Yurielainne’s P.O.V Nasa loob kami ng isang sikat na cafe. And take note kung sino ang kasama ko si Lulu Anne lang naman. Ang pinaka ayaw kong makasama sa balat ng lupa. Kung hindi lang nakiusap sa ‘kin si Mommy na sumama ako never akong papayag. “Mabuti naman at napapayag kang sumama sa akin. “Panimula ni Lulu Anne. “Mabuti naman at alam mo. Ano pala ang nangyari sa mukha mo bakit may marka ng black eye?” May parang pasa kasi ang mukha niya na medyo mapusyaw na ang kulay na itim at mukhang pagaling na. Hinawakan niya ang mukha niya. “May baliw na bigla akong sinuntok. Nakaka-badtrip nga.” “Ang swerte naman ng baliw nasuntok ka,” bulong ko. “May sinasabi ka, Yurielainne?” Tumango ako. “Mabuti at nagawa mong ipakulong ang baliw?” “Pinakulong ko sa mental.” “Anong dahilan bakit g