Recent Entry
No date
Dear Edward,
Masakit na masakit na ang puso ko. Parang palagi itong sinasaksak sa tuwing may kasama kang ibang babae.
Sa tuwing nililinis ko ang mga kalat ninyo pagkatapos ninyong magtalik, para mo na din akong pinapatay. Mahal kita, pero hindi ako bato. Hindi ako bato, Edward. Ramdam ko lahat ng sakit. Kahit ilang ulit kong hilingin na sana mamanhid na ang buong katawan ko, wala pa din e. Nandito pa din ang sakit.
Ito na ba ang parusa at kapalit ng ginawa ko sayo noon?
Pero kahit ganoon, kahit paulit- ulit pa akong magkapira- piraso, mahal pa din kita.
Tanggap ko na.
Na hindi mo na talaga ako matututuhang mahalin. Pasensya na at pinagsisiksikan ko pa din ang sarili ko sayo.
Indeed, ‘pain demands to be felt.’
Love,
Remi.
--------------------------------------------------------------------
I hope anyone that would come across my stories would find them interesting. I will try my best to improve myself and write a lot of good stories in the future. I would really appreciate suggestions and comments.
-WRMS.
PS. I will also try to write stories in different genres like fantasy, werewolves, vampires etc and get out of my comfort zone. :)