HINDI KO alam kung ngingiti ako o magngingitngit. Si Peter lang pala ‘yong kumakatok sa pinto ng kuwarto ko, kinabahan pa ako. “Pare! Na-miss kita!” Bigla niya ako yinakap and by instinct, naitulak ko siya. “Hey! Ang sensitive mo naman!” Nauna pa siyang pumasok sa akin sa loob. Wala akong nagawa kundi pumasok na rin at sundan siya. Maliit lang ang dorm ko pero andoon na lahat. May munting sofa, maliit na kitchen na kumpleto sa gamit at dining area, may ref pa, sariling cr, study area kung saan may desktop computer. Nang dumating nga ako ay may laptop, tab at iPhone pa akong naabutan and a note saying na sa akin na raw ang mga iyon. At syempre may malambot din na kama na hindi ko maintindihan kumbat sobrang laki. “Nakakainggit talaga dito sa kuwarto mo, pare. De aircon pa. Di ba pwedeng