Cruffles Residences Inalalayan ako ni Haunth pababa ng motorsiklo niya nang makarating kami sa parking lot ng condominium. Siya na ang nagbuhat ng bag ko at tinulungan akong gamitin iyong saklay. Itinaas naman niya iyong kamay niya at inabot iyong likod na parte ng kapote niya tanda na tatanggalin niya na ito. Napadako naman ang tingin ko sa balat niyang na-expose nang sumama nang kaunti iyong uniform niya sa kapote. Napatingin naman ako sa ibang direksiyon. Maghunos dili ka, Shannel! In fairness, may abs. Expected ko cute na cute lang iyong tiyan niya, may ibubuga pa pala ang Haunth ko. Matignan nga ulit. Dahan-dahan akong tumingin kay Haunth para muling silipin iyong abs niya pero iyong mukha niya lang ang sumalubong sa akin, dahilan para mapapitlag ako sa gulat. “What