PROLOGUE

1274 Words
Huminga siya ng malalim bago tuluyang pumasok sa isang malaking building. Napakaraming aplikante ngayon at alam niyang ito ang magiging malaking pagsubok niya sa araw na 'to. Alam niyang marami ang magagaling sa mga aplikante dahil sa itsura pa lang ng mga ito ay alam niyang confident ang karamihan. Napalunok siya ng ilang beses nang umupo na siya sa isang upuan dahil maghihintay na lang siya na tawagin siya. She trust herself. She trust her mind and her heart. Alam niyang may kakayahan siya at matalino rin siya kaya hindi siya magpapatalo sa mga ibang aplikante. Kailangan niya ng stable job at mataas na sweldo para sa ikabubuhay niya at ng pamilya niya. Simula noong nawalan siya ng ala-ala at na-comatose siya ng isang taon ay halos manlumo ang pamilya niya dahil naubos na ang pera nila. Ang business nila na hindi naman sobrang laki ay naibenta para lang may pangbayad sa gastusin nila. Hindi niya pa rin natatandaan kung ano ang buhay niya noon pero base sa mga damit at gamit na mayroon siya ay alam niyang marangya rin ang buhay niya. Nakapagtapos siya sa isang kilala at sikat na unibersidad at higit sa lahat ay summa c*m laude pa siya kaya alam niyang magaling at matalino siya kahit nawalan siya ng ala-ala. Sa ngayon ay nakatira ang kaniyang magulang sa palawan. Buhay isla na sila at ang bahay nila roon ang tanging natira na lang sa mga ari-arian nila. Gusto niyang makabawi sa magulang niya dahil masiyadong mabigat ang mga dinanas nito dahil sa nangyari sa kaniya. Napatigil siya nang makitang may dalawang pares ng paa ang tumigil sa harapan niya. Agad niyang inangat ang ulo niya at nagtama ang paningin nila ng isang lalaking ubod ng gwapo at kisig. Bumilis ang t***k ng puso niya at halos maihi siya sa oras na 'yon. The man was very good looking and manly yet intimidating. Bumaling ang tingin niya sa isang lalaki na guwapo rin at kasing tangkad ng isa. Nakakunot ang noo nito at parang gulat na gulat siyang makita. Magsasalita na sana siya nang may biglang lumapit na babae at kinausap iyong isang lalaki na nakakatakot tingnan. "Sir Caeden, kanina pa po nag-umpisa ang interview, pwede na raw po kayo maki-sit in sa room," ani ng babae sa lalaki. Caeden? Nakita niya ang pag-igting ng panga ng binata habang nakatitig pa rin sa kaniya kaya napaiwas siya. Masiyadong bumibilis ang t***k ng puso niya at hindi siya mapakali sa hindi malaman na dahilan. "Caeden, let's go inside," sambit ng isang lalaki. Nasundan na lang niya ng tingin ang dalawa habang palayo sa kaniya. Inayos niya ang sarili at ang upo dahil pakiramdam niya ay may mali sa kaniya. Masiyado siyang kinakabahan ata ngayon. Halos dalawang oras pa siya naghintay doon bago siya tuluyang matawag. Nanginig ang kaniyang tuhod nang makita ang dalawang lalaki doon na mag-i-interview sa kaniya, iyong dalawang lalaki na nakatingin sa kaniya kanina at huminto pa talaga sa harapan niya. "Why are you here?" "P-po?" tanong niya sa isang lalaki. Tinitigan siya nito bago magsalita muli. "You are Miracle Quijada, right?" Tumango naman siya. Hindi na siya nagtataka kung bakit alam ng dalawa ang pangalan niya dahil nasa table nito ang resume niya. "Yes sir." Nangunot ang noo nito lalo nang pagkatapos niya sumagot ng pormal. "This is bullshit..." Nilipat niya ang tingin sa binata na nagngangalang Caeden. "Is there any problem po?" magalang na tanong niya dahil naguguluhan siya sa inaakto ng dalawa. Umiling naman ang lalaki sa kaniya at tipid na ngumiti. "None Miss Quijada. By the way I'm Reeve Falcon and the director of this company is Caeden Albrecht." Nanlaki ang mata niya dahil hindi niya akalain na ito ang magiging boss niya kung sakaling matanggap siya bilang secretary. "M-magandang hapon po," bati niya ulit. "You act like you don't know us..." She gulped. Mukhang galit ang binata dahil sa inakto niya. Nag-research naman siya tungkol sa kompanya pero wala naman kasi siyang nakitang picture ng owner ng company. Ang dami rin niya kasing pinasahan ng resume at hindi niya na rin naaral ng malala. "P-pasensya na po, wala po kasing lumabas na pictures noong sinearch ko ang tungkol sa company. P-pero po pinag-aralan ko naman po ang tungkol—" "Cut the crap Miracle. Are you kidding me?" inis na bulyaw sa kaniya ni Caeden. "Sir?" Magsasalita sana ito nang pinigilan ito ni Reeve. "Sorry for that... Mainit lang ang ulo niya dahil maraming works kaninang umaga," ani nito. Umawang naman ang labi niya at napatango bilang pag-iintindi. She undestand, baka mayroon talaga itong problema o kaya pagod lang dahil sa trabaho. "Okay lang po," she smiled genuinely. "So, you're applying to become his secretary... Your educational background are very promising, we all know how smart— I mean we know you are smart because of your academics achievements. Why do you want to work here?" "Thank you for the compliment sir. I want to work here because I know how good this company and—" "You are hired." Napatayo siya at nanlalaki ang mata niya nang tingnan ang binata na tumayo na rin habang nakakunot ang nood. "I don't want to waste my time here. I have a lot of works to do so you are hired. You can start next week." Sinundan niya ng tingin ito hanggang sa makalabas ng kwarto. Napatingin naman siya kay Reeve na tumayo na rin at nakipagkamay sa kaniya kaya agad niyang tinanggap iyon. "You are hired... as per your boss." He tilted his head and just nodded. "Just brace yourself because you are the one who comeback here, Miracle." Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito kaya ngumiti na lang siya at tumango. Bago pa ito makalabas ng kwarto ay nilingon siya nito. "Did something happened to you?" "Po?" "Are you having an amnesia or what?" Napahawak siya sa batok niya at napayuko, hindi niya alam kung paano nito nahulaan iyon o baka dahil mukha lang siyang lutang. "I got accident and comatose for a year and when I woke up... I don't know who I am and I don't know everyone," she said honestly. Napahawak ito sa baba at napatango-tango pa. "Damn... you just comeback to hell." "Po?" "Nothing... Well, I don't know if I should congratulate you or now but anyways, congratulations for having this job." Nagpaalam na ito sa kaniya kaya nagpasalamat siya. Hindi niya ma-explain kung gaano siya kasaya ngayon dahil nagkaroon na siya ng trabaho na malaki ang sweldo. Napaka-swerte niya ngayon dahil na tiyempuhan niya mismo ang boss ng kompanya na 'to at dahil marami pang ginagawa ang boss niya ay hinired na siya kaagad. Mas lalo niyang pagbubutihin ang trabaho para maipakita niya sa binata na karapat dapat siya bilang secretary nito. Alam niyang marami pang mas magaling sa kaniya na hindi na na-interview dahil sa desisyon ng boss niya pero nagpapasalamat talaga siya na siya ang nasaktuhan at napili. Makakabayad na siya sa inuupahan niyang renta sa isang studio type apartment. "Thank you lord!" bulalas niya. Inasikaso siya ng isang babae at pinaliwanag lahat ng kailangan niyang ipasa na requirements. Kailangan niyang maipasa ang mga requirements withing 1 week, pwede naman daw i-follow up ang iba kaya ang mga importante muna ang uunahin niya. Bago siya umuwi ay dumaan muna siya sa isang fast food restaurant at bumili ng pagkain na tig dalawang daan. Iyon na ang pinakamahal na pagkain na binili niya dahil halos laging delata lang siya pero ngayon ay maiiba dahil kailangan niyang mag-celebrate. "Sa wakas ay makakapag-ipon na ako," bulong niya sa sarili. Umuwi siya sa kaniyang apartment ng may ngiti sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD