Teo Lugen's POV "Brad! Bukas na kayo pupunta ng Puerto nila Frits. Alam na ba ng partner mo sa Debut ni Ally na kasali siya?" Tanong sakin ni Alfred. Habang nakahiga kami sa ilalim ng malaking puno ng Narra na di kalayuan sa clasroom namin. "Hindi pa." "Hindi nya pa alam? Bukas na tayo pupunta ng puerto." Nakakunot ang noo ko ng tumingin ako sa kanya. "Kasama ka?" "Lahat ng gwapo sa SPIA kasama ang lamang nga lang natin sa kanila paligo ng sampung tabo. Naubusan yata sila ng tubig kaya hindi nabanlawan ng maayos." Humalakhak pa ito. "Gago!" "Back to The topic. Anong plano mo baka may ibang lakad na ang partner mo hindi mo pa sinasabi." "Psh! Hindi ko alam paano sasabihin." Ibinato sakin ni Alfred ang hawak niyang ballpen. "Torpe! Ang tapang-tapang mo torpe ka naman." "Shut up!"