Drew After two years. London, England 3:00 AM GMT+1. I have packed all my books. Mapupunta lahat iyon sa donation. Hindi ko kayang bitbitin lahat iyon pauwi ng Pilipinas. Yes, uuwi na ako. Parang kailan lang. Natapos ko na rin ang dalawang taon ko dito at ngayon ay handa na akong balikan ang bansang pansamantala kong iniwan. Naayos ko na lahat ng dapat ayusin dito. I can t wait to see my family, friends and that one person na laging nasa isipan ko. Napalingon ako sa coffee table, I have their pictures mounted on a picture frame. Kamusta na kaya sila? During my first six months sa London halos gabi-gabi kong kausap through Skype ang mga magulang ko at si Kuya Bernard. I know they have a lot of questions particularly tungkol doon sa nangyari between me and Troy sa airport. But when I tol