Drew It was then that I really saw him. May mga telltale signs of weight loss. His face looked a little thinner, his cheekbones a little bit more pronounced. Just the same, siya pa rin ‘yung Troy na isang ngiti lang niya kahit sobrang tipid eh nag-uunahan na ang mga in-house kabayo ko sa dibdib. Have I missed him? Sobra. At ngayong kaharap ko siya, abot-kamay lang pakiramdam ko hindi ako umalis at nawala ng dalawang taon. Patunay ang parang pagpiga sa puso ko habang tinititigan ko siya. "Panonoorin mo na lang ba akong kumain?" he asked without looking at me. "What have you been doing to yourself? Nangangayayat ka." Hindi ko maitago ang pag-aalala. He scoffed, "I don't think it matters. Eat." Iminuwestra niya ang hawak na kubyertos sa pagkaing hindi ko pa rin ginagalaw. "Troy.." "Damn