Maagang gumising si Lucille para mag handa sa pag pasok niya kahit alas onse pa naman ang klase niya. Nadatnan niya si Astrella sa kusina kasama ang pamangkin nila. “Ang aga mo, Astrella. May pasok ka?” tanong ni Lucille sa kapatid. “Opo ate, mamayang seven am po” sagot ni Astrella habang nilalaro laro ang bata. “Bakit na sa'yo yang bata? Nasaan mga magulang niya?” nagtatakhang tanong ni Lucille at kumuha ng pwede lutuin para sa umagahan nila. “Tulog pa ate eh, kumakatok sa kwarto ko kanina, cute niya ’no?” nakangiting sambit ni Astrella, tinitigan naman ni Lucille ang bata at ngumiti. “Nakakainis ang tatay mo” sambit ni Lucille at dinefrost ang mga lulutuin niya para sakanilang lahat. “Ate, alam ko naman na nag kamali si kuya, hindi mo ba siya mapapatawad?” tanong ni Astrella