“CJ, ‘di ba player ka ng basketball sa dati mong school?” Tanong ni Enrique habang hinihintay namin ang susunod naming teacher. Katatapos lang ng lunch break. “Oo.” Sagot ko habang busy sa pagbubuklat ng libro para magpatay-oras. “Sali ka sa team natin, pare.” nasa Grade 10 na kasi ako. Marcus told me to take up an exam para ma-acclerate ako sa Senior High pero tumanggi ako. Sinabi kong mas gusto kong pagdaanan ang Grade 10. I did not tell him that the real reason was that I need time for my self. Simula kasi last week na magkaigihan kami at pilitin niya akong doon na sa penthouse niya tumira para daw makaiwas ako sa mga matang mapanghusga (as if naman makakaiwas ako talaga), siya na lang ang lagi kong nakikita. Okay lang naman kasi mabait siya, maasikaso, malambing, at maalaga pero gust