Yurielainne’s P.O.V TAHIMIK ang naging pagkilos ko habang lumalabas ako ng Mansion namin. Wala si Daddy ngayon sa pilipinas at si Mommy ang nasa mansion ngayon. Kaya naman grounded ako ngayong araw. Hindi ako maaring lumabas ng mansion at iyon ang hindi ko kayang gawin. Lalo na’t ilang araw kong hindi nakikita ang Vampire love ko. Mula kasi ng umuwi kami galing sa Resort nila Alfred hindi na kami nagkakatext at kahit tawag. Kinuha ni Mommy ang Cellphone ko, Atm at Credit card. Matapos niyang malaman mula kay Lulu Anne na kaming dalawa lang ni Teo sa resort na iyon. Hindi na ako nagpaliwanag kay Momny dahil alam ko namang mas paniniwalaan niya si Lulu Anne kesa sa’kin. Tumakbo ako ng makalabas ako ng pintuan tapos agad akong sumakay ng kotse ko. Tanging isang kotse lang ang pwede kong gam