“Ang kuya mo?” tanong ni Lucille kay Astrella nang mabungaran niya ito sa kusina, nag uumagahan mag isa. “Nasa kwarto, natutulog ate.” sagot ni Astrella, tumango si Lucille sa kapatid. “Wala kang pasok, Astrella?” tanong ni Lucille sa kapatid, hindi ito naka bihis ng uniporme pang iskwela niya, at mabagal na kumakain. “Wala po, nasa seminar po mga teachers namin kaya hindi na po kami pinapasok ate.” sagot ni Astrella, tumango si Lucille at nag paalam na sa kapatid niya. “Tara na po kuya” sambit ni Lucille, tumango ang driver at binuksan na ang pintuan ng sasakyan at sumakay na ang dalaga. “Nandito na po tayo ma'am.” sambit ng driver, tumango si Lucille at bumaba na sa sasakyan, nakita niyang nakatayo na si Summer sa may gate. “Hi Luci, kamusta mga sugat mo?” tanong ni Summer pag