“Do you have any proof that they are doing something nasty in there?” Napairip naman ako nang marinig iyong bulong ng isang maintenance worker kay Ate Merry. Tinignan naman kami ni Ate Merry at tinignan niya ako ng hindi ko maipaliwanag na tingin at saka tumngin kay Sett. Napalingon din ako sa lalaking katabi ko na naka-relax lang na nakasandal sa pader at naka-upo sa lapag habang iyong mga kamay ay nakapamulsa lang sa varsity jacket niya. Ako naman ay nakaupo rito sa isang stool katabi ni Sett. “How many times do I have to tell you na wala kaming ginagawang kababalaghan?” tanong ni Sett na kalmado parin at nakatingin nang mabuti kay Ate Merry. “Opo, Ate Merry. Aksidente lang po ang nangyari at nasaktuhan mo kami sa ganoong posisyon” pagsang-ayon ko naman kay Sett. Fo