FOUR

2670 Words
Nagising si Remira na maingay ang paligid. She feel dizzy and her vision is still blurry. Basta ang naririnig na lamang niya ay ang pagtatalo ng kung sino sa paligid. Puting puti ang paligid at napakalabo niyon. Nararamdaman din niya ang pangangalay sa kanang hita at binti. “Why would she do that to herself?! She's not the type of person who’ll just stab herself with no reason!” “Mr. Lai, I need you to calm down--” “You f*****g calm down! I am paying you to do your f*****g job! Kaya ayos- ayusin mo!  Before I use my connections to make this hospital fire you and lose your profession for f*****g ever!” Remira close her eyes. Masyado siyang nahihilo para makinig sa ingay na naririnig. She let dizziness drift her to sleep.. *** “Dearly beloved and honored guests, we are gathered here to witness to join Edward Lai and Remira Avilarde in the union of marriage.” Marahang napasulyap si Remira kay Edward. Nakakunot ang noo nito at seryoso ang ekspresyon. It is their wedding day, at halata sa binata na hindi ito masaya sa nangyayari. Ibinalik na niya ang tingin sa pari. I’m so sorry, Edward. “This contract is not be entered into lightly, but thoughtfully and seriously, and with a deep realization of its obligations and responsibilities. The groom and bride have each prepared vows that they will r******w,” mula sa kaniyang belo ay nakita niya ang pagtango sa kaniya ng pari. Hudyat na kailangan na niyang sabihin ang pinaghandaang wedding vows. Humigpit ang hawak niya sa maliit na papel na nasa kamay niya. Imbes na buklatin iyon at basahin, mas nilakumos niya iyon sa kamay. Humarap siya kay Edward. Nagtama ang mga mata nila. Matiim itong nakatingin sa kaniya at walang kangiti- ngiti ang labi nito. “Edward, you're the only person who can make my heart dance in somersault inside my chest. Mula nang makilala kita, you always mess up the speed of time. Well atleast, my time. Kaya mong pabilisin at pabagalin ang takbo ng oras para sakin. I now realized that love at first sight truly exists. It comes in the most unexpected time at the most unexpected place. Kaya nitong ipakita saiyo na “ah, ito yung taong gusto kong makasama hanggang tumanda ako,” sa isang kurap lang. And that's what happened to me…” Natigilan siya. Nakita niya kung paano kumunot ang noo ni Edward at napailing- iling na tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. He smirked at her, like he is saying ‘you're a great actress, you b***h!’ She bit her lower lip. Hindi siya pwedeng umiyak sa harap ng maraming tao sa loob ng simbahang iyon, lalo na sa mga magulang ni Edward. She sighed. “...I fell in love with you the moment you stepped inside our room, during our third year college days. You made my world spin twice.. no, thrice as normal. And when you laid your ocean eyes on me, parang pinabagal mo naman ang oras. I.. I knew I love you before I met you. I… ahm. I love you...” ...Even if you don't love me. Gusto sana niya iyong sabihin pero alam din niyang wala siyang karapatang sabihin iyon. “Thank you for marrying me, my Edward.” Nagpalakpakan ang mga guest doon. “Now, Edward, it's your time to recite your vow,” wika ng pari. Mataman ang tingin sa kaniya ni Edward. Tila magkahugpong ang mga mata nila. Walang emosyon sa kulay- karagatan nitong mga mata. At nakakaramdam siya ng kaba dahil doon. “I don’t have any prepared vows. I'm just here because I was forced to do so. Now, father, can you just get this s**t done so I can f**k my mistress while this pig beside me celebrate the reception later?” Natigilan siya sa sinabi nito. Parang may kung anong pumiga sa puso niya. Marahan siyang tumingala upang pigilan ang nagbabadyang luha mula sa mga mata niya. Nagpapasalamat siya sa kaniyang belo at naitatago ang sakit na bumalatay sa kaniya. “Edward Lai!” galit na sigaw ng mommy ni Edward dahil sa sinabi ng anak. Habang ang daddy naman nito ay nag-isang linya din ang kilay sa galit ngunit mas piniling itikom na lamang ang bibig. Umugong ang bulungan sa loob ng simbahan. Ngunit agad ding natigil iyon dahil sa pagsaway ng mga magulang ni Edward. Tila hindi na niya maintindihan ang mga sumunod pang sinasabi ng pari. Basta nakita na lamang niya ang sarili na ang singsing sa daliri ni Edward, pagkatapos ay ito naman ang nag-suot ng singsing sa daliri niya. Nagsisirkulo sa isip niya ang mga salita ni Edward. Parang nagkaroon ng bikig ang lalamunan niya. She can feel the fang of pain on her chest. Nanginginig na din ang sulok ng labi niya dahil sa pinipigilang luha. “And now by the power vested in me, it is my honor and delight to declare you married. Go forth and live each day to the fullest. You may seal this declaration with a kiss,” muling wika ng pari sa mikropono nang magbalik siya sa realidad. Humarap siya kay Edward. His cold eyes filled her entire system. Nag-lean ito papalapit sa kaniya at itinaas ang belo niya. At mukhang hahalikan siya nito sa pisngi. But it did not happened. Mukha lang siyang hinahalikan nito sa pisngi para siguro ipakita sa mga bisita. Ngunit ang totoo ang malapit sa tenga niya ang bibig nito. “Go kiss yourself, you gold digging pig…” natulos siya sa kinatatayuan. Nang lumayo ito sa kaniya, nakangiti ito ng nang-uuyam. “I am so pleased to present the newlyweds, Mr. and Mrs. Edward Lai!” Narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa sinabing iyon ng pari. Pero parang wala na doon ang diwa niya. Mahigpit siyang hinawakan ng asawa sa bewang at pinaharap sa mga tao. “Smile, wife. Smile now that you can have all of my money,” muling bulong nito habang nakangiti sa mga tao. Ngumiti siya ng mapait. This is your new life now, Remira. Imbes na sa reception, dumiretso sila sa bahay ni Edward na magiging tirahan na din niya. At ngayon, heto siya, sa araw ng kasal niya, at pinanonood niya ang asawa makipagtalik sa iba habang suot pa ang damit nito pangkasal. “s**t! Ahh!” Edward grunted while ramming himself to some other girl. “Ohh! Ohhh! Isagad mo, Edward!” Sumiksik siya sa sulok at tinakpan ang tenga niya. Napupuno ng halinghing ng mg ito ang buong kuwarto. Please, tama na… Tama na. Napasalampak siya sa sahig. At niyakap ang tuhod niya. Ibinaon niya ang mukha sa wedding gown at doon inilabas lahat ng luha niya. Ang sakit ng kaniyang puso. At iyo pa lang ang simula ng lahat. Iniangat niya ang ulo. Nakita niya kung paano nagmantsa ang make up niya sa wedding gown. How can her beautiful make up turned into a ruined one? Nanginginig ang mga tuhod na tinungo niya ang kuwarto kung nasaan ang mga gamit niya. Mabigat ang kalooban niya at parang gustong manlambot ng kaniyang katawan. Nang makapasok siya sa kuwarto ay naupo siya sa gilid ng kama. She can still hear the moans from the other room. Mapait siyang napangiti at inabot ang isang violet na notebook na nasa drawer ng side table kung saan nakapatong ang lampshade. Kinuha niya ang ballpen na nakasipit doon at nagsimulang magsulat. *** Napabalikwas ng bangon si Remira ngunit agad din iyong pinagsisihan nang maramdaman ang pagkirot ng hita. Puting puti ang paligid, alam niyang nasa ospital siya. Wala sa sariling napahawak siya sa sariling pisngi. May iilang butil pala ng luha ang nakatakas sa mga mata niya nang mapaginipan ang kasal nilang mag- asawa. Pinahid niya ang luha. Kelan ba kasi matutuyo ang mga luha na to? Nasa ganoong estado siya nang bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok si Clarylaine na may dalang isang plastic ng orange. Namilog ang mga mata nito nang makitang gising na siya at nakabangon ang kalahating katawan. Nag-aalala itong lumapit sa kaniya at naupo sa gilid ng kama. “Hey, are you okay, Rems?” inalis nito ang iilang hibla ng buhok na humarang sa pisngi niya. Nakangiti siyang umiling iling dito. Hanggang sa ang ngiting iyon ay nauwi sa impit na hikbi. Agad siyang dinaluhan ng kaibigan at niyakap. “I... I’m not okay Laine,” tila may bikig sa lalamunan niya. Totoo pa lang mahirap para sa isang tao na aminin na hindi sila okay. “I am not okay.” Napayakap din siya dito ng mahigpit. Ito lamang talaga ang nakakaunawa sa kaniya. “Shhh…” naramdaman niya ang paghagod nito sa likuran niya. “There is nothing wrong in crying to let out your pain, Rems. Sometimes, no words could describe the pain you are feeling.” Humarap ito sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. “But please, don't make crying a hobby. You have to learn how to smile. How to be happy. You need to be strong, to be tough, in order to protect yourself. Huwag mo namang ipagkait sa sarili mo ang karapatang maging masaya, Remira.” Napatitig lamang siya sa sariling kamay. Hindi niya alam kung ano ang isasagot kay Clarylaine. "Rems, I understand how much you love your husband. Duh, mula college alam ko yun. I'm your bestie after all," she tried to make her smile.  "Kaya lang, Kung lahat ng pagmamahal mo, ibibigay mo, paano na ang sarili mo? I'm saying leave a little love for yourself. You are worth loving, always remember that." Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Nakapagdesisyon na siya. "I'm going to annul him." Natigilan si Laine sa sinabi niya. "I'm not saying that you need to annul him, I just want you to understand that you need to love yourself also--" "No, Laine," sansala niya sa ibang sasabihin nito. "Listen to me, this marriage, ako lang naman talaga ang may gusto nito una pa lang. Ako lang ang nagpupumilit. Kaya lang, Pagod na ako Laine. Pagod na pagod na." Nag-uunahang tumulo ang luha sa mga mata niya at parang may bikig sa kaniyang lalamunan. Nahihirapan siyang sabihin ang mga susunod niyang salita. “All these years, nasa kaniya lang lahat ng pagmamahal ko. To the point na wala na akong itinira para sa sarili ko. Wala naman akong pinagsisisihan dun e, kasi walang nagpumilit sakin, kusa ko siyang minahal. Kaya lang Laine… alam mo kung anong masakit dito?” itinuro niya ang sariling puso. “Yung ipinipilit ko pa na may pag-asa pa na maayos ito… ang pagsasama namin. Na maayos ang lahat. Umaasa ako, kaya kahit nakikita ko lahat nga sakit, nagbulag- bulagan ako. Nagbingi- bingihan. Kaya lang, nakakapagod din pala, Laine. Nakakapagod magkunwari.” Tuluyan na siyang napahagulgol. Masakit ang buong katawan niya. Pero pinakamasakit ang puso niya. Niyakap siya ng kaibigan. “Shh. I understand, Rems. Tama na, wag ka na umiyak. Mabibinat ka lang niyan e.” Lumayo siya ng yakap dito. “Please tell me that you’ll help me.” Nagkatitigan sila ng kaibigan. “Please tell me that you'll help me annul him.” Naging mailap ang mga mata nito. “Laine? Tutulungan mo ako diba? Diba?” Napabuntong hininga ito at tipid na ngumiti sa kaniya. “Okay, I’ll help you. Just promise me that you won't cry again.” Nagpatango- tango siya at ngumiti din. “Thanks, Laine.” “Don’t mention it, okay? Dito ka muna, tatawag ako ng doktor para macheck ka.” Tumayo na ito tinungo ang pinto. Muli pa itong ngumiti sa kaniya bago binuksan ang pinto. Lumayo naman si Edward sa nakasarang pinto. Mabilis niyang tinungo ang lobby ng ospital para hindi siya makita ng sariling sekretarya na bestfriend din ng asawa niya. No, Remira. I won't let you annul. I won't f*****g let you. *** Isang linggo pa siyang namalagi sa ospital at ni anino ni Edward ay hindi niya nakita. Palaging si Clarylaine ang tumutulong at nag- aasikaso sa kaniya. Kaya naman laking gulat niya nang sunduin siya ng asawa sa ospital ngayong araw ng discharge niya at inalalayan pa siyang makapasok ng bahay. Hanggang sa kusina, ito din ang nag- asikaso ng hapunan nila at pinagsandok siya ng pagkain. Hindi niya maiwasang mapatingin dito. He is weird. Her husband is acting weird. Never pa naging maasikaso ang asawa niya. “Let's eat,” nakangiting anito at naghatak ng upuan sa harapan niya. Napatingin siya sa pagkain. Sinigang na sugpo iyon, ang paborito niya. Now this is weirder. Mula nang maging mag-asawa sila, hindi na niya nakain ang paborito, ayaw kasi nito sa seafoods. Tila napansin naman nito na nakatitig lamang siya ng pagkain. Napatigil ito sa pagkain at humarap sa kaniya. “Kain na. Ayaw mo ba niyan?” tanong nito. “Paborito mo yan diba? Kung ayaw mo, magluluto uli ako ng bago.” Tipid siyang ngumiti at umiling. “Gusto ko nito. Sorry.” Kumunot ang noo nito. “Why are you saying sorry?” She shrugged her shoulders. Hindi din kasi niya alam, basta kapag kausap niya ang asawa, she is always sorry, ayaw kasi niya na nagagalit ito. Kapag nagagalit ito sa kaniya, nag-uuwi ito ng babae, at nauuwi ang lahat sa sasaktan niya ang sarili niya. Wala sa sariling napatingin siya sa sariling braso. Magaling na iyon pero bakas ang peklat doon. Mga peklat. Dahil hindi iisang beses na hiniwa niya iyon. Napansin naman iyon ni Edward. Nagulat siya ng abutin nito ang mga braso niya at sinipat- sipat iyon. Namimilog ang mga mata nito nang makitang puro peklat iyon. Gusto sa niya iyong agawin, pero mahigpit ang hawak ng asawa niya doon. “What happened to these?” mas lumalim ang gatla sa noo nito. Naging mailap ang mga mata niya at hindi ito masalubong ng tingin. She can't tell him. “Remira. I need you to tell me what happened to your arms? And why did you stabbed your thigh? The doctors said that they need to talk to you again and run some tests to know why you did that to yourself. They are f*****g useless,” he grunted. Galit na ang tono nito. Hinatak niya ang mga braso at itinago iyon sa ilalim ng mesa. Bakit ngayon may pakialam na ito sa kaniya? She heard him sighed. “Okay, if you won't tell me now, then tell me kung kaya mo na. Just eat okay?” Ngumiti ito sa kaniya. Lumabas tuloy ang dimples sa magkabilang pisngi nito. He look radiant smiling. No. Ngiti lang yan, Remi. Ipinilig niya ang ulo. Hindi pwedeng maging marupok na naman siya, in the end, magkakasakitan lang silang dalawa. Tipid lang siyang ngumiti at ipinagpatuloy na ang pagkain. “Do you want to watch a movie?” muli siyang nag-angat ng tingin sa asawa. Tama ba ang dinig niya? Niyaya ba siya nitong manood ng sine? “N-no,” she said. “M-medyo makirot pa ang hita ko, tsaka, gabi na din kasi. A-at diba, b-bawal ako lumabas ng bahay sabi mo?” She doesn't know why she is stuttering, siguro ay dahil matiim ang titig sa kaniya ng binata. “Then we'll watch it here. At home. I’ll go set it up,” maang na tumingin siya dito. Mabilis nitong kinain ang natitirang pagkain sa plato nito at lumabas ng kusina. Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa nilabasan na pinto ng asawa. Seriously, what is happening? Mabilis din niyang tinapos ang pagkain at inipon lahat ng pinagkainan sa lababo. Sinundan niya ang asawa sa salas at napamaang siya habang nakita na sineset up nga nito ang t.v at CD player para makanood sila ng movie. Now this is the weirdest. Bulong ng isip niya habang pinapanood itong seryoso sa ginagawa. ----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD