Capítulo Nueve punto uno (9.1)

1445 Words
"Let's go home," malamig na saad ni Sir Wild sabay hablot niya sa kamay ko gamit ang malapad at magaspang niyang palad kaya napatayo ako nang hatakin niya ako. "Pero, Sir, umiinom pa ako rito," nalalasing na saad ko. "Ilang ulit ko bang sabihin sa 'yo na hindi ka p'wedeng iinom kung may trabaho ka kinabukasan?!" Nakakunot-noong saad niya. "Akala ko ayaw mo na ako papasukin ulit sa work?" Takang tanong ko at nahihilo ko siyang tiningnan at bigla na lang bumaliktad ang sikmura ko at napasuka ako sa dibdib ni Sir Wild. "Otvratitelno, Blondie! (Disgusting)" Nakangiwing saad ni Sir Wild habang takip-takip ang ilong niya. "Anong alien language na naman ba 'yang sinasabi ninyo, Sir?" Nahihilong tanong ko at ngumiti sa kan'ya. "That's Bulgarian, Blondie, h'wag mo na alamin," malamig na tugon niya at agad niya akong binuhat at isinampa sa balikat niya. Parang umakyat ang dugo ko papunta sa ulo ko dahil sa posisyon ko ngayon pero nahihilo pa rin ako kaya natulog na lang ako habang nakasampa ako sa malapad at matipunong balikat ni Sir Wild. |༺☬༻| Kinabukasan. Sumasakit ang ulo kong bumangon mula sa higaan. Grabe! Parang sasabog na itong sakit sa ulo ko! Biglang bumukas ang pinto ng apartment ko at pumasok doon si Manang Loleng, 'yung landlady ng building na ito at may dalang kape. "Oh ito, Hija, inumin mo muna 'tong kape mo para mahimasmasan ka naman d'yan sa hangover mo," saad ni Manang sa akin sabay lapag sa tasa na may kape sa bedside table ko. "Hinatid ka ng asawa mo rito kagabi at naliligo sa suka mo, punong-puno pa nga ng suka mo 'yung likod niya," balita ni Manang sa akin habang hinihigop ang mapait na kape kaya nasamid ako dahil doon. "Teka, dahan-dahan, baka mapaso ka," puno ng pag-alalang saad niya. "Po? Teka, wala po akong asawa, hindi ko po asawa si Sir Wild," depensa ko. "Ha? Eh, sabi niya sa akin pagdating dito na 'please, take care of my wife', sinabi niyang "wife" kaya asawa ka niya," saad ni Manang sa akin. "Baka nagbibiro lang po siya, Manang. Wala po kaming relasyon ni Sir Wild, ano lang..." Pabiting saad ko at biglang naalala ang mainit na gabing pinagsaluhan namin ng Boss ko at 'yung pagsagip niya sa akin mula sa muntik manggahasa sa akin. Teka, oo nga, 'no? Pumatay siya ng tao sa gabing 'yun. Hindi ko alam na kaya niya palang pumatay ng tao... "Anong ano lang, Stella?" Agaw ni Manang sa atensyon ko mula sa iniisip ko. Hindi sumagi sa isip ko ang nangyari sa gabing 'yun sa ilalim ng ulan, ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay ang mainit na gabing pinagsasaluhan namin ni Sir Wild. "Po?" Naguguluhang tanong ko. "Anong relasyon ang mayroon sa inyo ng lalaking 'yun?" Pagka-klaro niya sa tanong niya. "Uhm, Boss-Secretary, ganoon lang naman ang relasyon namin, walang labis walang kulang," saad ko at pumasok ulit sa ala-ala ko ang nangyaring iyun. |༺☬༻| Pumasok na ako sa trabaho at tulalang pinagmasdan ang laptop ko. Kalahating oras ko na itong tinitigan at wala pa akong sinisimulang trabaho. "Hoy, anong nangyari sa 'yo, Madam?" Kalabit ni Natalia sa akin at nabalik ako sa ulirat mula sa malalim kong iniisip. "Matanong lang kita, Nat, kung nagawa na ba ng isang tao ang pumatay ng kapuwa, may posibilidad ba na makakapatay siya ulit?" Takang tanong ko sa kaibigan ko. "Hm... Depende lang naman 'yan sa tao, kung hindi niya sinadya ang pagpatay na 'yun at pinagsisihan niya ang ginawa niya, alam nating hindi na siya uulit, pero kung parang wala lang sa kan'ya ang ginawa niya at walang katiting na konsensya ang sumagi sa mata, isip, at mukha niya, malaking posibilidad pa na gagawa siya ulit sa bagay na 'yun, bakit mo natanong?" Takang tanong niya sa akin. "Wala, wala, out of curiosity lang... Out of curiosity daw? Luh!" Natatawang saad ko dahil sa english na sinasabi ko na ikinatawa naman ng kaibigan ko. "Naks naman, Stella, gumagaling sa english, ah," panunukso niya sa akin at proud na proud naman ako sa sarili ko dahil sa sinabi ko. Pero sa totoo lang, balik tayo sa iniisip ko, base sa sinabi ni Natalia ay depende lang daw 'yan sa tao, pero sa nakikita kong mukha ni Sir Wild sa gabing 'yun kahit medyo malabo ang paningin ko dahil nahihilo ako sa suntok na natamo ko at saka ay dahil sa ulan, pero nakita ko pa rin sa mukha niyang walang bahid ng konsensya at puno lang ng yamot at galit ang nakita ko sa bughaw niyang mga mata. Hindi ba kaya ay siya talaga si Hurricane? Kasi 'di ba, si Hurricane ay pumapatay siya ng tao, tapos ginagahasa niya ang mga kababaihang pinapatay niya, tapos duda rin ng karamihan dito sa kompanya na maliban kay Ma'am Victoria ay pinagdududahan din nila si Sir Wild, lalo na't kasabay lang daw sila ni Ma'am Victoria na dumating dito sa Cyrene, tapos dumating din daw si Hurricane dito nung dumating silang dalawa rito. Ewan ko ba, ang gulo isipin. Kanina ko pa talaga 'yan pinag-iisipan. Pero may posibilidad. Pero p'wede ring si Ma'am Victoria si Hurricane kasi hindi rin siya nangingi-alam sa gulong dinadala ni Hurricane dito at ayaw niya rawng ipa-report sa mga police ang nangyari kasi iniisip niya ang reputasyon ng kompanya lalo na sa pangalang inaalagaan niya. What if magkasabwat talaga silang dalawa ni Sir Wild? Kasi hinala rin namin ay hindi lang nag-iisa si Hurricane sa gawaing ito. Pero hangga't wala pa kaming proof na gagamiting ipanglaban namin sa kanila ay mananatili pa ring mesteryo ang taong tinatawag nilang Hurricane. At kung walang maglalakas-loob na halungkatin at harapin si Hurricane na magiging ligtas mula sa kamay niya pagkatapos, makikilala na ng lahat kung sino ba itong si Hurricane at kung ano ba ang mukha niya. Pero what if... si Sir Wild talaga si Hurricane? Sa iisiping iyan ay natatakot na akong alamin kung sino ba talaga si Hurricane at baka sa huli ay malalaman ko na lang na si Sir Wild pala ang taong 'yun. Natatakot na ako lalo na't ngayon ay unti-unti ko na siyang nagugustuhan kahit ganoon ang trato niya sa akin. |༺☬༻| Lunch break na. Pinindot ni Natalia ang button ng elevator at ilang saglit pa ay bumukas na ito. Pagbukas ng pinto ay parang nanigas ang tuhod ko nang makita ko ang isang babaeng nakatayo roon at matalim ang tingin sa akin. "Good afternoon, Ma'am Victoria!" Maligayang bati ni Natalia sa CEO at pumasok na sa loob ng elevator habang ako ay nanginginig na tinitigan si Ma'am Victoria. Bakit everytime na nakikita ko siyang galit lalo na kung ganito siya makatingin sa akin ay kinakabahan ako? "Papasok ka ba, Stella, o hindi?!" Galit na saad ni Ma'am sa akin kaya nabalik ako sa realidad kakatitig sa kan'ya. "Papasok po siya, Ma'am," nakangiting saad ni Natalia at hinatak na niya ako papasok sa elevator. Nakaramdam ako ng awkward sa pagitan namin ni Ma'am Victoria lalo na't magkatabi kami ngayong nakatayo sa elevator. "G-Good after—" "Shut your mouth," putol ni Ma'am Victoria sa bati ko sa kan'ya kaya naitikom ko agad ang bibig ko at siniko lang ako ni Natalia. Ako ang nasa gitna ng dalawang babae. "So? Bumalik kana pala sa work mo? I thought kinaladkad kana ni Wild paalis dito?" Paninimula ni Ma'am Victoria sa katahimikang bumabalot sa aming tatlo rito sa loob ng elevator. "B-Binalik niya po ako," mahinang tugon ko at yumuko. Hindi ko talaga siya kayang tingnan, kagaya kay Sir Wild, naninindig din ang balahibo ko kung tingnan ko si Ma'am. "Ano bang mayroon sa 'yo at ikaw ang pinili ni Wild? Oo, maganda ka nga, you are way more prettier than other applicants, you have the height also, pero ang wala lang sa 'yo ay utak, that's why I wonder..." Pang-aasar ni Ma'am Victoria sa akin at nanatili pa rin akong nakayuko. "If I were you, you'll leave this company, dahil mayroon pang mas deserving na mga applicants kaysa sa 'yo, pinapahiya mo lang si Wild at sinisira mo ang spotlight niya sa harap ng maraming tao," patuloy na litanya niya at saka ay bumukas na ang pinto ng elevator at nauna na siyang umalis at naiwan kaming dalawa rito ni Natalia sa loob. Nasa 1st Floor na kami ng building kung nasaan ang buong cafeteria ng Headquarter. Nag-uunahang nagbagsakan ang luha kong kanina ko pa pinipigilan at napasapo ako sa mukha ko. Naramdaman ko ang magaang palad ni Natalia sa likod ko, "H'wag mo na intindihin 'yung sinasabi ni Ma'am Victoria sa 'yo, baka naiinggit lang siya sa 'yo dahil mas maganda ka pa sa kan'ya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD