Yurielainne’s P.OV. “Ouch!careful!” sabi ni Teo. Saglit kong inalis ang bulak na may alcohol. Nililinis ko muna kasi bago ko lagyan ng betadine ang sugat niya. “Bakit kasi ayaw mong magpadala sa hospital?” inis kong sagot sa kanya. “Ayaw ko! Mamatay ako doon.” “Mamatay ka? Sa tingin mo hindi ka mamatay kung hindi ka dadalhin sa Hospital. Ilang hampas ng dospordos ang tumama sa katawan mo? Kailangan mong dalhin na talaga sa hospital Vampire love.” “As long as your here I’ll be okay.” “Hindi ako Poon Mr Teo Lugen.” Tinitigan niya ako. “Yeah! You don’t need it. Maging Mrs Yurielainne Lugen ka lang sapat na para humaba ang buhay ko.” My cheeks heat up while I’m staring at him. Yung puso ko parang gustong magwala sa kaligayahan. Natuto na siyang magpakilig ngayon. “W-what do you mean?”