Iceberg Acme Blvd.
“One vanilla ice cream and one buttered pecan ice cream” sabi ni Kaiden at inilapag ang ice creams sa harap namin.
“So… ano ngang nangyari riyan sa paa mo?” tanong ni Ruth at tumikim ng ice cream niya.
Tinignan ko naman si Kaiden at sinenyasan siya na siya nalang magkwento kay Ruth. Andito kami ngayon sa ice cream parlor. Dumiretso kami rito after class dahil sabi ni Ruth ililibre niya ako dahil kawawa raw ako. I grab it na even though mahirap maglakad ng nakasaklay dahil once in a blue moon lang manlibre itong si Ruth.
“Hinila kasi siya ni Miss Pressy nang agaran kaya naman nabigla kami at nadapa si Shannel” sabi ni Kaiden habang nagkakamot ng batok.
Nahihiya parin siya hanggang ngayon sa kagagawan ng aso ng tita niya. Nag-sorry nga ulit agad siya nang makita niya kami ni Ruth na papasok dito.
“Miss Pressy? Sino ‘yon?” nagtatakang tanong ni Ruth.
“American Staffordshire Terrier ng tita niya” sabi ko at tinikman ang ice cream ko. Mahirap na, baka matunaw na naman. May sumpa ata ako sa ice cream?
“American Staff- what?”
“Aso ng tita ni Kaiden, Ruth”
“Ahh okay… eh bakit kayo magkasama?” she said and bite into her ice cream once again.
“Nagkataon lang na nandoon ako sa subdivision nila Shannel. Doon sa mini-park nila’t nagkataon na nilapitan siya ni Miss Pressy” paliwanag ni Kaiden.
“Ang harot-harot kasi n’on ni Miss Pressy” dagdag ko.
“Kuya, isa pong chocolate mocha parfait” napadako r’on sa babae ang tingin ni Kaiden at agad namang nilapitan ito.
Nilingon naman ako ni Ruth at bumuntong hininga.
“So, what’s your plan? Nakapamili ka na ba ng regalo mo for him? Sa Friday na iyon diba?”
“Wala pa akong maisip na magandang iregalo sa kaniya”
“You don’t seem excited” Ruth said.
Yeah, she’s right. I am not that excited. It’s the last year of our high school life. Pagdating ng college, I might go abroad. Even if I succeeded in pursuing him, long-distance relationship would be hard.
“I am not” sabi ko at nangalumbaba at tinanaw ang labas ng ice cream parlor.
“What’s wrong?”
Nilingon ko naman si Ruth at ikinwento sa kaniya iyong napag-usapan namin ni Kaiden. Buong gabi kong pinag-isipan iyong sinabi ni Kaiden.
Nilingon naman ni Ruth si Kaiden na busy sa pag-asikaso sa ibang customer.
“He has a point” sabi ni Ruth at tinanguan ko naman siya.
“Haunth is a good guy. He’s our school’s top student and representative. He is the perfect guy I would ask for but I just don’t know if I am near his heart or I am just in this metal room thinking that I can dig through it and be able to reach to his heart” I said and look away as I felt that my eyes are starting to get warm.
Ruth gently pulls my chin to look at her.
“He is indeed perfect for you but what if you are not the perfect girl for him?”
I felt a twinge in my chest as I heard those words come out from her lips. Deep on my mind, that’s what it tells, but for years, I enjoyed pursuing him and thought maybe he’s just too shy to show his emotions. I don’t want to be that stupid girl I can be but I did. I want to stop but I just can’t.
“For the past three years, I have become more attached to him. I pour in all my heart and efforts for him. Maybe I am not his perfect girl but how about an imperfectly perfect girl?”
“You know what, just ask him. Give your birthday present to him then ask him” she said.
“I know it’s not easy but I think he’ll understand it since you’ve been doing this for years” dagdag pa niya.
“Whatever his answer will be, just accept it. There’s a lot of juicy fish in the ocean, Shannel” sabi niya at kumindat.
“Tara, maghanap na tayo ng panregalo” aya ko kay Ruth at inabot na ang saklay na nasa tabi ko.
“Saan kayo pupunta?” tanong ni Kaiden.
“Manlalalaki. Sama ka?” tanong ni Ruth na ikinatawa ko naman.
“’wag mo pansinin ‘tong si Ruth. Maghahanap ako ng panregalo kay Haunth” sabi ko at inaya na si Kaiden dahil tapos na siya sa shift niya. Siya na ang nagbayad ng ice cream na kinain namin na siya ring namang ikinatuwa ni Ruth dahil nakaakas siya sa pagbayad.
“Ano bang gustong regalo ng mga lalaki?” tanong ni Ruth kay Kaiden.
“Depende siguro sa lifestyle ng lalaki?” patanong na sagot ni Kaiden.
“Well, that’s the case, wala naman kaming masyadong alam kay Haunth” sabi ni Ruth.
Napatingin namna sa akin si Kaiden at tinanguan ko ito.
“Oo, napaka-private kasi niya at kahit naman pilitin ko siya mag-open sa akin, iniignore niya lang ako. At sa huli, ako lang ang nagkukwento sa kaniya” paliwanag ko.
“How about tumingin muna tayo sa men’s section? I mean, damit? Nothing can go wrong with that, right?” suhestiyon ni Kaiden.
“Cool” sabi ni Ruth at inakay ako at gan’on din si Kaiden.
Nakarating din kami agad sa men’s section. Obviously, puro mga damit ng lalaki ang nakikita bamin pero wala akong mapili. Niregaluhan ko narin dati si Haunth ng damit pero parang ‘di naman niya sinusuot.
Naghanap lang kami nang naghanap hanggang sa makarating kami sa underwear section.
“How about this?” sabi ni Ruth at inangat ang hawak niyang boxer shorts.
Boxer short ito na may printed na nakalagay sa crotch part na "All mine and property of" sa thigh part. Binato ko naman kaagad kay Ruth iyong boxer shorts. Gayang-gaya iyon ng nakita ko n’ong nagsearch ako para sa birthday gift ko kay Haunth.
Dumiretso nalang kami sa paglalakad ni Kaiden at binaliwala nalang si Ruth na namumula na katatawa.
“Eh kung pagkain nalang kaya?” tanong ni ruth nang maka-move on ito sa pagtawa.
“’di ako marunong magluto”
“Iyon na nga eh. Pag-aralan mo para may effort”
“Pwede,” sabi naman ni Kaiden.
“Eh ano iluluto ko? Eh kung cake kaya?” sabi ko na ikina-iling naman ni Ruth.
“Cookies nalang mas madali” sabi ni Ruth at siya rin namang tinanguan ni Kaiden.
Dumiretso na kami sa supermarket para maghanap ng ingredients para sa cookies.
“So, anong kailangan natin?” tanong ko kay Ruth. Lumingon naman siya kay Kaiden na ikinatawa naming tatlo. Akala ko naman alam ni Ruth kung paano magluto ng cookies.
“Kailangan mo ng butter, white and brown sugar, itlog, vanilla extract, baking soda, all-purpose flour at chocolate chips” sabi niya at naghanap na kami ng mga kakailanganin.
Nang makabili na kami ay agad ding nagpaaalam na si Kaiden nang tawagan siya ng tita niya. Naupo muna kami ni Ruth sa bench sa labas ng mall para hintayin si Mang Eduardo. Medyo madilim na at malamig narin pero dito parin kami naghintay ni Ruth dahil nahihirapan nako sa loob ng mall sa dami ng tao.
“Ruth” pukaw ko rito.
“Hmm?”
“Naniniwala ka ba sa spells?”
Nilingon naman ako nito at tinignan na para bang tinubuan ako ng panibagong ulo.
“Huh? Hindi?” takang sagot niya.
“Naaalala mo last week? Noong sinundo ka ni Brayden pauwi?”
“Oo, bakit?”
“Naaalala mo iyong matanda na lumapit sa akin last time na nagpunta tayo sa mall?”
“B-bakit? ‘wag mo sabihing siya nga iyong nakita ko bago dumating si Brayden? Ibig sabihin ‘di ako namalik-mata?”
Tinanguan ko naman si Ruth na para bang gulat na gulat.
“Remember me?” tanong nito at ngumiti nang pagkalapad-lapad. Siya iyong matandang tumawag sa akin noong nakaraang pumunta kami ni Ruth sa mall. Iyong nagtanong if brokenhearted ba ako.
“P-po?”
Hinawakan niya ang magkabilang tuhod niya at ipinantay ang kaniyang mukha sa akin. Iyong nakakatakot niyang mukha kanina ay napalitan ng… pag-aalala?
“’wag ka mag-alala. Gusto kitang lapitan noon pa dahil may nakikita akong mangyayari sa ‘yo sa mga susunod na araw o buwan”
Napaurong naman ako dahil hindi ako kumportable sa kaniya. Tinignan ko iyong guard sa tapat ng school namin at busy ito sa pakikipag-usap sa nasa loob ng sasakyang papasok ng school namin.
“Naaamoy ko kasi iyang amoy mong prone sa kamalasan” seryoso niyang sabi.
“Po? Pasensya na po, may pupuntahan pa po ako” pag-iwas ko at sinubukang umalis na pero hinawakan niya iyong braso ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“Naniniwala ka ba sa spells?”
Tinignan ko lang siya at umaasang maramdaman niyang hindi na ako kumportable pero mukhang hindi niya naramdaman at ipinaharap niya ako sa kaniya.
“Kung gusto mong makuha iyong pinakamamahal mo, gumamit ka ng spell” sabi niya at napangiti nang malapad.
Ano raw? Nawawala na ata sa katinuan ito. Tinanaw ko ang tapat ng gate namin at ‘di ko parin mamataan ang sasakyan namin. Mang Eduardo, nasaan kana ba? Ngayon ko lang ginustong makita iyong mukha ni Manong Eduardo.
