CHAPTER_1

1415 Words
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya habang paakyat ang elevator sa 27th floor ng Albrecht Technologies Building. Huminga siya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili dahil labis ang kaba na nararamdaman. Ngayon ang unang araw niya sa trabaho kaya hindi talaga siya nakatulog ng maayos kagabi. Halo halo ang emosyon na nararamdaman niya pero nangingibabaw pa rin naman ang excitement. Sinong hindi ma e-excite kung sa wakas ay nakakuha na siya ng trabaho na malaki ang sweldo. Napalunok siya nang tumunog na ang elevator. Pagkabukas no'n ay bumungad sa kaniya ang tahimik na pasilyo. Sa pagkakaalam niya kasi ay walang ibang tao sa floor na 'yon maliban sa CEO at sa secretary nito. Dahil siya na ang secretary ng boss nila ay silang dalawa lang ang nandoon. Mabilis siyang naglakad patungo sa labas ng office room ng boss niya dahil nandoon ang malaking table niya at naka-set up na ang lahat ng kailangan niya. Nai-endorse naman na sa kaniya ng huling secretary nito ang mga naiwan na trabaho. Wala namang mahirap na iniwan itong trabaho sa kaniya kun'di paalalahanan lang ang boss nila sa meeting nito na naka-schedule na sa isang linggo na 'yon. Inayos niya ang damit niya pati na rin ang pencil skirt niya. Medyo nahihirapan lang siya dahil nasisikipan siya sa kaniyang palda. Sakto naman iyon sa baiwang niya kaso malaki lang talaga ang pwet niya kaya medyo masikip. Nang makita niyang 5 minutes na lang ay 8am na ay iyon ang saktong dating ng binata. She stood up and greet him with a warm smile. "Good morning sir Caeden." Naipagdikit niya kaagad ang labi nang hindi siya nito pinansin at deretso lang na pumasok sa loob ng office. Hindi niya alam kung bad mood lang ito o talagang normal dito na walang expression na pinapakita sa mukha. "Good morning to you, Miracle," bulong na lang niya sa sarili. Kinuha niya kaagad ang Ipad at pinindot kung nasaan makikita ang schedule ng binata. Kumatok siya ng tatlong beses ayon sa tinuro sa kaniya bago siya tuluyang pumasok sa opisina. Bumungad sa kaniya ang black and white color ng opisina. Simple lang pero maganda naman ang ayos. "Sir, I just want to remind you for your scheduled meeting—" "Do this instead saying my scheduled meetings because I have an eyes and a brain. I can read my schedule alone," seryosong sambit nito. Napahiya siya rito at hindi kaagad nakapagsalita. Pinilit niyang ngumiti at tumango sa binata. "Should I throw this to you or you are going to pick it up here?" dugtong na sambit pa nito at tinuro ang patong patong na mga papel. Mabilis siyang naglakad papalapit sa desk nito at agad na kinuha iyon kahit na sobrang bigat. "Sorry sir..." "Do you think I'll accept your apologize? f*****g no." Umigting ang panga nito at tinitigan siya na parang tinitingnan din ang buong pagkatao niya. "S-sorr—" "Organize that. I want it neat and clean, understood?" "Yes sir." "Now get out. It really sucks when I saw your face." Tumalikod siya kaagad dito at lumabas ng opisina nito. Kinagat niya ang ibabang labi dahil nasaktan siya sa mga lumalabas na salita sa bibig nito. Hindi niya maintindihan ang galit nito sa kaniya. Parang may pinanghuhugutan iyon at parang napakalaki ng kasalanan niya rito. She calm herself while doing the paper works. Tinitibayan niya lang ang loob niya dahil baka isang pagsubok lang ito sa kaniya dahil bago siya. Ginawa niya kaagad ang pinapa-trabaho sa kaniya. Sinigurado niyang magiging pulido iyon para walang mahanap na mali sa kaniya ang boss. Kailangan niya talagang magpa-good shot dito para hindi na siya initan ng ulo nito. Napatayo siya nang bigla itong lumabas ng opisina. "I'm going to the meeting, clean my office. I don't want to see any single dirt." "H-hindi po ba ako sasama?" magalang na tanong niya. Secretary kasi siya nito kaya dapat alam niya rin ang nangyayari para matulungan niya ang boss. Napatigil ito sa paghakbang at nilingon siya. Nanginig na naman ang tuhod niya dahil sa lamig ng tingin na binabato nito sa kaniya. "Did you forgot that I'm the boss? Ako ang mag-uutos sa'yo kung ano ang gagawin mo." "S-sorry po..." Napayuko siya dahil hindi niya na kaya salubungin ang tingin nito. Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan sa klase ng tingin nito sa kaniya. Parang ayaw na ayaw nito sa kaniya at parang nasusuka ito sa kaniya. May nagawa na naman ba akong mali? "Just so you know, you are more my personal assistant than a secretary. I hired another secretary for me so better do your job or else I can fire you any moment." Naipagdikit na lang niya ang labi at hindi inangat ang ulo hangga't hindi ito tuluyang nakakaalis sa harapan niya. Napabuntong hininga na lang siya nang mawala na ito sa paningin niya. Napaupo siya sa kaniyang upuan at tinitigan ang mga papeles sa harapan niya. Okay lang naman sa kaniya kahit anong trabaho dahil ang importante sa kaniya ngayon ay pera. Sa totoo lang, kahit maging janitress pa siya basta malaki ang sahod ay papatusin niya. Nagbabakasakali lang din naman siya makapasok sa kompanya na 'to dahil may pinag-aralan naman siya. Umagang-umaga ay nakailang beses na siya sa pagbubuntong hininga. Sobrang nanliliit siya sa sarili sa hindi malaman na dahilan. Pakiramdam niya sa sarili ay isa siyang kahihiyan at walang kwentang tao. Nang matapos niya ang pag-o-organize sa mga papeles ay sinimulan niyang maglinis pero dahil walang mga panlinis sa floor na 'yon ay tumungo pa siya sa 15th floor para kunin sa utility room ang mga kailangan niyang gamit. "Hi! Pwede po ba akong makahiram ng cart? Kailangan ko kasi ng vacuum, mop at pamunas," ani niya sa isang lalaking janitor. Pinilit niyang ipaskil ang kaniyang ngiti kahit nakita niya na pinasadahan siya nito ng tingin. "Bago ka dito ma'am?" tanong nito habang kumikilos at kinukuha ang kailangan niya. Pasimple niyang binaba ang hapit na skirt niya dahil pakiramdam niya ay tumataas iyon sa tuwing maglalakad siya. "Oo, secretary ako ni sir Caeden." Napatango naman ito sa kaniya. "Ito ma'am, balik niyo na lang po dito pag tapos na kayo." "Salamat po." Tinanggap niya ang cart at tinulak iyon. "Ako nga po pala si Atong, isang taon na ako dito sa kompanya ni sir Caeden." Napatango siya nang magpakilala ito. Hindi niya gusto ang binibigay nitong titig sa buong katawan niya kaya hindi na siya umimik at naglakad na lang palabas doon. "Ingat ka ma'am ha? Matinik 'yon si sir Caeden sa mga babae. Maganda ka pa naman at sexy..." Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat sa pagbabanta nito sa kaniya pero hindi na lang siya nagsalita. Parang dito pa siya dapat mag-ingat dahil nababastusan talaga siya sa tingin nito. Bumalik na siya sa taas para gawin ang trabaho niya. Pagkabalik niya ay may nakasabay siya sa elevator na isang sopistikadang babae at ubod ng sexy dahil sa klase ng damit. Nakita niyang nakapindot na ang 27th floor kaya naman alam niyang doon ito patungo. Hindi muna siya umimik hanggang sa nakarating sila sa taas. Lumabas ito at pati na rin siya. The woman was chewing a gum while walking. Tumigil ito kaya napatigil din siya. Lumingon ito sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Are you going to clean Caeden's office?" maarte nitong tanong sa kaniya. "Uh... yes. Pinapalinis po sa akin ni sir Caeden ang office niya." "You don't look like a janitress because of your uniform... new secretary?" "Yes, ma'am." "Hmm... you are just secretary? or s*x-i-tary? As far as I know, gusto niya na lalaki ang secretary niya dahil lahat ng nag-a-apply na babae ay papansin lang sa kaniya at gustong magpatira sa kaniya." Nanlaki ang mata niya dahil sa bulgar na sinabi nito. "Don't act like you don't know what I mean. I just want to introduce myself, I will be his future wife and I'm working on that, but for now, I'm his hot and beautiful toy to fuck." Naiwan siyang tulala doon nang inirapan siya nito at naglakad patungo sa opisina ng boss niya. Bago pa siya makasunod ay nagsalita ito na mas lalong ikinatigil niya. "Don't waste your time to clean his office... Mamaya ka ng gabi maglinis dahil may gagawin pa kami. I'll just wait him inside." Nag-init ang pisngi niya dahil alam niya ang pinaparating nito. Sa hindi malaman na dahilan ay naikuyom niya ang kamao niya. Nakaramdam siya ng inis sa babaeng iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD