Tes’s P.O.V. ISANG BUWAN na ang lumipas ng mangyari ang kaguluhan sa debut ni Allyson. Nakaligtas si Frits nang dukutin siya ni Maddison ng pinsan ko. Alam kong mangyayari ang lahat ng ito ngunit ang hindi ko inaasahan na mas malala ang kakalabasan. Sana noon pa lang pinigilan ko na si Maddison para hindi na umabot pa sa ganito ang nangyari. Namatay si Maddison. Si Allyson, ang kaisa-isang babaeng nagpahalaga sa buhay ko, ang babaeng nagpakita sa akin kung gaano kasarap mabuhay ay nasa bingit ng kamatayan, nakikipaglaban sa kamatayan. “Tita Sheena, kakausapin ko lang po si Allyson,” sabi ko sa Tita ni Ally. Tumango siya sa akin. “Sige.” Lumapit ako sa naka-comatose na si Allyson. Hinawakan ko ang kamay niya. “Gumising ka na maldita ko. Isang buwan ka ng hindi bumabangon diyan. Ang tama