CHAPTER 12 Teo’s P.O.V. ANG LAPAD ng pagkakangiti ni Ally sa akin ng pagbuksan niya ako ng pintuan. Nakapamulsa ako habang nakasimangot. Ito kasing si Ally. Ngiting-ngiti mabuti sana kung masaya lang siya dahil nakita niya ako pero dahil alam ko kung ano ang kinatutuwa niya. Sumimangot ako. “Where’s Frits?” “Nandiyan sa loob kanina ka pa niya hinihintay pasok ka.” Tumango ako sa kanya at hindi na tumingin. Kapag kasi pinansin ko si Ally. Siguradong pagti-tripan niya ako. “Teo, mukhang hindi ka nakatulog kagabi ah. May eyebag ka. Ayiee! in love na talaga siya.” Pambu-bully sa akin ni Ally. “Shut up! Allyson! Wala ako mood ngayon.” Pero imbes na matakot sa akin si Ally. Tumawa pa ito ng malakas. Marahil alam niya kasing hindi ko kayang gawin sa kanya. Si Ally lang kasi ang nakakakila