“Hulaan ko, hindi ka binibigyan ng sagot ng lalaking gusto mo, ano?”
What? Stalker ko ba ‘to? Bakit parang alam na alam niya iyong katayuan ko?
“I am not your stalker, hija. Naririnig ko iyang iniisip mo” sabi niya at umurong ako nang paatras.
“With the spell I have, kailangan mo lang ibulong iyon sa isang pagkain and kapag kinain ito ng taong gusto mo, magic! May gusto na siya sa ‘yo” sabi niya at lumapit pa sa akin.
“Anong nangyayari rito?”
Pareho naman kaming napalingon sa lalaking pinaguusapan naming nakahalukipkip bigla sa gilid ko.
Sumeryoso naman ang mukha noong matanda at lumayo sa akin.
“Nasa may Plaza del Norte lang ako palagi, hija” sabi nito at umalis na.
Napapikit naman ako nang ilang beses sa nangyari.
“Okay ka lang?” tanong ni Hauth.
Napalingon naman ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang bigla nalang nawala ang iniisip ko mula nang makita ko ulit iyong matanda.
Napatingin ulit ako sa kung saan dumaan ang matanda.
“Nasaan na iyong sundo mo?”
“Hindi ko nga alam eh” sabi ko sa kaniya nang may dalawang sasakyan ang pumarada sa tapat namin.
Naunang huminto ang isang Ferrari Enzo na kulay pula at sa likod naman nito ay ang pamilya na sasakyan na Bentley Continental GT na kulay British Raising Green.
Iniluwa naman ng unang sasakyan ang isang babaeng matangkad na may suot na red and black race suit. May pagka-tan siya at may pagka-straight ang buhok niya.
“Baby, tara na” sabi nito nang nakatingin sa katabi ko.
Napakunot naman ako sa narinig. What? Baby? Si Haunth? G-girlfriend niya? Agad ko naman nilingon si Haunth na nakatingin lang sa bababeng tumatawag sa kaniya ng baby.
“Hintayin ko lang sundo niya” sabi ni Haunth at itinuro ako kaya naman napatingin sa akin iyong babae.
Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa kaya naman medyo na-conscious ako at nginitian nalang ng marahan ang babae. Nginitian niya naman ako at sinabing “Sure” habang nakatingin sakin at muling pumasok sa sasakyan niya.
Lumabas naman sa isang sasakyan si Daddy na siyang ikinakunot muli ng noo ko.
“Shannel” sabi niya at lumapit sa amin ni Haunth.
“Daddy”
“Masama pakiramdam ni Manong Eduardo. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakarating” seryosong sabi ni daddy habang tinitignan si Haunth.
Napatikhim naman si Haunth at nagpakilala kay Daddy.
“Good afternoon po. Ako po si Alain Haunth Bree, uhm… kaibigan ni Shannel,” bati ni Haunth kay Daddy at kinamayan ito.
“Good afternoon din, hijo. Bakit ‘di ka pa mauwi?”
“Kararating lang din po ng sundo ko” sabi ni Haunth at itinuro iyong sasakyan ng babae.
“Oh siya, mauuna na po ako. Nice to meet you po. Shannel, una na ako” paalam niya sa amin at dumiretso na sa pulang sasakyan.
“Boyfriend mo?” tanong ni daddy. Nginitian ko naman siya at kinindatan.
“I wish, Daddy” sabi ko sabay takbo papasok ng sasakyan.
“Sino iyong babae?” tanong ni Ruth.
“Hindi ko alam. Pero ano nga, ano tingin mo?”
“Spells? Hindi naman niya sinabi sayo iyong spell?”
“Sabi niya nasa Plaza del Norte lang daw siya. Baka gusto niya puntahan ko siya?”
“’wag na. ‘di tayo sigurado kung ano intensyon ng matanda na ‘yon sayo” sabi ni Ruth at hinipan ang palad niya dahil sa lamig.
“Isa pa, ‘di naman natin alam kung totoo ba iyong mga spells na sinasabi niya” pahabol pa niya.
“Eh paano iyong part na alam niya iniisip ko?”
Nilingon naman ako ni Ruth.
“Baka naman halata masyado sa mukha mong brokenhearted ka?” sabi niya at tumawa na naman. Sinamaan ko lang ‘to ng tingin. Mabulunan ka sana sa laway mo, Ruth.
Hindi naman na nagtagal ay dumating na si Manong Eduardo at sumakay na kami ni Ruth. Hinatid muna namin si Ruth bago kami dumiretso pauwi.
Inilagay ko muna sa pantry ang mga ingredients na pinamili ko. Sa Thursday na siguro ako gagawa. Dumiretso na ako kaagad sa kwarto ko at saktong pagpasok ko ng kwarto ay nakatanggap ako ng text. Agad ko naman itong binasa.
I hate you.
-X