ni Natalia roon, miss na miss kana niya," saad niya kaya naramdaman ko ang pangungulila ko sa kaibigan ko. Ilang araw na kaming hindi nagkita, miss ko na rin siya. "Gusto ko sanang bumalik pero natatakot na akong bumalik sa Cyrene, Sir, natatakot ako para sa seguridad ko roon, natatakot ako kay Hurricane, siya ang pinakadahilan ko kaya nagdadalawang-isip akong bumalik ulit," paliwanag ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya at napa-angat ang tingin sa akin at kumunot ang noo. "Hindi ba sabi ko na poprotektahan kita lalong-lalo na sa kan'ya? Na hindi ko hahayaan na masaktan ka niya? At matagal ko ng planong hulihin si Hurricane pero hindi ko magawa, at isa pa, hindi ko pa siya nakikita simula noon," depensa naman niya at ibinalik ulit ang atensyon sa pagsasabon sa binti ko. What if tama ang hinala ko kung sino si Hurricane? What if si Hurricane at si Sir Wild ay iisa? Paano mo mapo-protektahan ang sarili ko kung ikaw mismo siya? Kung ikaw mismo ang dapat kong layuan? "Gagawin mo talaga 'yan? Hindi mo ako hahayaang saktan ni Hurricane?" Paninigurado ko kaya inangat niya ulit ang tingin sa akin at ngumiti. "Of course! I'll protect you," nakangiting saad niya pero kabaliktaran ang nasa mga mata niya, wala itong emosyon, puno ito ng sekreto at misteryo. Maniniwala na sana ako, pero paano ako maniniwala sa 'yo kung ikaw mismo ang pinaghihinalaan ng utak ko kahit ayaw makinig ng puso ko? Dahil palaging isinisigaw ng puso ko na mahal kita? Ngunit kabaliktaran naman ang nasa isip ko? At palaging sinisigaw nito ay layuan ka dahil mapanganib ka para sa akin? Na ikaw ang pinaghihinalaan ng utak ko na ikaw at si Hurricane ay iisa? |༺☬༻| "O M G! You're back! Grabe na-miss kitang bruha ka!" Tiling bati ni Natalia sa akin at dinaluhan niya agad ako ng mahigpit na yakap. Sinakop agad ako ng amoy niya na namiss ko talaga, amoy sweet vanilla. "Namiss din kita!" Masayang saad ko habang hinahaplos ang likod niya at saka ay naghiwalay ulit kami ng yakapan. Punong-puno ng pangungulila, tuwa, at sabik ang nakikita ko sa kulay tsokolate niyang mga mata. "I told her that you miss her, that's bumalik siya rito," boses ni Sir Wild na nasa likuran ko ang umagaw sa atensyon namin ni Natalia. "Wow, hindi mo talaga ako matiis babae ka, 'no? Love na love mo talaga ako," natatawang saad ni Natalia habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata habang pilit na nilalayo ang daliri niya sa tagiliran ko. "Kadiri ka, manahimik ka nga," pagpapatigil ko sa kan'ya kaya tumigil siya sa panunukso sa akin. "Aray, ouch, saklap, pighati, pain, grabe ka naman, Stella, naging magjowa na kayo ng magaling mong boss, pinandidirihan mo na ako," nakangusong saad niya at nag-cross arm kaya taka naman akong tumingin sa kan'ya. "Paano mo nalaman na kami na?" Takang tanong ko sa kan'ya habang nakakunot ang noo ko at seryoso ko siyang tiningnan. "Malamang, Madam, pinagsisigawan ka kaya ni Sir sa buong mundo. I love you, Stella! Ganu'n! Grabe!" Hindi makapaniwalang saad niya at pumalakpak pa. "Ha? Pinagsasabi mo?" Takang tanong ko pa rin at seryoso ko pa rin siyang tiningnan na natutuwa pa ang pagmumukha niya. "Madam, nag-viral sa lahat ng social media platform ang proposal ni Sir Wild sa 'yo, alam mo bang umabot sa bilyon-bilyong views ang viral video na 'yun?" Paliwanag niya kaya nagulat ako, so naka live stream nga 'yung nakapag video sa amin? "Sikat ka na, Madam! Grabe! Kilalang-kilala kana ng buong mundo!" Natutuwang saad ni Natalia at kinikilig pa. "H-Hindi ko alam na sikat na pala ako, ilang araw na kasi akong hindi nakapag-check sa social media accounts ko simula sa gabing 'yun, eh," kamot-ulong saad ko. "Duh, ang hina naman ng internet mo at hindi ka nakapag-open sa social media mo, check mo dali, sandamakmak na ang followers mo sa lahat ng social media accounts mo," saad niya kaya kinuha ko ang phone ko na nasa bag ko. Kung alam mo lang ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-open sa social media ko, Natalia, siguro maiintindihan mo ako. Pero hindi ko p'wedeng sabihin, secret lang muna sa amin 'yun ng magaling kong boss. Binuksan ko na ang isang social media account ko at binaha agad ako ng maraming followers at friend request, umabot na sa isang milyon ang followers ko sa platform na ito kaya nagtungo pa ako sa isa ko pang social media platform at ganoon din! Kahit saang social media accounts ko ay binabaha ako ng maraming followers at friend request at mga messages at notifications! Grabe! |༺☬༻| "Launch na pala bukas ng Cy-Collagen? March 17, 'di ba?" Tanong ko kay Natalia habang nakatingin sa laptop ko at binabasa ang report tungkol sa launch ng Cy-Collagen bukas, ito 'yung gamot na sinasabi ni Ma'am Victoria noong March 10. "Oo nga, eh, kaya mabu-busy tayo nito bukas, mabuti na lang talaga at nakabalik ka kaagad bago i-market ang gamot," tugon ni Natalia kaya napatingin ako sa kan'ya habang tutok na tutok naman ang mga mata niya sa laptop. "Oo nga, 'no? One of the biggest project pa naman ng Cyrene itong launching ng Cy-Collagen, sana maging mabuti lang ang market flow nito," saad ko napabuntong-hininga at ibinalik ko ang tingin sa screen ng laptop. May event na gaganapin bukas para sa opening at launching ng Cy-Collagen, kaya excited na rin ako sa bagong ilalabas na produkto ng Cyrene! Alam kong mataas ang market demand nito dahil sa ganda ng produkto. |༺☬༻| Kinabukasan. "Let's welcome our new product, Cy-Collagen! This product is now available in every pharmacy worldwide," natutuwang saad ni Ma'am Victoria at saka ay kinuha ang gunting at nag-red ribbon cutting na sila kasama si Sir Wild, Sir Gideon, ang President ng Cyrene Pharmaceutical, at ang Head ng Production Team nito. Nagpalakpakan naman kami sa ganap ngayon habang malapad na nakangiti ang team at si Ma'am Victoria sa mga camera at dala-dala niya ang pulang ribbon na pinutol nila. |༺☬༻| General POV "Launching of Cy-Collagen, nice one, Victoria," natutuwang saad ni Travis at humithit sa sigarilyo niya habang natutuwang nakatingin sa live streaming ng event na nasa tv. "So? Kamusta na rin ang Cy-Collagen 2.0 mo, Mr. Hudson?" Nakangiting tanong ni Yoshida sa lalaki at uminom ng red wine. Napatingin si Travis sa kan'ya at malapad na ngumiti. "Na-smuggle ko na sa lahat ng pharmacy sa buong mundo, at alam kong hindi nila ito mapapansin dahil parehong-pareho ang packaging, ang design, ang mukha, at mga nakasulat sa produkto natin at produkto ng Cyrene. So, the possibility is, may mga customers na makaka-inom sa fake Cy-Collagen at mabibiktima rito at may mga customers din na makaka-inom sa totoong Cy-Collagen at magiging maganda ang katawan nila, and I can't wait to witness the protest ng ibang customer at ang pagbagsak ng market demand ng Cy-Collagen after 24 hours starting now," nakangiting paliwanag ni Travis kaya napalakpak naman ang mga kasamahan nila sa kan'ya. "I can't wait, magpapa-party talaga ako bukas na bukas if lalabas na ang result ng ibang customers na makaka-inom sa fake Cy-Collagen," saad naman ni Ace at sumimsim sa alak niya. "Cheers everyone for the upcoming downfall of Cyrene! Cheers!" Saad ni Kingstone at itinaas ang baso ng alak niya. "Cheers for the downfall!" Sabay na saad naman ng lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD