WAKAS

2591 Words
"VIEL, anong nangyayari?" gulantang na tanong ni Summer habang naguguluhang nakatitig kay Viel. Mahigpit na hinawakan nito ang dalawang kamay niya, "Just answer me, Will you run away with me?" muling tanong ng binata. Hindi niya malaman kung ano ang dapat isagot. Patuloy ang pagkalampag sa pinto mula sa labas kaya't natataranta siya at hindi makapag-isip ng maayos. "I-I can't. Hindi ako pwedeng umalis sa La Trinidad." nauutal na tugon niya saka binawi ang kanyang mga kamay. "Why? You want me to say with you, right? And I did! Kung hindi ka sasama sa'kin palayo, I'm afraid I cannot be with you!" mapait na usal nito at itinuro ang pinto na patuloy pa rin sa pagkalampag. "Out there, was my father. Pumunta siya para pabalikin ako sa Maynila at pilitin akong kumuha ng board-exam. And you know what more can he do? Kaya niya 'kong pigilan na makabalik dito once na tumapak ako paalis!" halos pasigaw na saad ni Viel. Putting all his frustrations in his fingers and running it through his hair. "Did you get it? I might not see you again! Knowing you, alam kong hindi ka magdadalawang isip na bitawan ang lahat nararamdaman mo, just to find comfort in this place----in the world where you locked yourself into." Kasabay ng pagtarak ng mga katagang 'yon sa puso ni Summer ay awtomatikong humampas ang kanyang palad sa pisngi ng binata. Tumulo ang mga luhang ni hindi niya namalayang kanina pa pala namumuo sa kanyang mga mata. Kahit kailan, hindi pa niya nararanasan ang ganitong klase ng emosyon. It feels like, handang-handa nang sumabog ang lahat sa dibdib niya. "Akala ko kilala mo talaga ako Vincel---but I guess I was wrong." matigas niyang pahayag habang pinupunasan ang mga luha niya na walang humpay na dumadaloy pababa sa kanyang pisngi. "Oo, kinulong ko ang sarili ko dito. Tinanggap kita sa pag-aakalang naiintidihan mo 'ko, but I guess I was wrong again! Ano bang akala mo sa'kin? Bato?" may pagkasarkastikong tanong niya. Parang tuod lang na nakatitig sa kanya si Viel at hindi nagsasalita kaya't lalo sumidhi ang emosyong umaapaw na sa kaniyang dibdib. "Nasasaktan din ako! Hindi ako makapaniwalang ikaw pa ang unang nag-suggest sa'kin ng ideyang bitiwan ang lahat! There you have it!" Tumalikod si Summer at sinapo ang kanyang dibdib na napakalakas pa rin ang kabog. Pilitin man niyang ikubli ang mga luha ay lalo lang itong bumabagsak. "Hanggang dito na lang ba, Summer? Kaya kitang ipaglaban---Just say yes." pagmamakaawa nito at niyakap siya ng mahigpit mula sa likuran. "Come with me." Gusto niyang isiping panaginip lang ang lahat. Hindi siya makapaniwalang matatapos ng ganito kabilis ang kahibangang inakala niyang magpapabago sa pagtingin niya sa mundo. He showed her how beautiful the world is, something she had never experienced before. "I'm sorry, Viel. Hindi ko kaya." sagot niya sabay sa pagkagat ng kaniyang mga labi upang pigilin ang tuluyan niyang paghagulgol. Unti-unting bumitaw ang binata mula sa pagkakayakap sa kanya. Hindi man ito nagsasalita ay ramdam niya ang sakit na nadarama nito ngayon. She just rejected him indirectly. Sunod niyang narinig ang mga yabag nito papunta sa pintuan. Ang mga yabag na bumabaon sa kanyang puso at maaaring maging mga huling tunog na maririnig niyang manggagaling mula sa binata. "MABUTI NAMAN at lumabas ka na Viel. Bumalik ka na sa mansyon at aalis ka na dito sa La Trinidad!" pambungad ng ama ni Viel na si Anthony pagkalabas na pagkalabas niya sa pintuan. Hindi siya umimik, ni hindi siya huminto sa harapan nito at dumaan lang na parang walang nakita. Naroon din sina Don Alejandro, Jella, Rafael at Jems pero nilagpasan niya lang silang lahat. Tanging hapdi at sakit lang ang nangingibabaw sa kanya ngayon. Wala siyang naririnig o nakikita kaya't patuloy lang siya sa paglalakad. He suddenly felt stupid. Itinulak niya si Summer sa sitwasyon na hindi naman dapat nilang kahatungan samantalang nangako pa naman siyang hindi niya pipilitin ang dalaga sa mga bagay na hindi nito gustong gawin. "Viel! Comeback here!" malakas at may awtoridad na singhal ng ama niya sa gitna ng paglalakad niya sa kawalan. Huminto siya ngunit hindi niya pa rin ito hinarap. Maya-maya'y naramdaman niya na ang malakas na pagtapik nito sa kanyang balikat. "What has gotten into you, Son? Ano bang nangyayari sa'yo?" may guhit ng pag-alala ang tono nito. Huminga ng malalim si Viel bago sumagot at harapin ang ama. "Dad. Please, umuwi na kayo ni Mell sa Manila." matipid na pakiusap niya. "What? Quit goofing around, Vincel! Sasama ka sa'min pauwi ng maynila, whether you like it or not---" "Dad! Stop it!" pasigaw na usal niya at agad na natigilan ito. "Buong buhay ko, ikaw na ang nasunod. This time, pagbigyan n'yo naman ako. Susunod ako pabalik sa Maynila, I promise. Give me some time, I just can't leave like this." pagsusumamo niya. "What for? Ano bang hindi mo maiwan-iwanan dito? Si Anna? Ang kapatid ng ex mo? For heaven's sake, wake up! Your future is in Manila!" dismayadong bulaslas ni Anthony. "You're wrong Dad. My future is her, and before I chase over that damn destiny you want me to chase---hayaan ninyo ko." matigas niyang paninindigan. "Hindi ako katulad niyo, isinuko mo si Mama for your so-called future. I won't do that to Summer." Nagmartsa palayo si Viel at iniwan ang kanyang amang binabalakas ang mga katagang kanyang iniwan. Determinado na siya. Kung kinakailangan niyang makipag-bunong braso at labananan sa tadhana ay gagawin niya. BUONG ARAW na nagkulong sa kwarto sa mansyon si Summer. Basang-basa ng luha ang unan niya at nakataklob ang buong katawan ng kumot. Hindi rin siya kumain ng tanghalian o kahit anong miryendang inihahatid sa kanya ng mga katulong sa mansyon. Batid niyang kahit anong oras ngayon o mapa-bukas ay lilisanin na ni Viel ang farm. Sigurdo siyang hinding-hindi na ito magbabalik at magpapakita pa sa kanya. Iniwan niya ito sa ere, matapos ng lahat ng sayang dinulot nito sa kanyang puso'y basta-basta na lang pala niyang pakakawalan ang lahat. Bunga ng pagiging makasarili at takot sa mundong kakaiba sa lugar na pinagkulungan niya sa sarili, binitawan niya ang kaligahayang minsan lang dadating sa buhay niya.Muli siyang napahikbi sa ideyang 'yon kaya't mas minabuti niyang ibaon sa unan ang kanyang mukha. "Pare, saan ka pupunta?" narinig niya ang tinig ni Rafael mula sa sala. Palibhasa'y malapit doon ang kwarto niya kaya't dinig ang lakas ng boses ng pinsan niya. "Nakauwi na sila Mell at Tito Tony, susunod ka na rin ba pabalik sa Maynila?" "Sa bayan 'pre. Magpapa-book ako sa bus." tinig 'yon ni Viel, nakakasigurado siya. Nagtataka siya kung bakit malakas ang boses ng mga ito samantalang alam naman ng mga ito na nasa kabilang sulok lang ang kwarto niya. Nananadya kaya ang dalawa? Ngunit kung ano mang hinala ang namumuo sa kanyang isipan ay napawi ng kyuryusidad. Bago niya pa napagtanto ay nakatayo na pala siya sa harapan ng pintuan, nakalapat ang kanyang tenga at pinakikinggan ang usapan ng dalawa. "Magco-commute ka? Ipapahatid na lang kita sa driver namin." prisinta ni Rafael. "Huwag na pare, ayoko na makaabala." tanggi ni Viel. "Wala talagang atrasan 'yan pare? Pa'no na yung kay Summer?" "I don't know." Malungkot na sagot nito. Tatlong kataga lang ang mga 'yon ngunit malalim ang ibinaon nito sa kanyang damdamin. Nanghina ang mga tuhod niya at muling tinungo ang higaan. Niyakap niyang muli ang kanyang unan at nagpaka-sadlak sa kalungkutang siya naman ang may gusto. She deserves it. All the pain and misery----kulang pa para sa ginawa niya. NAGMADALING HINILA ni Rafael papunta sa balkonahe si Viel palayo sa sala. Sinadya nilang lakasan ang usapan para makasiguradong maririnig ito ng ni Summer. Planado ang lahat ng pag-uusap nila hanggang sa iba ang isinagot ni Viel sa huling tanong ni Rafael. "Pare! Bakit naman iba isinagot mo? Hindi ba may plano na tayo?" inis na tanong nito sa binata habang nagkakamot ng ulo. "Ang labo mo naman!" Napailing lang siya at nagbuntong-hininga. "Ayoko na lokohin siya. Hindi ko naman na talaga alam ang gagawin ko." Pag-amin niya, "Pero hinding-hindi ko siya pipilitin. Ayokong gawin niya ang mga bagay na hindi naman niya kayang panindigan. This serves me right for interfering with her life." "So, sa tingin mo matatauhan siya at pipigilan ka niya? 'Yon ba?" pamimilosopo ng kaibigan. "I really hope so. But if not, we'll see about that." May ngiting puminta sa kanyang labi at nagpapaanyaya ng misteryo kay Rafael. "What do you mean? Anong balak mo?" nagtatakang tanong nito ngunit hindi na niya ito sinagot. Tinalikuran niya na ito at naglakad paalis ng balkonahe. | "Hoy, pareeeeeeeeee! Ano 'nga yun?" pahabol na sigaw pa nito at sinundan siya palabas. MULA SA BINTANA natanaw ni Summer ang pag-alis ng kotseng maghahatid kay Viel sa bayan upang magpa-book sa isang bus station. Liblib kasi ang farm nila kaya't walang establishimentong makikita sa paligid, malayong-malayo sa kinaginan ng binta. Lalo tuloy nabubuo ang tiwala niya sa kanyang desisyon na pakawalan ito. Tama sila, nasa Maynila ang kinabukasan nito. Walang mapapala si Viel sa isang babaeng takot kumawala sa realidad ng buhay. He deserves something much better. Napag-desisyunan niyang lumabas na ng kwarto dahil wala naman na siyang dapat pagtaguan. Una niyang tinungo ang kusina at nilamnan ang kumakalam niyang sikmura. Agad niyang binuksan ang refrigerator, laking gulat na lang niya at tumambad ang isang may katamtamang laki na box. May note ito sa ibabaw kaya inilabas niya ito. Ipinatong niya ito sa lamesa at umupo bago basahin ang note. "Anna, Please do remember me when you eat this. Hindi natin naubos itong gawa ko kaya I decided to save it up for you. Sorry, I know I promised I'll save you as well but I can't make you do the things you don't want to do. So instead, take this piece of cake and treasure the last of my memories with you. I love you. ~Vincel Dela Peña" Pigil na pigil sa pagtulo ang mga luha ng dilag matapos niya mabasa ang note na 'yon. Dahan-dahan niyang binuksan ang box at bumugad sa kanya ang strawberry shortcake na ginawa ni Viel kanina. Lalo nanaig sa kanya ang lungkot. "Ngayon umiiyak-iyak ka? Hindi ba ito ang gusto mo? Anong iniiyak-iyak mo?" panenermon niya sa sarili. Matagal niya ring tinitigan ang cake bago napukaw ang atensyon niya ng pagkakagulo sa sala. Napansin niyang maingay doon at nagpapanic ang mga katulong. Nagtaka siya kaya mabilis siyang tumungo roon. Nakita niyang aligagang nakatayo si Jems at may kausap sa telepono, si Lianne naman ay napatingin sa kanya at halatang natataranta rin. Nilapitan siya nito at sinipat ang dalawang balikat niya. "Oh, Summer." Halos pahikbi nang bulaslas ni Lianne at niyakap siya. "B-Bakit? Anong nangyari?" naguguluhang tanong niya. Sandaling namayani ang katahimikan, maya-maya'y lumapit na rin si Jems sa kanila. "Viel and Rafael got into an accident. Nasa ospital sila. And Viel-----he's in critical condition." Sabad ng kapatid niya. Halos lumuwa ang mata ni Summer sa gulat dahil sa narinig. Bumilis ang kabog ng puso niya at tila nawalan ng kakayahan ang tenga niya na makarinig. "Summer, sasama ka ba? Pupunta kami sa ospital." Tanong ni Lianne. Hindi siya sumagot at sumunod na lang siya kay Jems palabas ng mansion at dagli-dagliang sumakay sa kotse. Hindi niya alam ang dapat niyang maramdaman, basta't ang una niyang gustong gawin ngayon ay makita ang kalagayan ni Viel. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kung may masamang mangyari dito. Kasalanan niya ang lahat---kung sana pumayag siyang sumama sa pagtakas ng binata ay hindi ito mangyayari. "It's not your fault." Biglang sambit ni Jems sa gitna ng pagmamaneho nito papuntang hospital. "Alam kong sinisisi mo ang sarili mo, but I want you to know that wala kang kasalanan. Walang may gustong mangyari kay Viel 'yon." Dagdag pa nito. Guto niyang mapangiti, ito kasi ang unang pagkakataong pinapagaan ng kapatid niya ang loob niya, ngunit hindi pa rin maalis ang pangamba sa puso niya. "Magiging okay rin ang lahat." bulong ni Lianne at hinawakan ang dalawang kamay niya. "Kapag nangyari 'yon, don't let him go again." Tumatak ang mga salitang iyon sa isipan niya kasabay ng pagtigil ng kotse sa parking lot ng ospital. Nagmamadali silang pumasok sa loob at agad nilang nadatnan si Rafael na nakaupo sa bench.   May benda ang ulo at braso nito kaya't mabilis silang nagsilapit. Umaakap agad si Jems dito. "Gosh. What happened, Rafael? Bakit andito ka sa labas? You should lay down sa kundisyon mong yan." alalang-alang saad nito. "May truck na naka-bunggo samin, luckily minor lang ang sugat ko." tugon ni Rafael. "Si Viel? Nasaan siya?" sabad ni Summer. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa paligid ngunit wala siyang nakita ni bakas ng binata. "Come, ihahatid ko kayo sa kanya." prisinta ng pinsan niya kaya't sinundan nila ito. Buong akala niya ay hihinto sila sa isa sa mga private room ng ospital ngunit hindi sila tumigil doon. Halos kilabutan siya nang sa tapat ng Morgue sila dalhin ng kanilang mga paa. "Oh my god! No. Rafael. B-Bakit tayo nandito?" gulat na gulat na tanong ni Lianne at napatakip ng bibig. "Andyan si Viel." matipid na sagot ni Rafael. "It can't be. You mean---Viel is...Gosh. No." bulaslas ni Jems at halos mapaiyak na. "Hindi 'to magandang joke, Rafael!" "Go see for yourselves, pumasok kayo." "A-Ayoko. I can't." tuluyan nang napaiyak si Jems at yumakap kay Lianne. "Ako nalang." buong tapang na prisinta ni Summer. Humakbang siya papalapit sa pintuan ng morgue, nanginging man ay hinawakan niya ang door knob para buksan ito. Sa pagpasok niya sa loob, ang madilim na paligid ay biglang lumiwanag. Nasilaw siya kaya't napapikit ang kanyang mga mata. Sa unti-unti niyang pagmulat upang tuklasin kung saan nanggagaling ang liwanag na 'yon, unti-unti ring may nabubuong isang pamilyar pigura sa harapan niya.  She almost jumped in surprise when she realized who's in front of her. Nakangisi si Viel at may kagat-kagat na pulang rosas sa pagitan ng kanyang mga labi. Narinig niya din ang malakas na tawanan sa labas ng tatlo kaya't napagtanto niya na kung ano talaga ang nangyayari. "Anong kalokohan 'to, Vincel Dela Peña?" nakapamewang na tanong niya at lahat ng kaba niya kanina'y napalitan ngayon ng inis. Lalong lumapad ang ngisi nito. Inabot nito sa kanya ang rosas na mula sa pagitan ng mga labi ni Viel at hinagkan ang mga kamay niya. "You just got pranked, sweetie." pang-aasar nito. Pinalo ni Summer ang braso ng binata at hindi napigilang humikbi. "Nakakainis ka. H-Hindi magandang biro 'yun." gumagaralgal na singhal niya. Niyakap siya ng mahigpit nito habang tumatawa. "Nag-alala ka ba? Akala mo patay na 'ko?" Tumango-tango siya at muling humikbi. "A-Akala ko, mawawala ka na sa'kin." "Hinding-hindi mangyayari 'yon." nakangiting paninidigan ni Viel. Pinunasan nito ang mga luha niya sa pisngi. "Tatanungin kita ulit, Anna Summer Montemayor. Will you run away with me?" Gumuhit ang ngiti sa mga labi ng dilag kasabay ng pag-haplos niya sa pisngi ng binata. "Yes, I will. I'll gladly run away with you anywhere, Viel!" mabilis niyang sagot. With a smile, she throws her arms around him and hugged him close again. "I like you, I love you, I don't know. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko." "Then, let me demonstrate it." tugon nito kasabay ng paghuli sa mga labi niya. Kapwa hingal ang dalawa nang maghiwalay ang kanilang mga labi sa mahabang tagpong iyon, gayunpama'y nanatili silang magkayakap. "Sa lahat naman ng pwede mong gawin setting ng pagdra-drama mo, sa morgue pa talaga." biglang angal ni Summer sa gitna ng pagyayakapan nila. "Eh kasi nga patay na ko." nakakalokong sagot ni Viel at kinindatan siya. "Patay na patay sa'yo." "Ang corny mo talaga." "Corny na kung corny, basta nanalo ako." may pahiwatig na saad nito at pinandilaan siya. "Bakit? Saan ka nanalo?" bigla siyang nagtaka at nagsalubong ang mga kilay niya. "Remember when I told you that I'll make you like me 'til death? Nagawa ko, di ba? You still like me kahit na akala mo patay na ko. So, I won." pagmamayabang nito. "So, ano ngayon?" mataray na pamimilosopo niya. "That means," muli siyang hinatak papalapit ni Viel at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Bibigyan mo 'ko ulit ng energy booster." nakangising demand nito at ngumuso. Natawa siya ng bahagya sa pag-aasal bata ng binata. Kinurot niya ang pisngi nito at bumulong, "You got me so enchanted." Kasabay ng pag-apaw ng damdaming matagal ng itinatago ni Summer, iginawad niya ang pinakamatamis na halik sa lalaking nagpakita sa kanya ng realidad. Ang tanging lalaking magpapaalala sa kanya na kumawala na siya sa mga kadenang nagkulong sa kanya. She's free, happy and enchanted. Nothing else matters now. WAKAS

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD