Hater: 09366606789 “Dial mo nga” sabi ni Ruth kaya naman pinindot ko iyong telephone icon para tawagan si hater ko. Contacting… Napahawak naman ako sa dibdib ko sa kaba. Gusto kong malaman kung sino ‘to pero what if hindi ko pala kakilala ‘to at may balak pala ‘tong kidnapin ako? Sinagot naman iyong tawag kaya napatayo ako at inabot kay Ruth iyong phone ko. Kinuha niya naman ito at pinakinggan iyong kabilang linya. Pinindot naman ni Ruth ang ‘mute’ at tinignan ako. “Mukhang naka-mute iyong kabilang linya kaya wala akong marinig” sabi niya sa akin at muling pinindot iyong mute sa phone. “Hello? Sino ka ba? Bakit hindi ka magpakilala?” sunod-sunod na tanong ni Ruth. Naupo naman ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. “Sumagot?” bulong k