HINDI AKO mapakali sa kinauupuan ko. Nasa likod kasi ng kinauupuan ni Peter si Marcus at kapag tumingin ako sa gawi niya, makikita at makikita ko siya. Yes, after days of not showing his face, andito na naman siya para makisit in. Napapailing na lang ako sa kinauupuan ko dahil nagkaka-goosebumps na ako sa tindi ng tingin na ginagawa niya sa akin. Sa loob ng apat na oras na classes namin ay wala siyang ibang ginawa kundi iyon. Nag-iinit at pinagpapawisan na ang buong katawan ko dahil damang-dama ko ang aura niya sa buong classroom. Maging ang guro ay natataranta na sa pagdi-discuss sa napakatahimik niyang klase. Lahat ay nakikinig. Walang gustong magsalita. “Mr. Serna, please compare and contrast Iliad and Odyssey as to their plot.” Kinakabahang utos ng teacher. Tumayo ako and cleared my m