Hindi alam ni Akiko kung ano ang dapat maramdaman habang pinagmamasdan sa mula sa malayo ang kaibigan na umiiyak habang nakaupo sa swing. Nasasaktan siya para sa kaibigan. Kung pwede lang akuin ang mga sakit na nararamdaman nito ay ginawa na niya. Kung ang isang sapok niya kay Hunter ang magpapalaya sa kalooban ni Heaven ay matagal na niya sana sigurong ginawa iyon. Ngunit alam niyang lalo lamang masasaktan ang kaibigan. Napabuntong hininga siya at kinusot ang mga mata para pigilan ang mga luha. Ayaw niyang makitang umiiyak si Heaven. Her friend is all she has, plus her parents. Lahat ng bagay na meron siya ay utang niya kay Heaven. Kaya niyang ibigay ang lahat ng gustuhin nito makita lang itong sumaya, kaya nga nagawa niyang maglihim dito at makipagsabwatan kina Homer. Napatayo siya m