CHAPTER 11 Overcrest Street Nabaling ang tingin ko sa lalaking yakap-yakap ko at seryoso lang na nakatingin sa kalsada. Nakahinto kami ngayon dito sa dulo ng Overcrest Street dahil naka-stop pa ang stoplight. Hindi ako makapaniwala na napilit kong sumama si Haunth at heto nasa bisig ko siya ngayon. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa likod niya at pasimpleng inamoy siya. Napangiti naman ako sa mabango at pamilyar niyang amoy na siyang tanging nagpapabilis ng t***k ng puso ko. “Hindi ko alam na nagmomotorsiklo ka pala?” tanong ko sa kaniya. Ngayon ko lang siyang nakitang nagmotor. It makes sense since I have never seen him in a car or what. He always goes to school nang maaga kaya naman ‘di ko rin nakikita kung paano siya pumapasok. “Wala namang iban